Part 6

313 15 0
                                    

NA-SHOCK si Charline pagkakita sa umagang-

umagang bisita nila.



"Juan!"



"Good morning," nakangiting bati ni JC,

"tamang-tama pala ang dating ko."



Paalis na noon si Charline, alas-sais ng

umaga, Tsinetsek niya ang sarili sa salaming

nakasabit sa dinding, malapit sa pintuan, nang

may pumaradang kotse sa tapat. Pagsilip sa

bintana, nakaibis na si 'Juan' at patungo sa kanila.



Hindi pa rin malaman ni Charline kung ano

ang isasagot sa masayang pagbati ng binata.



Mula sa komedor, narinig ng dalawa ang

malakas na tanong ni Karen. "Sino'ng dumating,

Mylene?"



"Ate mo, Charline?" tanong ni JC.



Bago maka-oo si Charline, heto na ang ate

niya. Inabutan nito ang dalawa sa may pintuan.



"Good morning," bati ng binata rito, "ikaw

siguro ang ate ni Charline. "Ako si Juan – "



Napamulagat si Karen. "Ikaw si Johnny?"



"Mas gusto ni Charline ang Juan," ani JC,

nakamuwestra ang tingin sa dalaga, "so, tawagin

mo na rin akong Juan."



"Ako si Karen. 'Lika, tuloy. Dito kayo mag-

usap."



"Baka ma-late na ako," sabi ni Charline sa

dalawa.



"Plano ko sana, mag-usap tayo nang

masinsinan, Charline," sabi ni JC. "Hindi ako

puwedeng magtagal dito sa Pilipinas. I have to

head home soon. So, mas maaga tayong

makapagpakasal – "



Nabigla si Charline.



"The better, di ba?" tanong ni JC. "Gusto

kong asikasuhin agad ang travel papers mo para

maisama na kita sa States."



Si Karen naman ang nabigla – sa problema.



"Naku, baka hindi kaagad kami

makahagilap ng pamasahe ni Charline. Ang plano

kasi namin, pag pumayag ka na kalahati muna

ang iabot sa iyo ni Bettina, maglo-loan ang mister

ko sa – "



"No need for that," bulalas ni JC, pero nang

ma-realize na mali iyon, idinugtong niya, "I mean,

ako muna ang bahala sa lahat ng gastos ni

Charline."



"Sandali," singit ni Charline, "masyado

namang mabilis. Two days kang hindi nagpakita

sa akin sa Lake View, ni hindi ka tumawag dito.

Akala ko, ayaw mo na. Tapos, bigla kang susulpot

dito at mamadaliin ako?"



"Akala ko, gusto mong makarating agad sa

States?" tanong ni JC.



"Hindi ko na tiyak kung gusto ko nga,"

sagot ni Charline.



Pasimpleng kinurot ni Karen ang kapatid,

sabay sabi sa binata, "Gusto niya, Juan. Kaya lang

– "



"Mama, tinutukso ako ni Kuya, o!" Galing

ang tinig sa kusina.



"Mag-usap nga muna kayong dalawa," ani

Karen sa mga kaharap. "Sandali lang ako mawala,

nagbabangay agad ang mga anak ko."



Pinaupo ni Charline ang binata. Tumanggi ito.

Sabi, "I was thinking, huwag ka munang mag-

report ngayon sa trabaho. I want us to have a long

chat, at the same time, gusto ko ring mamasyal

tayo. Maybe, sa Taal? May inarkila akong

sasakyan."



Nagtaka si Charline. Ang sabi ni Bettina,

kailangan nito ng pera kaya pumatol sa alok nila.

Pero bakit parang mapera ito? Nag-hire ng kotse,

at aabonohan pati plane fare niya kung sakali?



"Please?" Nakikiusap ang tono ni JC.



Pumayag na rin si Charline. Nagpaalam siya

sandali sa binata para magpalit ng damit.



Habang nasa itaas ng bahay si Charline,

sumilip si JC sa komedor. Patapos nang mag-

almusal ang tatlong anak ni Karen, at ang huli'y

inaayos ang lunchboxes ng mga ito.



"Hello, kids," bati ni JC sa mga pamangkin

ni Charline "Good morning."



Sabi ng panganay, lalaki, walong taon at

nasa third grade, "Good morning. Sino ka?"



"Ako si Juan – "



Hindi nagawang buuin ni JC ang kanyang

pangalan. Antimano, ibinulalas ng sumunod,

babae, six years old:



"Ikaw si Juan Tamad?"



Sinundan iyon ng malakas na hagikhikan.

Natawa rin si JC.



Napahiya si Karen. "Pasensiya ka na, ha."



"It's okay." Bumaling uli si JC sa mga bata, at

aniya rito, "Hindi ako tamad. Ang totoo kong

pangalan ay Juan Masipag. Kayo rin, if you study

hard, tatawagin din kayong masipag, don't you

think so?"



"Bakit Ingglesero ka?" tanong uli ng

panganay.



Tiningnan ni Karen nang matalim ang

kanyang panganay pero inignora lang iyon ng

anak.



"Kasi'y nakatira ako sa Amerika. I'm an

American citizen. And very soon, isasama ko roon

ang Tita Charline n'yo. At siguro, kapag matataas

ang grades ninyo, pagbabakasyunin ko kayo roon.

O, posible rin na doon na rin kayo tumira sa

malapit na hinaharap. Gusto n'yo ba 'yon?"



Malalakas na 'oo' ang isinagot ng

magkakapatid. Kahit mga musmos, alam ng mga

iyon na ang Amerika ang pangarap na marating

ng marami.



Mayamaya'y heto na uli sa ibaba si Charline.

Simpleng bestida at sandalyas ang suot ng dalaga.

Nakatali sa batok ang buhok, walang papula ni

konti ang mga labi, walang pulbos. But JC looked

at her as if she's some goddess na bumaba mula

sa langit.



Napuna ni Karen kung paano minasdan ni

'Juan' ang kanyang kapatid.



Ipinagpaalam ng binata si Charline kay

Karen. Siyempre'y pumayag ang huli.



Ngunit nang wala na ang dalawa, kumunot

ang noo ni Karen. Malinaw sa usapan nila ni

Bettina na hindi pa US citizen si Johnny. At bakit

parang ang yabang nitong magsalita? Kahit

dollars ang kita ng lalaking iyon, gaano lang iyon?

Can afford ba ang mga caddie na pagbakasyunin

sa Amerika ang mga bata?



Ipinasya ni Karen na bago mapasubo si

Charline, tatawagan niya muna si Bettina. Uusisain

niya ang kaibigan kung matinong lalaki ang

kausap nila. Mahirap nang mapahamak ang

kapatid sa kamay ng isang sinungaling na,

hambog pa!



NASA sasakyan pa lamang sila patungong Taal

ay panay na ang hingi ni JC ng apology kay

Charline sa hindi niya pagtawag o pagpapakita sa

nagdaaang dalawang araw.



"Akala namin ni Ivy," sabi ni Charline, "nag-

back out ka na."



"No, hindi ko gagawin iyon. I was just busy

doing this and that. Inayos ko rin ang aking leave

application para kung sakaling ma-delay ang pag-

grant ng visa sa iyo sa US Embassy, I can extend

my stay para i-assist kita."



"Okey sa iyo kahit hindi buo ang

napagkasunduang bayad sa – "



"That's not a problem. As I said, sagot ko

ang lahat ng expenses mo. Isa iyon sa mga nilakad

ko, ang gagamiting pera sa documents, sa travel."



"Pero – "



"Please, pagdating natin sa States, saka natin

pag-usapan ang tungkol doon, okey?"



Hindi na muna umimik si Charline. Ayaw

niyang iparinig sa driver ng rented car ang

maraming-maraming tanong na ibig niyang

sagutin ni 'Juan'. Ibang-iba kasi ang Johnny na

ikinuwento sa kanila ni Bettina, na gipit iyon sa

pera kaya handa ring kumapit sa patalim.



Ngunit bakit ang kasama niya ngayo'y tila

napakadaling nalutas ang problema sa pera? May

ganoon bang gipit? At bakit parang apurado itong

isama na siya pabalik sa Amerika?



NASA parke ang dalawa, nakatanaw sa lawa at

bulkan ng Taal, nang ungkatin ni JC ang isang

sinabi kanina ni Charline, nang nasa bahay pa sila

nito.



"Sabi mo, parang hindi ka na sure kung

gusto mong pumunta sa States. Why's that?"



"Bakit ba sa palagay mo gusto kong

makarating doon?"



"Well, hindi ba lahat, iyon ang pangarap?

Ang makapag-abroad, and if possible, sa States?"



"Ipuwera mo ako roon, Juan. Kung marami

lang job opportunities dito sa atin, I bet, hindi

mangingibang-bansa ang mga kababayan natin."

Ikinuwento ng dalaga ang tungkol sa dinanas ng

ama at kuya niya dahil sa pangarap na kumita ng

dolyar.



JC looked horrified pagkarinig na nasa piitan

pa sa Middle East ang kuya ni Charline. "Hindi ba

kayo humingi ng tulong sa gobyerno?"



"Wala kaming kapit kahit kaninong mataas

na tao, Juan. May papansin ba sa amin? Ang

balita nga, pag tumakbo sa Embassy natin doon

ang minaltratong domestic helper, itataboy

pabalik sa malupit na amo. Sa halip na

protektahan ang mga Pilipino, ang kinakampihan

ng Embassy staff natin doon, 'yong tagaroon."



"I understand you bitterness, Charline, but

don't be too harsh in your judgment. May ilan

sigurong bulok na Embassy staff, but I'm sure,

ang nakararami ay matapat sa pangangalaga sa

karapatan ng mga Pilipino."



"Kapag nakauwi na siguro ang kuya ko,

baka-sakali, magbago ang opinyon ko sa mga

walang silbing Embassy staff sa bansang iyon."



"What about your parents? Parang hindi

n'yo sila kasama sa bahay?"



"Hindi ba nabanggit sa iyo ni Bettina?"

Nangilid ang luha ni Charline. "Nasa Cagayan de

Oro ang tatay ko, kapatas sa isang pineapple

plantation doon. Ang nanay ko, katiwala sa isang

bahay-bakasyunan dito sa Tagaytay. May mga

edad na sila pero kumakayod pa rin. Nag-iipon

sila, pambayad sa abugado para mai-appeal ang

kaso ni Kuya. Ako, naghuhulog kahit unti-unti sa

natitirang utang ng pamilya."



Pinalis ni Charline ang luha bago pa iyon

pumatak sa kanyang pisngi.



Patuloy niya, "Kaya nga pumasok akong

umbrella girl sa Lake View. Malaki ring tulong sa

pamilya ko 'yong kinikita kong tips sa mga

golfers. Kaysa mag-opisina ako sa Maynila.

Ano'ng mararating ng minimum wage?"



"Tapos ka ng college?"



"Bakit parang nagulat ka?"



"No, not really. I realized, dito nga pala sa

Pilipinas, kahit mababa ang suweldo,

hinahanapan ng mataas na pinag-aralan ang mga

aplikante."



"Sa di-kilalang kolehiyo galing ang aking

bachelor's degree sa psychology. Kaya 'yong mga

unang pag-aaplay ko, pagkakita pa lang kung

saan ako nagtapos, ni thank you letter sa pag-

aabala kong magpadala ng application, wala

akong tinanggap. Inuuna siyampreng i-entertain

'yong mga aplikante na galing sa exclusive

schools."



Sa unang pagkakataon, na-realize ni JC na

hindi dala ng mababaw na pangarap – ang

makatuntong sa Amerika – ang nag-udyok kay

Mylene para humanap ng tuntungan doon.



"Sa States," sabi uli ni Charline, "kahit daw

hanggang tatlong trabaho, puwedeng magkaroon.

I mean, odd jobs lang. Babysitter, kitchen helper,

bakery assistant, waitress. Papatulan ko 'yon para

makaahon ang parents ko, at para maiapela ang

kaso ni Kuya."



"There are only 24 hours in a day kahit sa

States. Hindi ka na ba matutulog niyon?

Magpapakamatay ka ba?"



"Sa tulad kong nangangarap na maibalik ang

naibentang lupa at bahay ng mga magulang ko,

kahit four hours a day lang akong matulog,

kakayanin ko. Kahit mapalayo ako sa aking

pamilya, di bale na. Tutal, hindi iyon permanente.

Ang kailangan ko lang, mabilis at legal na paraan

para makarating sa Amerika."



"Did you know that it's a federal offense?

Parehong mapaparusahan ang pumapasok sa

ganoong kasunduan, ang taga-US at ang

pinakasalang alien."



"Alam kong bawal. Pero sabi ni Bettina,

marami raw gumagawa ng gano'n doon. Hindi

lang daw mga Pilipino."



"Kung sa marami, oh yes, talagang marami.

That's why the INS – I mean, the US Immigration

and Naturalization Service – is so strict. Nagkalat

ang agents nila na nagmamanman sa suspected

bogus marriages. They're very thorough in

checking up those whom they believe are

breaking immigration laws."



"Paanong pagtse-check ang ginagawa nila?"



"Pinupuntahan nila sa bahay, sometimes

even in the middle of the night, ang mag-asawa.

Kapag napatunayan nilang hindi talaga

nagsasama ang couple – "



Napamulagat si Charline. "So, tama pala ang

sabi ni Ivy. Hindi puwedeng bukod ang tirahan

ko sa iyo."



"Kung pakakasal tayo, we have to live under

one roof."



"Hindi ba puwedeng hindi? Kunwari lang

tayong kasal, di ba?"



"Hindi puwedeng kunwari lang ang kasal

natin. Titiyakin kong legal iyon. However, hindi

rin puwedeng magkabukod tayo ng tirahan

pagkatapos. We have to stay together all the

time."



Curious na tiningnan lang ni Charline ang

binata. Seryoso at determinado ang tono nito nang

bigkasin ang mga huli nitong pangungusap.



Thank you guy's for supporting my Story..

Lovelybelle08



''WANTED HUSBAND.''.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon