Part 13

375 17 0
                                    

CHAPTER

13

PAPAROON na sila nang mapaiyak si Charline. It was delayed reaction sa saklap na dinanas sa kamay ng INS agents. Nasa boundary na sila noon ng San Bernardino at Riverside.

Inabot ni JC ang isang palad ng misis at
pinisil iyon.

Sabi ni Charline, humihikbi, "Para tayong
kriminal na inimbestigahan."

"They were just doing their job."

"Pero galit ka kanina sa kanila!" takang
bulalas ni Charline.

"Dahil inistorbo nila tayo. I've just started to
show you how much you mean to me. But of
course, lumabis 'yong dalawa sa pagganap ng kanilang tungkulin. They were too eager, too sure, to nail us down as federal offenders."

"Pero sino ang nag-tip sa kanila?"

"Would you like me to make an educated
guess?"

Napamulagat si Charline sa katabing siyang
nasa manibela. Iyong naisip nito, siya rin niyang naisip.

"Si Gina?" ani Charline.

"Sino sa palagay mo? Siya kamo ang unang
naging kaibigan mo rito sa California."

Ayaw maniwala ni Charline. "Kababayan
natin siya, bakit siya magsusumbong sa INS?"

"Did you confide in her? I mean, 'yong
tungkol sa original nating arrangement?"

Natilihan si Charline. "Not exactly. Pero
siguro napagtagni-tagni niya 'yong mga
ikinuwento ko. Come to think of it, mausisa
siyang masyado. Pero inakala ko naman na she's genuinely interested sa buhay ko, natin."

"Kaya winarningan kita, di ba, na huwag
kang masyadong magtiwala."

"Kahit kababayan natin?"


"I hate to say this, but yes, lalo sa
kababayan. . unless matagal mo na silang kilala. Kahit noon pa, nabalitaan ko na ang gawi ng iba nating kababayan dito sa Amerika. They act as informants for the INS."

"What for?"

"For the money, of course. May reward ang
tipster ng bogus marriages between citizens and aliens, alam mo ba? And perhaps, some do it for future favors from the INS."

"Wala ba silang malasakit sa kababayan?"
gimbal na tanong ni Charline.

"Nakakalungkot sabihin pero kahit yata
saang parte ng daigdig, lumilitaw ang crab
mentality ng ilang Pilipino. 'Yong ayaw nilang makita ang kapwa na umaangat sa buhay. For them, pag-angat ang makatuntong sa States. So, para huwag maungusan, gumagawa sila ng hakbang para hatakin pababa ang kapwa.

Halimbawa'y ang magsumbong sa INS para
mapa-deport ang kinaiinggitan."

Natuyo ang luha ni Charline. Naisip ang
kotseng binili ni Juan para sa kanya, ang BMW na siya nilang dala ngayon patungo sa Palm Springs.

"Kaya pala gano'n ang tono sa akin ni Gina
nang una niyang makita itong kotse. Ayaw
niyang maniwala na ikaw ang bumili nito. Kasi nga, nasabi kong caddie ka lang. Sabi niya, siguro raw, ikinakaila ko lang na mayaman ang pamilya ko sa Pilipinas at galing doon ang ipinambili nito."

"That figures. Akala niya, mayaman ka na
naghanap ng mababayarang mister na American citizen. And because you told her that I was only a caddie..."

"Ngayon, alam ko nang hindi. Ang totoo,
unang kita pa lang namin sa iyo ng friend kong si Ivy, duda kaming caddie ka nga. Alam kong engineer ka pero ano eksakto ang trabaho mo?"

''WANTED HUSBAND.''.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon