"It's nice to see you again Mr. Morter. The guests are really please to see you right now." Ani ng CEO ng company na kung saan gustong mag-invest ni Sigmund Morter.
Pumasok sila sa loob ng elevator. Not minding the reactions of workers on the building. Tilian at singhapan ang maririnig paglabas nila ng elevator upang pumunta sa meeting room.
Amused eyes welcomed them as Sigmund entered the room. It's their first time to see the dashing Sigmund Morter. Nakikita lang nila ito sa TV dahil sa impressive nitong naiambag sa larangan ng architecture.
Minuwestra ng matandang CEO ang upuan kay Sigmund. Nginitian niya ang tao doon. Pigil na tili ang narinig niya sa mga babaeng nasa gilid niya kaya naman binigyan niya ang mga ito ng isang nakakalokong ngiti. Agad nagsinghapan ang mga babae. Sa tingin pa lang ng mga babae na kahit investors din sa companya at mga sopistikada ang tingin, isang sulyap lang ng isang Sigmund Morter, rurupok na agad.
"Ladies and gentlemen, let's welcome Mr. Sigmund Morter." Ani ng CEO. Palakpakan ang mga taong nandoon lalo na ang mga babae na akala mo'y proud parent sa gragraduate na anak.
Tila hindi naman nakikinig si Sigmund sa sinasabi ng nasa harapan. Hinihintay niya lamang ang pirmahang magaganap. At dumating na nga ang hinihintay niya.
Agad niyang pinirmahan ang kontrata at tumayo. Nakipagkamayan siya sa mga taong nandoon.
"Thank you for you investment on our company Mr. Morter." Ani ng CEO
"No problem" sabi niya at sinamahan na siya ng sekretarya ng CEO palabas ng building.
Si Sigmund Morter ang pinakamayaman sa buong asya. Marami siyang dinisenyong gusali------
BINATUKAN ako ni Celine at napabalik sa realidad habang gumagawa ako ng panibagong storya ngayong buwan. Hinawakan ko ang batok ko dahil sa lakas ng batok niya.
"Aray! Ano bang problema mo?!" inis kong sabi sa kanya habang pumunta siya sa gilid ng pinto para itapon ang pinagkainan niya ng paborito niyang chips.
"Ang OA naman niyang storya mo. Sobrang yaman naman masyado ng karakter. Bakit parang pare-pareho naman ang description ng mga characters mo" ani niya. Kumuha siya ng panibagong chips sa drawer. Bumalik siya sa pagkakaupo niya sa kanyang kama at nag scroll sa laptop niya dahil tapos niya na naman ang isang buong K-drama ngayong araw.
Ganito kami tuwing Saturday. Tumatambay ako sa bahay nila particularly sa kwarto niya. Celine Morales is my bestfriend since nagkamalay na ako sa mundo. Madalas ko siyang tawaging "Miranda" kapag gusto ko siyang inisin. Ayaw na ayaw niyang tawagin siya sa pangalan niyang yun kasi parang pangalan daw ng isang matandang dalaga. Magkapitbahay kami kaya naman walking distance lang dala ang laptop ko papuntang bahay nila at doon ako gumagawa ng mga stories. Minsan nga sa puno ako malapit sa bintana tumatawid dahil magkatapat lang naman ang kwarto namin.
Well bestfriends din kasi si Mama at Tita Irene (nanay ni Celine) at sa parehong subdivision pa nila piniling magpatayo ng bahay.
"Pake mo ba eh mga dream guy ko yung sinusulat kong description dito." Sabi ko at pinagpatuloy ang pagtatype.
"Duh! Pare-pareho kaya. Mayaman, Gwapo, maganda ang katawan, maraming nahuhumaling, tapos pinakamayaman pa?! Eh pano kung nagsama-sama silang lahat? Sinong pinakamayaman sa kanila?" Sabi niya tapos biglang napangiti dahil sa pinapanood niya. I rolled my eyes.
"Ang sakit mo namang magsalita. Criticism na yan eh, ano naman ngayon kung pare-pareho sila? Duh ka rin kaya nga fiction diba? Diba?" Napahawak ako sa sentido ko dahil nakalimutan ko nanaman ang itatype ko.
"See?! Nakalimutan ko na ang idadagdag ko" sabi ko at pilit inaalala ang dapat ilagay
"Wow besh, writer's block ba yan? Talagang pinapanindigan mo ang pagiging writer ha" kumuha siya ng using chip at sinubo sakin. Tinanggap ko naman at kumuha na rin ako ng chips sa drawer niya.
Nakita ko ang pag-angal ng mukha niya pero nabuksan ko na agad ito bago pa siya makapagsalita.
"Aya! Alam mo bang ang mahal mahal niyan? Hindi mo basta basta mabibili yan sa kung saan! Sa Korean store yan." Oa ha
"Ok don't panic! Bilhan nalang kita ng sandamakmak bukas since it's maggrogrocery kami bukas at madadaanan namin ang bilihan ng mga intsik na ito." Sabi ko sabay subo.
"Korean food yan. Korean! Hindi intsik"
"Whatever! by the way, anong magandang pangalan ng leading lady?" Tanong ko. Hindi siya sumagot dahil tutok siya na siya sa panonood niya.
Karamihan sa problema ng isang writer ay ang pag-isip ng pangalan. Hirap akong umisip ng pangalan. Siyempre dapat ang ilagay mong pangalan ay yung may dating. Isa akong baguhang writer sa wattpad at ang hirap talagang mga-isip ng mga susunod na mangyari sa kwento. Kaya bilib na bilib ako kay Maxinejiji sa storya niyang He's into her. Sobrang haba at maditalye.
Pangarap ko talagang maging isang sikat na writer pero hindi ako nabibiyaan ng talento sa pagsulat ng storya. Pangarap ko ba talaga ito? O sadyang ginagawa ko lang ito dahil sa KANYA?
Well, parte ako ng journalism sa school. Ang pangalan ng school paper namin ay Chimes. Isa akong News writer. Ibig sabihin, pawang katotohanan lamang ang naisusulat ko. Kung anong totoo, iyon lang dapat. Wala akong talento sa pag imbento ng mga pangyayari tulad ng editorial writing at feature writing.
Speaking of feature writing, ang feature writer namin na si Kayne ay isang ring manunulat sa wattpad. She won as 3rd placer during the Division School Press Conference (DSPC). Ang DSPC ay ang labanan ng mga iba't ibang school publication. Well I won too as 7th in News Writing. Na publish din sa isang sikat na publishing house ang mga stories niya sa Wattpad. At higit sa lahat, nakuha niya ang atensiyon NIYA.
They look perfect. The Feature writer and the Editor in chief. What a perfect couple. Maraming humahanga sa kanila. Pati itong walanghiyang friend kong si Celine na talagang OTP niya daw pero alam kong inaasar lang ako.
Sino ba naman ako sa paningin niya diba? Wth I'm a dela Fuerte. Maraming nagkakagusto pero isa lang ang napagtutuonan ng atensiyon. At yun ay ang lalaking hindi manlang magbigay ni isang sulyap sakin. Siguro di rin niya alam ang first name ko. Lagi niyang tawag sakin Ms. Dela Fuerte. Isa lang naman akong hamak na newbie News writer sa paningin niya. Pero hindi ako titigil. Kahit magpakapuyat pa ako sa kagagawa ng stories sa Wattpad at maging sikat. Kahit maubos pa ang pera ko para sa training ng feature writing.
Isa lang ang alam kong paraan para magkalapit kami ni Chase. Ito ay ang maging si Kayne Goner. Oo alam kong pangit pakinggan pero eto lang ang paraan para mapansin niya ako.
Get ready Chase Cua. Aliyah dela Fuerte is coming.
BINABASA MO ANG
Paper Hearts
Teen FictionStory of a journalist News Writer trying hard to create story..