C

7 3 0
                                    

"Anong ginagawa mo Aya?" Tanong ni Jessica habang naglalaro siya ng Mobile Legends. Well hindi lang naman boys ang nag-lalaro ng ML. I admit naglalaro din ako.

"It's another story." Sabi ko habang patuloy na gumagawa ng draft. Chapter 38 na ang naisusulat ko. Yesterday as I check my Wattpad account, dumami ang followers ko at reads ng mga stories ko. Kaya ginanahan akong mga-update ng chapters. I just got disappointed as I read the comments.

"Ang cliche ng story"

"Pare-pareho ang plot"

Well hindi na bago. Beginner nga ako diba? I'm envious of the 437k followers of Kayne in wattpad as I checked her wattpad account yesterday.

"Talagang pinaninindigan mo yang pagiging author sa wattpad dahil sa lalaking yan? Oh shemss wipeout na kami" natatarantang sabi niya kahit na tutok siya sa cellphone.

"Ba't di ka kasi mag hanap ng ka age mo Aya? Hindi yung Chase na yun. Ang tanda na nun. He's too matured to you. At sure ka ba talaga na magugustuhan ka nun kapag sumikat ka?" sabi ni Celine habang inaayos ang earphone niyang buhol-buhol.

"I don't like a boy, I like a man for me. Hindi yung mga classmates nating ang iimmature ang papatulan ko. Puro pa pogi lang ang mga alam. And of course yun lang naman ang meron sa Kayne na yun kaya nagustuhan siya ni Chase ko." I rolled my eyes. Hindi ko hilig ang mga lalakeng ka-age ko. For me, they are cliche. Hindi pa nila alam mag-handle ng seryosong relationship.

What relationship are you talking about Aya?

"Chase is too high for you. No offense Aya. And I think He likes girls na ka age niya rin. Like Kayne na classmate niya. They're mature." Ani ni Celine

"So sinasabi mong immature ako?--"

"Hindi sa sinasabi kong immature ka Aya. What I mean is pumili ka naman ng bagay sayo. You're pretty, rich, and mabait naman. I'm sure maraming nagkakagusto sayo" She's serious this time.

"Look. Hinahangaan ko lang si Chase dahil sa pagiging part niya sa Journalism and wala akong balak pumasok sa anumang relationship." Sabi ko sa mababang tono dahil nasesense ko na iba na ang patunguhan ng usapang ito.

"We don't want a fight Aya. Pinagsasabihan ka lang namin. We all know na hindi paghanga lang ang nararamdaman mo kay Chase" ani ni Jessica na tapos na pala sa laro niya.

Kahit anong sabihin ng kaibigan ko, alam kung hindi nila mababago ang pananaw ko sa buhay. I don't know what's my real feelings towards Chase. But I know hindi ito basta basta mapipigilan.

I went in our office after that para kunin yung powerbank ko. Naabutan ko si Chase na natutulog at nakapatong ang ulo at braso niya sa desk niya. Mag-isa lang siya. Pinagmasdan ko siya mula sa desk ko. Kusang gumalaw ang mga paa ko para puntahan siya. Desk lang ni Dolly ang pagitan namin.

As usual magulo ang desk niya. Pero hindi niya ito iniiwanang magulo. Inayos ko ang ilang nagkalat na papel niya sa baba. Muli kong pinagmasdan ang mukha niya matapos maitabi lahat ng nagkalat. Ang gwapo talaga ni Chase. He look so vicious kapag seryoso siya but he look like an angel kapag natutulog. Hindi lang ako ang nagkakagusto sa kanya.

Natetempt akong haplusin ang buhok niya pero di ko magawa sa takot na magising siya. Kinuhanan ko siya ng picture. Agad ko ring pinagsisihan ito ng mapagtantong may sound effect pala yung pagka picture ko.

Nakita kong gumalaw siya. Hindi agad ako nakakilos kaya nagpanggap na pinipicturan ko yung mga 'everyday delivery flowers' ni Dolly.

"What are you doing here Miss dela Fuerte?" Tanong niya. Ang husky ng boses niya. Hinarap ko siya at nakita kung kinukusot niya ang mata niya.

Paper HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon