B

4 3 0
                                    

"Miss Aliyah dela Fuerte" Nagulat ako sa biglaang pagtawag sa pangalan ko sa speaker. Buong school ay maririnig iyon for sure. Nasa locker room ako ngayon at agad akong pinagtinginan.

"You are badly needed here in Chimes building for an emergency meeting. ASAP" boses iyon ni Kim ang Photojournalist namin. Hindi ko alam kung ano nanaman ang pag mimeetingan namin. Akala ko tapos na namin lahat ng drafts at i e edit na lang ang kailangan.

Isinara ko ang locker ko and I made my way to our building.

"I really love her fashion sense"

Anong maganda sa uniform?

"I like her shoes"

Shoes? Pare-pareho lang naman kaming naka black shoes.

"Yeah ang ganda talaga niya pati yung si Celine"

Napangiti ako sa mga papuring narinig. Palaging ganyan ang naririnig ko sa mga schoolmates ko. I'll be a hypocrite if sasabihin kong hindi ko gusto ang mga atensiyong natatanggap ko. But still, I find it not enough. Maybe because of Chase.

Freshman palang ako, gustong gusto ko na si Chase. Grade 9 siya noon at nalaman kong isa siyang Sports Writer. Nagkataon naman na isang Editor in chief si Mama sa isang company ng news paper sa ibang bansa kaya medyo may alam ako dito at naturuan ako. I really don't have any interest on those papers. And they assumed na I will follow the steps of my mom. Nagbago ang pananaw ko noon nang makilala ko si Chase.

Unang sabak ko na nag copy reading noong grade 7, nakasali na agad ako sa Chimes. Pero hindi ako nanalo noon sa division competition kaya noong sophomore na, triny ko mag news writer. Luckily, nalaman ko rin kung saan ako nararapat.

Grade 9 na ako ngayon. While Grade 11 na si Chase.

Nasa harap na ako ng building namin ng makasabayan ko si Kayne. Ngumiti siya sakin. May dala dala siyang mga pagkain. Ngumiti ako pabalik at nag gesture na tulungan siya sa mga bitbit niya. Tinanggap naman niya ang tulong ko at pumunta na kami sa itaas.

Two storey ang builiding namin. Sa baba ay parang tambayan naming mga kasama sa Chimes. Sa taas naman ay kanya kanya kami ng desk. Kompleto ang mga kailangan namin dahil kami narin mismo ang nagpiprint ng school paper. Ang may-ari ng school na 'to ay isan ring EIC sa isang sikat na company dito sa Pilipinas kaya naman pinagtuonan niya ng pasin ang mga journalist sa school na to. Meron din kaming locker sa baba at madalas doon ko nilalagay ang mga files ko. Samantlang sa locker room naman ay mga extra lang like damit at mga pagkain. Doon rin madalas naglalagay ang mga 'secret admirer kuno' ng mga letters.

"Ba't may emergency meeting?" Tanong ko at nilapag sa isang table ang mga dala namin ni Kayne. Plastik ba ako? Well oo kasi alangan namang prangkahin ko si Kayne eh wala naman akong maisumbat sa kanya.

"Naimove ang DSPC. Magaganap ito sa September di ko alam exact date pero katapusan yun." Sabi ni Jeremy ang sports writer.

"What? So two months from now na ang DSPC?" Gulat kong tanong. Ang tanging requirements sa DSPC ay ang schoolpaper na gagawin namin. Kailangan naming gandahan ito sapagkat meron ding paligsahan sa schoolpaper at three consecutive wins na kami.

May isa pa akong problema. Sa September 29 gaganapin ang Math and Science Quiz bee. Isa ako sa mga kalahok. Hindi ko alam kung ano ang pipiliin ko. Three days yung DSPC pwede rin naman kung hindi ko pa time sa DSPC pupunta ako sa SciMath Quiz Bee. Pero syempre ang hirap 'non.

"Owem! Di ba SciMath quiz bee din sa katapusan ng September? Pano yan Aya?" Balisang tanong ni Kim.

"Siyempre pipiliin ko ang DSPC. Mas nahasa ako dito eh. Tsaka anjan naman si George para irepresent ang school" Yes, pipiliin ko parin ang DSPC. Three days with Chase din yun. Kadalasan kasi, nag i-stay kami sa isang hotel malapit sa school na gaganapan ng Press Conference. Dormitory ang kinukuha namin kaya sa iisang room lang kami talaga mag istay.

"Si George? Yung nerd?" Tanong ni Dolly. Si Dolly ang Associate Editor namin. Sa subdivision din namin siya nakatira. Minsan nakakasama namin siya ni Celine pero mas nauna kasi siya ng isang taon kaya medyo may gap ang closeness namin.

Tumigil ang mundo ko nung biglang bumukas ang pinto ng meeting room namin. Pumasok si Chase with his usual bored look. Umiwas ako ng tingin nung nakita kong tumingin siya sa akin.

"Um guys bago tayo mag start sa meeting, mag almusal muna tayo ng binili ko" pabidang singit ni Kayne. Saka lang siya nag-ayang kumain ngayong andito na si Chase. Hindi naman sa interested ako sa binili niya. Napansin ko lang na ngayon lang siya sumabat.

"Yes naman Kayne. Yan ang gusto ko sayo eh." Masayang saad ni Jeremy. Inabutan ako ni Kayne ng Coffee at burger na binili niya pero sabi ko kakakain ko lang. Inayos ko nalang ang table ko. Puro doodle lang naman ginagawa ko sa office kasi sa bahay ko lahat ginagawa ang mga sinusulat kong News.

Nakita ko ring tinanggihan ni Chase ang pagkaing binigay sa kanya ni Kayne. Buti nga sayo. Mamaya may gayuma pa yan.

"I think broadcasting team will not attend the DSPC this time." Panimula ni Chase. Nagulat ako dun. First time ng school na sumali na walang broadcasting team kung sakali. Kaya pala hindi nila sinama sa meeting ang mga broadcasters.

"But why, chief? Kompleto naman ang team. They just need to improve." Angal ni Dolly. I feel bad for Jessica if hindi sila makakasali ngayon. Matapos nilang mag 10th placer last year, mas ginanahan silang mag-ensayo para sa susunod na sabak. Hanggang 7th place lang kasi ang makakasali sa regional Press Conference sa lahat ng category.

"You see Dolly, they didn't make it to regional. At parang hindi seryoso ang anchor nilang si Jessica" sabat ni Kayne. Mahinahon ang pagkakasabi niya nun pero para sa akin parang nang-iinsulto. Bida bida ka! Associate Editor yang sinusumbatan mo.

"That's not the problem. The script writer backed out." What? Angelica backed out? "Also, some of the appliances used for broadcasting malfunctioned. We're running out of funds"

"Chief, kaya natin yan. Kung pera ang problema, we can solicit to some officials. We need every damn points in DSPC dahil hanggang ngayon hindi parin natin matalo talo ang Xavier School." That's right. Last year kunting point nalang ang pagitan ng Xavier Comprehensive High school and St. Catherine Academy which is our school.

We're not doing it for honor. We're not doing it for platinum. It's for the future. When we successfully won overall in the competition, after we graduated, magagandang universities agad ang nag-aabang sa amin and scholarship.

"W-well I can donate--"

"No Aliyah. Ok fine. Let's try our best to include them." Nagulat ako kasi ngayon ko palang narinig si Chase na banggitin ang pangalan ko. Kilala niya naman pala niya ako eh.

Napangiti si Dolly sa tinuran ni Chase.

"I-I'll print solicitation letters." Sabi ko

Paper HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon