“pakiabot nga nung towel.” Ang utos ni chanyeol sa nakatayong si taehyun. Tinignan niya muna ito ng matagal bago ngumuso.
“ano kamo?” ang mataray nitong tanong.
“pakiabot ng towel, kako sabi ko. Bingi ka?” ang inis na tanong ni yeol sakanya.
“wala kang kamay?” ang ganting sagot naman sakanya ni taehyun. Aba, ayaw patalo. Lumalaban na si bakla.
“Anong sabi mo?” ang tanong ni yeol dahil iba ang pinapakitang ugali sakanya ng syota ng kamyembro niyang si jongin. Parang kahapon lang ang ayos nilang naguusap, tapos ngayon parang may galit na sakanya. Dahil ayaw narin naman siyang patulan ni baek—I mean ni taehyun ay mas minabuti niyang kunin nalang ang towel at binato ito diretso sa mukha ni yeol.
“oh”
“Tangina, ano bang ginagawa ko sayo?” ang naiinis na tanong nanaman sakanya ni chanyeol. Tangina, yung attitude ha.
“marami! Super rami mong ginawa sakin, chanyeol. Punyemas na buhay to. Maiwan na nga kita diyan.” Ang sagot sakanya ni taehyun bago tumalikod na maladiva naman ang dating. Pinagmasdan lang siya ni chanyeol ng kakaiba hanggang sa mapadako ang tingin nito sa polka dots niyang bag. Nakabukas yon.
Ano kayang laman ng bag ng bakla yon. Ang isip isip naman na tanong ni chanyeol bago inistretch ang towel sa dalawang kamay. Dahan dahan siyang lumapit sa polka dots na bag ni taehyun na nakabukas ang zipper. Tss. Sisilipin lang naman eh. Ang dagdag pa niya, oo nga naman sisilipin lang naman. Titignan lang naman niya kung may patalim ba or kung anong masamang meron sa loob ng bag niya. Malay mo may hidden agenda pala yang si taehyun sa grupo nilang iris 4? Malay mo may gusto pala siyang patayin sa isa sa mga members? Atsaka, mabuti na ang sigurado no? Malay ba niya kung may napkin sa loob. Nakakagulat yun.
Akala niya makikita niya ang kung anong inieexpect niyang laman ng bag, pero akala lang pala niya yon. Dun, dun mismo sa loob ng bag. Nakakita siya ng pink letter, pink letter na sobrang pamilyar parin sakanya hanggang ngayon. Kilalang kilala niya yon, lalo na kapag pinuno ng mga sticker na hearts? Galing kay baekhyun yon. Dahil hindi siya sigurado, ay minabuti niyang kunin ito sa bag. At confirmed. Sulat yun galing kay baekhyun. Sulat yun para sakanya. Bakit nasa bag ni taehyun? Bakit—Madami siyang tanong sa isipan niya. Na kung sino ba si baekhyun, na kung bakit may sulat si baekhyun na galing sakanya at nasa bag ng boyfriend ni jongin. Wala talaga siyang maintindihan.
Kukunin ko to, akin to eh. Ang isip niya bago lumakad ng pasimple pabalik sa kwarto niya. Bumuntong hininga muna siya dahil puta, nung nakaraang linggo lang yung nakalagay na date! Babasahin ba niya? Basahin na, hawak hawak na niya eh.
To: Chanyeol.
Fr: Sino pa ba? Edi your number one mahal. Baekhyun
Dear Chanyeol,
Mahal, this is it. Magkikita na tayong dalawa! Sorry kung wala akong reply sa loob ng matagal na panahon, pero peksman. Di kita nalimutan, happy anniversary, kahit hindi mo alam. Kahit hindi talaga tayo, nagcelebrate na ako! Basta, mahal! Malapit na ulit kitang Makita, okay lang saken kahit hindi mo ako makilala! Ang mahalaga, nasa tabi kita at nakikita. Makita lang kitang Masaya, okay na ako! Labyu.
P.S Hintayin mo ako, mahal. Malapit na Malapit na ako sayo.
Your number one Fan,
Baekhyun.-
I was planning to make this angst. gusto niyo ba yon?
BINABASA MO ANG
Dear Chanyeol,
FanfictionDear Chanyeol || Your Magandang Admirer, Byun Baekhyun. Nb Dear Jongin || Gago ka, Mamatay ka na. Hayop -Kyungsoo ©dyosangbyun