Chapter 03

26.7K 840 51
                                    

"One-Night With A Stranger"

[CHAPTER 03]

><><><><><><

NAGISING ako dahil sa malakas na tunog na nanggagaling sa aking gilid. Hirap pa akong imulat ang mga mata ko dahil magang-maga ito kakaiyak kagabi. My mind is still pre-occupied by what happened last night, and they both even haunt me in my dreams.

Nang tuluyan kong maimulat ang aking mga mata ay bumungad sa akin ang hindi pamilyar na ceiling at kwarto. Doon ko napagtanto na nasa kwarto pala ako ni Cherry natulog. Bumangon agad ako at inilibot ang aking tingin but Cherry is nowhere to be found. Nasaan ang babaeng 'yon?

Muli akong napalingon kung saan nanggagaling ang tunog.

"Sino ba 'to?!" Inis kong bulalas dahil kanina pa ring ng ring ang phone ko. Nakapatong ito sa desk ng kunin ko at nang mabuksan ko ang screen ay bumungad sa'kon ang daan-daang message at miss calls. Majority of them are from Lucas' calls and text, ngunit may isang pumukaw ng tingin ko. Limang miss calls mula kay Mr. Montero, ang boss ko.

Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto ko kung ano ang araw ngayon. It is our company's annual conference meeting! Masyado akong nasaktan kagabi to the point na nakalimutan kong isa ito sa mga pinaka-importanteng araw sa kumpanya.

Agad akong tumayo sa kama at nag-unat bago tumungo sa banyo ni Cherry upang maghilamos at maligo. Well, sanay na rin naman ako sa kwarto ng babaeng 'yon since highschool pa lang ay dito na ako madalas makitulog sa kaniya at kilalang-kilala ko na ang bahay nila.

Nang makapasok ako sa banyo nila, I saw my reflection at the mirror. Kitang-kita ang pamamaga sa mga mata ko dulot ng pag-iyak ko kagabi. The scene last night caught my mind once again, at hindi ko maiwasang maiyak muli.

But I shook my head. Tila wala na yatang luha ang ilalabas ng mga mata ko, kaya pinili ko na lamang na buksan ang faucet at maghilamos. Get yourself together, Meckelian! You have no time for this drama, dahil siguradong sasabog na sa galit ang boss mo dahil hanggang ngayon ay wala ka pa rin sa kumpanya!

"LIAN!" Rinig kong pagsigaw ni Cherry kasabay ang pagbukas ng pinto ng kwarto.

"Bwakwit?" Sigaw ko pabalik 'cause I'm taking a toothbrush.

"Halika na sa baba. Naghanda si Mama ng almusal. Kumain ka muna bago ka raw pumasok ng trabaho!" Sigaw niya.

I spitted the toothpaste on my mouth. "Oo, pero mabilis lang late na 'ko sa trabaho." Saad ko at nagmumog na. Hangga't maaari ay ayoko munang isipin ang mga nangyari kagabi.

Ilang minuto pa ang tinagal ko sa banyo bago ko napag-pasyahan na lumabas. Ngunit halos mahulog ang tapis ng twalya ko sa bewang nang buksan ko ang pinto at bumungad sa'kin si Cherry na kasalukuyang nagsusuklay sa mahabang salamin.

"Ayy baklang kabayo!"

Nagulat din siya sa sinabi ko at napahawak sa kaniyang dibdib. "Ginulat mo naman ako, fren. Ano'ng nangyari sa'yo at parang nakakita ka ng multo?"

"Wala," Tuluyan na akong lumabas at sinara ang pinto. "Mukha ka kasing multo." Natatawa kong biro at naparolyo na lamang siya ng mata. Sa sobrang close namin ni Cherry, sanay na rin ito na makita akong walang suot na damit pang-itaas. Agad naman akong dumiretso sa aking bag at kinuha ang uniform ko.

One-Night With A Stranger [BxB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon