Chapter 26

14.2K 623 158
                                    

"One-Night With A Stranger"

[CHAPTER 26]

><><><><><><

"GUSTO MO na bang mag-resign? Oo o hindi?"

Matagal bago ako nakasagot at napaisip ng maigi. Hindi ko alam kung ano ang tamang gawin, and I'm now stuck in a huge dilemma. Napapaisip ako kung sakali mang aalis ako dito sa kumpanya, it is also a big loss in my part dahil naging tahanan ko na 'to ng dalawang taon. Napahawak na lamang ako ng ulo, and I don't know what to do!

"Hello? Meckelian, nand'yan ka pa ba?" Muling pagtawag niya sa akin, kaya napabuntong-hininga na lamang ako.

May naisip akong ideya, and I think this is the right thing to do.

"Pag-iisipan ko. Siguro… S-Siguro hihingi muna ako ng sign." Maikling sagot ko.

"Haaa?!" Mukhang hindi naman niya inasahan ang naging sagot ko and there is a hint of disappointment on her voice. "Ang tagal kong naghintay para sa sagot mo, tapos ang sagot mo ay hihingi ka lang ng sign? Nahihibang ka na bang bakla ka? Ano pa bang sign ang kailangan mo at pumunta ka dito, ibibigay ko sa'yo lahat ng sign sa kalsada." Bumagsak naman ang balikat ko and for the nth time ay muling napasapo ng noo dahil sa kalokohan niya.

"Sira! Hindi 'yan ang ibig kong sabihin. Ang akin lang, kung sakaling ang mismong katawan ko na ang mag-give up dahil sa kademonyohan ng boss ko, I think that's the sign na hinahanap ko and the right time na kailangan ko na talagang mag-resign." This time desidido na ako sa desisyon ko.

Matagal pa bago ito nakasagot at narinig ko ang malakas na pagbunga niya ng malalim na hininga. "You're going to put your health on the line para lang sa sign na 'yan? Nakakaloka ka talagang bakla ka! Ewan ko sa'yo! Ikaw na ang bahala, buhay mo 'yan. Pero once talaga na nalaman kong ayaw mo pa rin umalis d'yan after kang magkasakit dahil sa pinaggagagawa ng boss mo sa'yo, nako! Ako na talaga ang mismong pupunta d'yan at kakaladkarin ka palabas. Ang tigas talaga ng bungo mo, Meckelian. Hindi ko na keri 'to! Nakakaloka!" Mahabang singhal niya. Hindi ko maiwasang mapangiti, dahil kahit napakasadista magsalita ng babaeng 'to I can't help but to put a smile dahil sa pagiging concern niya sa akin.

One-Night With A Stranger [BxB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon