Chapter 07

21.3K 741 20
                                    

"One-Night With A Stranger"

[CHAPTER 07]

><><><><><><

"ALAM niyo ba," Napalingon naman ang magkasintahan nang magsalita si Cherry. "Na sinama ko 'tong best friend ko ngayon dahil alam kong kapag lasing 'to, magd-drama at kakanta 'yan sa break up nila ng lalaki niyang manloloko." Natatawa at walang pasintabing saad ni Cherry.

Narito silang apat at kasalukuyang nakaupo sa isang mahabang red modular seat malapit sa dance stage. Matapos kumalma ng ingay ay kasalukuyan nilang hinihintay ang order nilang mga alak.

Meckelian was about to order juice, ngunit tumanggi ang kaibigan nito, at si Cherry pa mismo ang pumili ng liquor na iinumin nila.

Kumunot ang noo ni Meckelian at humarap sa kaibigan. "Hoy, ano'ng break up ka d'yan?" Singhal niya at naparolyo ng mata. "Lucas and I were not breaking up. We're just parted, at siguro cool off lang ang nangyari sa'min since wala pa talagang official break-up ang nangyari!" Pagdedepensa naman niya na ikinatawa ng magkasintahan sa harap nila.

Napairap na lamang ang kaibigan niya at napailing. "Doon na rin mapupunta 'yon! Tsaka, alam ko naman na simula pa nung una hindi ka talaga seseryosohin ni Lucas," She paused at the moment at muling nagsalita. "Hindi naman sa pagiging judgemental ha, pero sa mukha pa lang no'n hindi na malayong babaero at manloloko."

Hindi na lamang naka-imik si Meckelian at nanahimik sa banda. Hindi pa rin niya mawari kung saan nagmumula ang galit ng kaniyang kaibigan sa boyfriend niya, and he just crossed his arms out of nuisance.

"Kaya lahat ng ibibigay kong alak sa'yo ubusin mo kung ayaw mong ikaw ang magbabayad sa lahat ng iinumin natin!" Pananakot nito at wala na siyang nagawa kun'di tumango.

Dumaan pa ang ilang minuto at nagsimula silang mag-kwentuhan tungkol sa kani-kanilang buhay. Nasa gilid lamang si Meckelian at kasalukuyang pinapapak ang nachos habang pinapanood silang tatlo.

Ilang sandali lamang ay tila nabuhayan ang dugo ni Cherry nang dumating na ang pinakahihintay nilang alak na branded vodka. Napasandal na lamang si Meckelian habang pinapanood kung pa'no punuin ni Cherry ang kanilang shot glass.

"Meckelian," Lumingon ito sa kaniya. "Eto. You got this!" Excited na saad nito at inilapag sa kaniyang harapan ang shot glass na puno ng kulay asul na alak. Napalunok naman siya sa kaba.

"Straight mo 'yan," At kumuha ito ng sliced lemon. "Then sipsipin mo agad 'to para mamatay ang lasa." Cherry guided at tanging tango lamang ang sinasagot nito.

He took a deep breath at muling napalunok, dahil ito ang unang pagtikim niya ng alak simula noong naging sila ni Lucas, which is 5 years ago. Madalas kasi siyang hindi payagan nito dahil mabilis siyang malasing, kaya he's doubting kung kakayanin niya ito ngayon.

Ngunit lahat ng panloloko ni Lucas ay bumalik sa kaniyang isipan, haunted him once again. Kaya he threw all his inhibitions away dahil kakalimutan niya muna ang lahat ngayong gabi at magpapakasasa sa alak. He took it all in one shot, at dumaloy ang init sa kanilang lalamunan at ang pait sa kaniyang dila, kaya mabilis niyang sinipsip ang lemon at namatay ang lasa.

One-Night With A Stranger [BxB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon