Chapter 27

15.9K 555 201
                                    

"One-Night With A Stranger"

[CHAPTER 27]

><><><><><><

"Gusto ko na pong mag-resign sa trabaho. I want to resign as your secretary, sir."

Binalot ng katahimikan ang buong paligid at wala ni-isa sa amin ang nagtangkang magsalita. Nanatili lamang akong nakatitig sa kaniya at inaasahan kong magugulat siya sa sinabi ko, but his neutral face remained the same habang matagal na nakatitig sa akin.

Did I say something wrong? Hindi ko mabasa kung ano man ang ipinapahiwatig ng ekspresyon niya ngayon, ngunit ang masasabi ko ay mukhang hindi maganda ito. His eyes are empty and there's no emotion hidden on it.

Ilang sandali pa ay unti-unting naningkit ang mga mata niya at napabuntong-hininga ito. Nanatili lamang itong nakatitig sa akin nang bigla siyang tumayo and folding his arm on his chest.

"No."

Simple lamang ang naging sagot niya, ngunit sapat na 'yon upang manlaki ang mga mata ko sa gulat at hindi makapaniwala sa naging sagot niya.

"H-Huh? Ano'ng ibig mong sabihin?"

Unti-unting lumapit ang mukha niya sa akin at napakislot ako sa gulat nang bigla niyang hawakan ang magkabilang balikat ko. "I understand that you're angry right now, and I know you're just confused," Panimula niya na nagpakunot ng noo ko. "But, don't make any decisions while you're angry. So think about it, Meckelian." Ang tugon nito and leaned backwards at umiling. "You can't resign, not now!" Hindi ko inasahan na mag-iiba ang tono ng boses niya, na tila hindi niya tanggap ang naging desisyon ko.

Ngunit umiling naman ako as a sign of disagree. "Yes, sir. Magre-resign po ako kung kailan ko gusto!"

"And what makes you think na papayag ako sa gusto mo? I said, no!" Nagmamatigas na tugon nito.

Napayukom ang kamao ko dahil sa naging tugon niya, at tila napantig ang tenga ko sa narinig. What's wrong with him? Hindi ko na talaga siya maintindihan. Hindi pa ba enough ang lahat ng pasakit niya sa trabaho ko para pigilan niya ako na mag-resign? Kung sa tingin niya mapapapayag niya ako na h'wag umalis, pwes nagkakamali siya!

Dahil sa sobrang galit, I lost my control on the words that are coming from on my mouth. "Ano bang problema mo? Bakit sir, hindi ka pa ba masaya?!" Mukhang hindi naman niya inasahan na unti-umti nang lumalakas ang boses ko sa inis at pwersahang tinabig palayo ang mga kamay niya sa balikat ko. "Ano pa bang gusto mo, ha?! Sa tingin mo hahayaan ko nalang ang sarili kong maging sunud-sunuran sa'yo? Tao rin ako at may nararamdaman din ako, sir. Hindi ko na kaya ang lahat ng 'to dahil lang sa lintik na paghihinganti mo!"

Hindi naman maipinta ang mukha niya dahil sa mha sinabi ko. "Meckelian--"

"Alam mo ba kung bakit gusto kong mag-resign? 'CAUSE I HAD ENOUGH OF YOUR SH*T, AND I'M SO SICK ABOUT EVERYTHING!" Hindi ko napansin na unti-unti na palang pumapatak ang mga luha sa pisngi ko dahil sa mga nangyayari, and the flaming anger upon my chest is now controlling my words. Bakas pa rin sa mukha niya ang gulat, ngunit wala na akong pakialam pa. "Y-You don't know kung ga'no ko tiniis na 'w-wag sumabog sa galit, pero sumosobra ka na. Alam ko naman kung saan nag-uugat 'yang galit mo sa akin kaya you abuse your power as my employer para lang gantihan ako. It is because of what happen between us, right?!" Sarkastikong salaysay ko.

One-Night With A Stranger [BxB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon