Larawang Kupas

72 4 0
                                    

Andito kami ngayun sa museum. Field trip kasi namin ngayon kaya susulitin ko ang bawat bagay na makikita ko sa loob nito.

Habang ako'y naglalakad at nagmamasid sa paligid isang bagay ang pumukaw ng atensyon ko.

Isa itong lumang litrato ng isang sundalo

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Isa itong lumang litrato ng isang sundalo. Walang kakaiba sa imahe pero bakit parang may nararamdaman akong kakaiba? Bakit parang kilala ko tong sundalong toh?

Napakaraming tanong ang pumasok sa isip ko. "DO NOT TOUCH" ang nakalagay sa gilid ng litrato. Lalong nadagdagan ang kuryosidad ko ng makita ko ang babala.

Bakit bawal hawakan? Bakit napakapamilyar ng mukha nya? Ang dami kong tanong ngunit hindi ko alam kung saan makakakuha ng sagot.

"Heneral Romeo Arellano, isa sa magigiting na beteranong lumaban para sa kalayaan ng Pilipinas."

Nagulat ako ng may nagsalita mula sa gilid ko. Dahan dahan kong nilingon ang nagsalita at bumungad sa paningin ko ang prof namin. Gaya ko ay diretso din itong nakatingin sa litrato.

"Prof?"

"Nakita ko kasing parang gusto mong magkaroon ng kaalaman tungkol sa kanya kaya nilapitan kita para magturo" Nakangiti nitong sambit.

At matapos non ay nilahad na nya ang lahat ng kanyang nalalaman tungkol sa heneral.

"Si Heneral Arellano ay namuno ng hukbong sandatahan laban sa mga espanyol." masayang nagtuturo ang prof namin kaya't itinuon ko ang atensyon ko.

"Siya ang naging tulay para makamit natin ang kalayaan. Siya ang utak at sandata ng pilipinas." 

"Pero prof ano pong dahilan ng pagkamatay niya? Namatay po ba sya dahil sa sakit o dahil sa digmaan?" tanong ko sa kanya na naging dahilan ng pag ngiti nito.

"Napakagandang tanong Ms.Gonzalez" binigyan nya ulit ako ng ngiti bago nya sagutin ang tanong ko.
"Yan ang tanong na walang makakasagot."

Nagsalubong ang kilay ko sa mga narinig ko mula kay prof.

"Walang makakasagot? Bakit po?"

Bumuntong hininga ito bago ako sagutin.

"Kasi simula nung may nakita syang babae bigla na lang syang nawala... Sumama sya sa babae at tinalikuran na ang bansa."

Matapos non ay umalis na si Prof. Naiwan akong nakatingin sa litrato. Muli kong sinuri ang imahe. Sa pagsuri ko ay hindi ko maiwasang mapatanong.

"Sino kaba talaga?"

Napakapaliyar nya talaga! Parang matagal ko na syang kilala. At dahil paalis na kami sa museum ay naisipan ko itong kunan ng litrato. Mabilis kong inabot ang cellphone ko at dahil sa pagmamadali ko ay nahulog ito.

"Shit!" akmang dadamputin ko na ang cellphone ko ng mawalan ako ng balanse. Ang pagkawala ko ng balanse na syang naging dahilan para mahawakan ko ang  litrato ng sundalo.

Larawang Kupas (ONE-SHOT STORY)Where stories live. Discover now