Chapter 2

4 0 0
                                    

Sabrina POV;

Dumiretso na ako sa aming bahay hindi ko na pinatulan ang mga haka haka ng mga chesmosang kapit- bahay namin. Si Brent kasi di mag pa awat hinatid talaga ako. Hindi na ako nakipagtalo sa kanya. I will let him be but I'l try my best to avoid him. Hindi pa nga siya nagsisimula ay nasisira na ang reputasyon ko. Pano pa kaya kung may relasyon kami. But I'll make sure that will never happen.

Ayaw kong mawala ang tiwala ng mama ko sa akin, ayaw kung may malilink sa aking kung sinong lalaki.Baka anong isipin ng mga  tao at lalong lalo na ayaw kong mag  isip ng masama ang mama at papa.Gusto ko munang magtapos ng pag-aaral at nagkaroon ng trabaho ng saganon ay maiahon ko ang pamilya sa hirap bago pumasok sa mga bagay bagay tulad nalang ng pag nonobyo.

Naabutan ko ang aking mama na nagtatanim ng Kang Kong sa aming likod bahay.

Ma! Ani ko at nang makalapit ay nagmano ako dito.

Oh Sabrina nandiyan ka na pala! Gutom ka ba may makakain doon sa lamesa. Ani nito

Busog pa ako Ma. Sagot ko. Aalis na sana ako ng tawagin ako ulit ni mama.

Bakit Ma? Ani ko af naupo sa batong malapad sa gilid nito.

Sab, anak alam mong konti lang ang sahod ng papa mo diba? Ani nito.

Alam ko po Ma, kaya nga po ako nagtutulong sa pagtinda Ma para makatulong man lang. Ani ko. Tumitig ako sa aking mama  parang may nais itong sabihin pero halatang nagdadalawang isip ito.

Alam mong ayaw kong mapalayo sayo Nak , lalo na ang papa mo pero hindi na namin kaya anak, nais kang kunin ng Tita Isabel mo pag aaralin ka nya daw ng kolehiyo sa Japan. Ani ni Mama.

Po? Pero Ma! Tutulong po ako sa bukid at mag titinda ako sa school, basta po wag lang akong malayo sa inyo. Naluluhang saad ko. Hinaplos ng aking Mama ang aking pisngi habang pinupunasan nito ang luhang umaagos.

Alam ko anak pero naawa na ako sayo imbes pag aaral ang atupagin mo ay nagtitinda ka pa. Gusto kong mag pokos ka sayong pag aaral kaya kung maaari wag ka munang magnobyo dahil alam mo namang magiging distraksiyon lamang sila at Anak wala na ang lupa natin na ibenta ko ito sa isang kompanya ng magkasakit ang tatay mo. Itong bahay nalang natin ang natitira. Kaya gusto kong umoo kana anak para rin ito sa ikakabuti mo. Yumakap ako sa aking ina sabay ng pagdaloy ng aking mga luha sa aking mga pisngi.Hindi ko alam na labis na pala silang nahihirapan.

Sige po Ma. Payag na ako. Ani ko

Salamat Anak! Anas nito at niyakap ako ng mas mahigpit.Hindi ko kayang malaman na nahihirapan sila ni papa kaya kung ito ang mas makakabuti, kahit masakit man ang malayo sa kanila ay gagawin ko ganyan ko kamahal ang magulang ko.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Palabas na ako ng silid aralan, napahinga ako ng malalim ng makitang walang Brent na nag aabang sa paglabas ko. Hay salamat naman at natauhan ang lalaking yon. Magdadalawang linggo na rin na palagi niya akung hinihintay sa pag uwi tapos sinasabayan ako nito sa paglalakad pauwi ng matantiya nito na malapit na ako sa aming ay aalis na siya. Ewan ko ba sa kanya nababaliw na ata yun.Hindi ko sya kinikibo pag nandiyan siya maglalakad lang ako na parang walang kasama. I dont want to give false hope. Sana lang ay matigil na sya dahil nakakahalata na si Mama dahil sa mga chismis ng mga kapit- bahay namin.. Baka akalain ni Mama na sinusuway ko siya . Sumakay na ako ng tricycle dahil gabi na rin naman. Medyo nadismaya ako ng makitang  wala talagang Brent ang naghihintay sa akin. Wala naman palang binatbat ang lalaking yun eh. Daling sumuko.

Nang makarating na ako sa bakuran ng bahay namin ay nahinto ako ng marinig ang halakhak ni Mama tila may kakwentuhan ito. Nang dumako ang tingin ko sa kaliwa ay natulala ako sa nakita.

The Past That Haunts Her (Monroe's Series #2)Where stories live. Discover now