Chapter 2

18 2 0
                                    

The Hell

Pagpasok ko sa loob ng school agad akong napatakip ng ilong dahil sa may naamoy akong mabaho.masang sang na ewan.alam nyo yung patay na daga?ganun yung amoy.

Di ko pa rin gets kung anong klaseng eskwelahan toh.sobrang weird.lahat weird pati tao.

Nilibot ko yung paningin ko sa mga building.marumi at may mga vandalism na nakasulat.

Pero may isang sulat na umagaw ng pansin ko"This is a HELL School"kinilabutan ako.kakaiba ang pagkakasulat.at para din bang sinulat ito gamit ang dugo.

Eto na ba yung ibig sabihin nung kambal na guard kanina.napatigin nmn ako sa paligid ko.maraming kalat.

"Aahhhhhhhh!!!PLEASE NO!!!"

Narindi yung tenga ko dahil as sigaw na yan.agad kong tinignan kung saan nanggagaling.napaatras na lang ako ng wala sa oras ng makita kong ginigilitan ng isang lalake ang isang babae.shit!ano to?!

"A-ack a-aahhhhh!!!HELP!!!"

Sigaw ng sigaw ang babae pero ni isa walang gustong tumulong.dinadaanan lang ng mga nakakakita yung nangyayare.

Natigil ang babae sa pagsigaw.siguro patay na.tinignan ko yung lalake na gumawa non sa babae.nakatawa lang sya habang patuloy pa rin sa paggilit ng leeg.

Ilang sandali ang lumipas at nakatingin pa rin ako sa lalaki na yon.bigla na lang syang humagugol ng iyak.baliw lang?pero mas nagulat ako sa pangalawa niyang ginawa.sinaksak nya yung sarili nyang leeg hanggang sa sumirit ang dugo nito.

Anong kabaliwan toh?mga baliw ba ang tao dito?biglang may mga lalaking naka itim ang dumating.agad nilang binuhat ang dalawang bangkay.saan nila dadalhin yon?

"wala ka bang balak tumuloy?"

Nagulat ako ng may nagsalitang babae sa likod ko.

Tinignan ko sya.pero di ko masyadong makita or maaninag yung mukha nya dahil sa natatakpan iyon halos ng buhok nya.nakasuot sya ng isang paldang puti na naging kulay pula dahil siguro sa dugo?kase di pantay pantay ang pagkakalagay ng pula kaya sa tingin ko dugo at napansin ko rin na may hawak syang kutsilyo.

"Hi...i'm Angela Duron!how 'bout you?what's your name?i think you're new here?"nakangiti nyang tanong sakin.kinikilabutan tuloy ako.

"Hey!are you a deaf?!why you're not answering me?"nabigla naman ako nung sumigaw sya.nakakatakot.

"H-hi i-i'm D-danei Valdez"

Sa sobrang takot ko di ko maiwasang mautal.

"are you afraid of me?"natatawang tanong nya sakin.

Umiling naman ako.kahit natatakot ako tinanggi ko na lang.baka kase pagnalaman nyang natatakot ako.kung ano na lang ang gawin nya sakin.mahirap na.naalala ko lagi ang sabi nung guard sakin.'walang totoong tao dito.'

Bigla nyang inilahad yung kamay nyang mukang may dugo pa sakin.nagulat naman ako kase kala ko sasaksakin nya na ko.

Agad nya ring binawi ang kamay nya ng mapansin na wala akong balak abutin yon.may dugo kase.

"anong room number mo?and yung dorm mo din anong number?"

"saan makikita yang sinasabi mong dorm number?"

Walang sabi sabi at agad nyang hinablot yung kutsilyo na hawak ko.napaatras na lang ako dahil sa ginawa nya.pero nagulat ako nang muli nya ring inabot yun sakin.napatigin ako sa kutsilyo.kaya pala nakalagay sa kutsilyo yung dorm number na kailangan ko.

"let's go?"

Napakilos na lang ako dahil sa takot.school ba talaga toh?

"Btw.sinong tanga naman ang nagpadala sayo dito?"

Napatigil ako sa sinabi nya.sino pa nga ba edi yung walangya kong Ina!

"ikaw ba?"

Tinignan nya ko at agad na tumawa.

"yung daddy ko.sya yung nagpadala sakin dito.para daw matuto ko ng leksyon."

"bakit Parang ang weird ng mga tao dito?"

"because this is the end or the hell."

Nakakakilabot yung mga sinabi nya.para bang sobra nya ng tagal dito.

"bakit ka pinapasok ng mom mo sa school na toh?"

"masyado daw kase akong pasaway!"

"yun lng?!"

"O-o..."

"HAHAHA...napakawalang utak naman pala ng ina mo."

Nagulat ako sa sinabi nya.paanong walang utak?

"wala talagang mga kwenta ngayon ang mga magulang natin...sarili nilang mga anak pinapatay."

"A-anong ibig mong sabihin?"

Hinarap nya ko at tinignang mabuti.

"hindi mo ba naiintindihan?kamatayan ang naghihintay satin dito!sa eskwelahang ito!"

"P-paa----------"

Di ko natuloy ang sasabihin ko ng biglang naputol ang ulo nya sa harapan ko mismo.sumirit tuloy ang dugo at binasa nito ang mukha ko.sinong hayop ang may gawa nito.

Napatingin ako sa paligid.tanging mga estudyante lang naman na naglalakad ang mga makikita mo.

Nakakaawa si Angela.dilat na dilat ang kanyang mga mata.napansin ko naman bigla yung parang peklat sa mukha nya.kaya siguro tinatakpan nya ng buhok nya yon.

Di na ko nagpatumpik tumpik pa at tumakbo na ko.nakarating ako sa isang building.agad kong nakita ang number ng dorm ko.D3.

Hell School Where stories live. Discover now