II. Sa Hindi Pag-Alala by Muni Muni

312 13 2
                                    

"Kakalimutan na kita
Siguraduhin mong hindi talaga pwedeng tayo.
Napag-isipan mo na ba?
Dahil kakalimutan na kita.
Eto na... eto na..."

PS. Italicized words are either flashbacks or lyrics of a song.

- · - · -

Joaquin.

Hindi ko alam 'tong nararamdaman ko. Bakit ganito? Sobrang saya ko naman pag kasama ko si Aly pero kulang pa rin talaga pag wala si Pia. Masaya naman kami e. Ewan ko kung san nagkagulo, kelan nawalan ng gana at bakit nagkaganito.

Bestfriends lang naman kami pero grabe ako magmukmok kala mo nakipagbreak ako. Tangina. 'yon lang yung pumapasok sa utak ko. Wala akong ginawang masama sakanya pero bakit ganto niya ko ituring? Pinagpalit pa ko sa kaibigan ko.

"Forth sabihin mo na kung bakit nagkakaganito si Pia." pilit ko kay Forth. magkasama nga pala kami nitong mokong na to sa training. Naiinis ako dito pero siya nalang rin yung pag-asa kong magkaayos kami ni Pia.

"Wala akong alam, tol." paulit ulit na sagot niya at anong akala niya sakin tanga? Lagi silang magkasama, lagi silang sabay umuwi tapos wala siyang alam? Ang hirap naman ng ganito parang ginagago ko ng mga tao.

Nag-umpisa yung training namin ng normal. Warm up, drills, plays, etc etc. Nakakawalang gana, dati kasi isang tingin lang sa bleachers, sasaya ka na. May nagpapalakas kasi ng loob ko, nakaupo lang don.

Ay, meron pala ngayon. Andon siya. pero nagpapalakas ng loob ng iba. Tinignan ko kung pano niya ayusin yung mga gamit ni Forth, kung pano niya nginitian at biru-biruin si Forth at kung pano niya bigyan ng tubig si Forth na dati sakin niya ginagawa. Ano ba to? Siya pa ba yung bestfriend ko? Naging bestfriend ko ba talaga to? Hindi ko alam bat kami nagkakaganito pero ang hirap ng walang sabi bigla nalang magbabago.

Saktong-sakto dumating na nga yung inaantay ko. Eto nalang talaga nagpapaligaya sakin at sobrang swerte ko kasi nandito 'to. Si Aly, soon-to-be girlfriend ko. Hindi pa kami pero malapit naman na. Minsan naiisip ko baka nagselos si Pia kaya siya lumalayo pero imposible kasi alam niya namang special siya sa buhay ko.

"Joaqxy, I bought you some gatorade." sabi sakin ng babaeng 'to sabay abot ng paborito ko. Kilalang kilala niya na talaga ko kahit ilang buwan lang ulit kaming nagkakasama.

"Oh, para naman tumibay tibay kang kalansay ka." asar sakin ni Pia sabay bigay rin ng paborito ko.

Parehas lang naman sila ng binigay pero bakit mas masaya ko sa ala ala nalang. Hindi. masaya naman ako kay Aly. Alagang-alaga naman ako, hindi tulad sa bestfriend ko na puro panlalait yung natanggap ko.

"Forth, samgyup tayo later, please?" rinig ko ang napakapamilyar na linya galing sa napakapamilyar na boses na mahigit isang linggo ko nang hindi naririnig na nakikipag-usap sakin.

"Samgyup tayo... please, beshiekeyk??? Kaya mo ba kong tiisin?" tanong pa niya habang nagpapacute sa harap ko. Ang hirap nga naman tanggihan ng isang tulad niya, masyadong cute.

Pero hindi ko na dapat inaalala yon. Iba na ang inaaya niya at malala ay kaibigan ko pa. Ang sakit lang na isang linggo lang pala ang kailangan para ipagpalit ang isang tulad ko.

"Joaqxy, can we go out, I want to go shopping eh." yaya sakin ni Aly. Cute naman siya magpacute pero minsan cringey din.

"Hoy tagabuhat naman kita ngayong araw bibili akong damit." sabi niya na parang siga siga pa. Nakakatawa kasi para siyang lalaki sakin pero sobrang babae naman ng mga damit na binibili.

Sa kasalukuyan tayo. Si Aly yung andito sa tabi ko, siya yung nagttyaga sakin. Bakit pa ba natin aalalahanin yung mga bagay at tao na hindi na tayo naaalala. Bakit pa natin iisipin yung mga taong nagbago na ng pakikitungo sa atin? Handa pa rin ba tayong magbaba ng pride para don sa taong yon? Ang sagot? Oo.

"Wait lang aly, five minutes lang." tumango naman si Aly. sobrang bait niya talaga kaya hindi ko kayang mawala to sakin. Pero may isa pa kong hindi ko rin kayang tuluyang mawala sa buhay ko. Tumayo ako at hinila ng walang sabi sabi ang kamay niya, palabas ng lugar na yon, palayo sa bestfriend kuno niya ngayon.

"Hoy joaquin ano bang problema mo?" wika niya na halatang naiinis sa inasta ko. May napapatingin pa nga samin na mga estudyante pero ano naman? Eskwelahan rin namin 'to.

"Pia, ano nga ba?" sabi ko dahil sobrang problemado na ko. San ba ko nagkamali? Ano bang nagawa ko para makatanggap ng ganitong pakikitungo?

"Anong ano?" maang-maangan ng isang to, gusto kong magalit at iwan nalang siya pero hindi ko naman kaya.

"Ano ba tong pakikitungo na 'to? Ano bang nagawa ko?" tanong ko sa kanya. nakita ko naman ang pagpikit niya ng mga mata niya, ganyan siya pag nagpipigil ng galit. ano bang nagawa ko, bakit galit na galit to?

"Wala joaquin. Wala kang nagawa. Bigla nalang ako nagsawa na ikaw yung bestfriend ko. Gusto ko rin makipagkaibigan sa iba. Di ka na masayang kaibigan." sabi niya na parang wala lang lahat ng sinasabi niya sakanya. tangina? deserve ko to? bakit? nablanko ako. andami kong gustong itanong e pero wala. walang lumabas sa bibig ko.

"okay ka na? titigilan mo na ko?" sabi niya habang umiiwas sa mga tingin ko. hindi totoo. hindi makatingin si pia ng derecho kaya hindi totoo ang sinasabi ng babaeng to. pero bakit magsisinungaling to? ano ba talagang nagawa ko?

Sakto naman ang paglabas ni Forth sa gym. Yinaya niya na sa samgyup si Pia at umalis naman sila. Walang paalam. Basta umalis. Parang ginawa niya sakin. Ewan ko ba, kasalanan ko pa ba 'to? Kung bakit kami biglang nagkaganito?

Binalikan ko naman ang iniwan ko sa loob. Andon siya nakaupo lang at nagccellphone. Pinagmasdan ko siya ng ilang minuto at napabulong ako ng "ang swerte ko sa taong 'to."

"ang swerte ko naman sa taong 'to kahit lagi akong binubully." sabi ko sa kateam ko na si JC habang pinagmamasdan ang bestfriend ko na inaantay ako matapos magbihis.

Hindi, mali yon e. Si Aly yung nandito sakin at nagaalaga sakin ngayon. Pero bakit ala-ala pa rin ng iba yung bumabagabag sa utak ko? bakit ko pa ba inaalala yung mga ala-alang dapat kinakalimutan na?

Teardrops on My GuitarWhere stories live. Discover now