"Oo nga pala.
Hindi nga pala tayo.
Hanggang dito nalang ako.
Umaasa na mapasa'yo."- - -
Sofia.
Isang linggo. Kung iisipin mo mabilis lang naman siya pero iba ang dating pag sinabi kong pitong araw diba? Oo pitong araw. Pitong araw na kaming hindi nagkikita. Pitong araw na kong lumalayo sakanya. Pitong araw na rin naman sila ng karelasyon niya at wala kong ibang magawa kundi tanggapin na kahit kelan hindi niya makikita ang pinapahiwatig ko sakanya. Mahirap bang alamin kung ang taong malapit sayo ay napamahal na?
Ang lungkot isipin, ano? Pero natanggap ko naman na... ata.
"Pia, hinahanap ka nanaman niya." sabi ni Forth habang kami ay palabas ng eskwela. Nakakatawa kasi sabi niya sasamahan niya ko dito sa Ateneo, araw-araw, minu-minuto, segu-segundo. pero asan siya ngayon? Andon sa babae niya. Oo nagseselos ako. Nakakainis naman kasi, andito ako pero bakit iba pa rin yung ginusto?
"Sabihin mo di mo ko nakikita." yan lang ang sabi ko. Nakakatawa. Di kami nagkikita pero araw araw akong nagpopost sa social media, baka sakaling magselos siya.
"Malilintikan na ko dito, pia." ani ni Forth habang tinatap ang ID niya para kami ay makalabas. Natawa lang ako sa sinabi niya.
"Hindi niya naman malalaman." ani ko pa. Ano naman sakanya kung kasama ko itong lalaking 'to? Masaya naman siya at ako? sasaya naman ako.
"Alam ko na." wika ng isang lalaking nakatayo ng tuwid sa labas ng building at halata namang nagaantay saming dalawa. Pano ko naman di makikilala ang taong to? Eto yung nanakit sakin. Umirap lang ako at didirecho na sana sa paglalakad pero hinawakan niya yung kamay ko at pinigilan. "Ano ba kasi talagang problema mo, pia?" sabi niya pa. tanga ba to? Sobrang sakit na kasi. Hindi ko na kaya.
"Wala naman." yan lang ang nasabi ko sakanya. Nakita ko namang ngumisi siya, anong mali sa sinabi ko? totoo naman na walang problema. Ay hindi, meron pala pero ako lang naman dapat ang nammroblema kasi ako lang naman ang apektado saming dalawa.
Gusto ko lang naman mapag-isa. O basta malayo sakanya. Hindi naman kasi ako apektado dapat diba? pero ang hirap din palang mapamahal sa taong kaibigan lang pala.
Ano nga bang nangyari sa aming dalawa? San ba kami nagkagulo? Teka ikkwento ko.
- · - · -
Madilim na sa pwesto namin ngayon. At nakatingin lang kami sa mga ulap. Ganto lang naman kami kapag malungkot, sumasaya naman kami basta magkasama.
Pero ngayon? Hindi ako malungkot. Sobrang saya ko dahil sa wakas buo na ang desisyon ko. Aamin na ko.
"Besh, may sasabihin ako."
sabay naming wika. May sasabihin rin pala siya kaya kanina pa siya aligaga. Hinayaan ko naman siyang mauna dahil mukhang problemado siya. Gusto ko naman masaya siya pag umamin na ko diba?
"Naalala mo si Aly? Yung first love ko na umuwi galing states tapos nagaral sa Ateneo?" tanong niya. Sino ba namang di makakalimot doon? Siya lang naman yung gusto kong palitan sa buhay mo. Buti nga lang di ka pumayag at ako pa rin ang bestfriend mo. Tumango naman ako bilang sagot sa tanong niya. Kinakabahan na rin ako dahil binanggit niya ang pinakaayaw kong babae sa buhay niya.
"Nagkakamabutihan na kami." putangina. ayan lang yung nasabi ko sa utak ko. bakit ngayon pa? kung kelan buong buo na ang desisyon ko? tangina bakit ayon pa? bakit hindi nalang ako?
"Ahh. congrats besh!!" aniya ko na parang ang saya saya para sakanya pero ang totoo ay para sakin ang sakit sakit na. linukot ko sa likod ko ang hawak kong papel. lyrics lang naman to ng kanta na ginawa ko para sana sa pagamin ko pero naunahan na rin pala ko ng higad na umaaligid sayo.
Yung "oo nga pwede nang maging tayo" naging "oo nga pala hindi nga pala tayo."
Yung "handa na ko hanggang dulo, handa na kong mapasayo" naging "hanggang dito nalang ako umaasa na mapasayo."
antanga ko naman kasi diba? bakit ko ba inisip na pwedeng magkaroon ng TAYO tayong dalawa? bakit ko inisip na may nararamdaman ka rin pala? ang tanga ko lang kasi pinaniwala ko yung sarili ko na nag-aantay ka lang rin ng pag-amin ko.
pero ang totoo ako lang pala ang nagmamahal dito. ako lang pala yung gustong i-level up itong friendship na 'to. ako lang pala yung gustong mapasayo pero ikaw gusto mong mapasakamay ng ibang tao.
buti nalang at nauna siyang umamin. kundi baka linalamon na ko ng hiya ngayon.
"di ka galit?" yan ang mga sunod niyang sinabi. galit na galit ako pero anong karapatan ko? ayoko namang hadlangan ang isang bagay na magpapasaya sa taong mahal ko.
"bat ako magagalit? masaya ako para sayo dahil may jowa ka na" yan ang sinabi ko. ang galing kong magpanggap ano? yan naman ang ginagawa ko e, magpanggap na wala akong nararamdaman para sa isang tao.
tangina kaya ko pa ba magtagal dito? gusto ko nang umuwi at umiyak nalang sa kwarto ko. nararamdaman ko na ang luha ko na nangingilid sa mga mata ko. hindi ko na kaya. uuwi na ako.
"uwi na ako besh hahanapin na ko sa bahay namin." yan nalang ang palusot ko. tumango naman siya at tumayo na para ihatid ako pero pinigilan ko siya.
"wag mo na ko ihatid ngayon. badtrip si tatay baka mapagalitan ako makita mo pa." yan nalang ang sinabi ko kahit hindi naman totoo. gusto ko lang maramdaman yung hangin na sinasampal ako ng katotohanan na kaibigan lang ako.
- · - · -
Makalipas ang pitong araw pagkatapos non, eto na kami ngayon. Kasalukuyang magkatapat at nagtititigan. Iniwan muna kami ni Forth para makapag-usap pero sana hindi nalang. Ayoko namang umiyak.
"Bakit mo ba ko iniiwasan?" tanong saakin ng lalaking 'to. Hindi ko alam kung tanga ba to o manhid lang? Halata naman na ng lahat ng tao na gusto ko siya, siya lang ang hindi.
"Busy lang ako." palusot ko pero hindi uubra yon dahil kilalang kilala ko ng taong to.
"Busy pero kasama si Forth araw araw? Linoloko mo ba ko?" sabi niya. wala akong pansangga doon dahil oo, linoloko ko naman talaga ang taong to kasi ayaw ko nang mas masaktan pa ang puso ko.
"Uuwi na ko." yan ang mga sinabi ko at tumalikod na sakanya, sumigaw naman siya ng "Ihahatid na kita." at doon ako nalungkot nanaman. Iba na ang pakiramdam ng paghatid mo dahil may mahal ka nang ibang tao. Iba na ang pakiramdam na kasama ka kasi sa dulo wala na kong aasahan na tayong dalawa.
"Salamat nalang, Joaquin." yan ang huling mga salitang sinabi ko bago ako tuluyang lumayo sa taong mahal ko na akala ko mahal din ako.
YOU ARE READING
Teardrops on My Guitar
Fiksi PenggemarA Sofia Ildefonso and Joaquin Jaymalin Fan Fiction - #WPTOMG ©️ credits to the owner of all the picture used in the whole story.