"Miss na kita baby hindi ko na kaya
Sobrang saya ko na muli tayong magsasama
Pangako na 'di ka na maghihintay at
Hindi ka na malulungkot malapit na ko baby pauwi nako."- · - · -
Joaquin.
Hindi ako makapagreply. Wala akong lakas ng loob na replyan ng kahit isang tuldok ang taong 'to. Habang naglalakad kami pabalik ng kotse ay 'yon lang ang iniisip ko, anong sasabihin ko sa babaeng 'to? nagsasalita pa nga ata 'tong kasama ko pero hindi talaga niya makuha ang focus ko. Ayos nga naman, umuulan pa pala at wala kaming payong dalawa. Mabuti nalang at sa covered parking lang kami nagpark pero sila Pia, alam kong ayaw na ayaw ni Pia na nagppark sa covered dahil may free parking naman daw bat magsasayang pa ng pera. Bat ko ba siya iniisip e kasama naman niya yung bestfriend kuno niya.
"Joaqx, aren't we going?" sabi ni aly kaya naman dumirecho kami kung saan kami nagpark. Napagod ata si Aly kaya hiniga niya ng onti yung upuan at pumikit.
"Pagod ka?" yan lang ang lumabas sa bibig ko at nakita ko naman siyang tumango. Pagod nga. pero mas pagod ako, galing pa ko ng training.
Habang pauwi ay mas lalong lumalakas ang ulan, magbabaha nanaman pauwi kila Pia.
"Dito muna tayo sa bahay niyo, baha yung daan samin."
yan ang laging sasabihin ni Pia sakin, ngayon? baka dun na siya sa bago niyang bestfriend.
Tahimik lang ang byahe hanggang makarating kami sa bahay nila Aly, sinundo siya ng yaya nila na may dalang payong at inabot ko naman ang pinamili niya.
"Bye joaqxy!" sigaw nito habang naglalakad papasok ng bahay nila.
"Bye! Iloveyou." sigaw ko rin kahit pagod na pagod na ko. Nakita ko naman siyang nagflying kiss kaya sinara ko na ang bintana ko, pumapasok na rin ang mga talsik ng tubig dahil sa ulan.
Bago umalis, pumikit ako saglit. Pagod na pagod na ko, papahinga lang ng onti. Andami ko nang iniisip at nararamdaman, pagod na ang aking isipan at ang aking katawan.
Tumunog naman ang cellphone ko bilang sign na may nagtext sakin at ayos nga naman yung taong kinakainisan ko pa ngayon.
Forthsky
Punta ka dito sa bahay. May sakit si Pia.Joaquin
eh bakit jan mo dinala at di sa ospital?Forthsky
ikaw lang naman raw makakapagpagaling sakanya.Joaquin
tangina papunta na.Dali dali akong nagdrive pabalik ng bahay nila Forth. Hindi naman siya ganun kalayo kaya mabilis lang rin akong nakarating. Pumasok ako sa bahay at nakita ko si Pia na umiinom, umiiyak at nakayakap kay Forth. wow. pinapunta ba ako para ipakita 'to?
"Oh! Anjan na siya." sigaw ni Pia. Anong nangyari sa babaeng to?
"Mama mo?" tanong ko kay Forth at sumenyas siya ng wala, buti naman.
"Hoy Pia ano bang nangyayari sayo?" tumabi ako sakanya at binaling ang ulo niya sa balikat ko. Si Forth naman ay umalis saglit para kumuha ng damit, pano, basang basa sila sa ulan. Naramdaman ko ang yakap niya sakin at pagsiksik niya ng ulo niya sa leeg ko.
"Kasi naman ikaw e, di mo na ko mahal e." sabi niya. mahal na mahal ko tong babaeng to, alam niya yan. Mainit siya at parang nilalagnat, tangina nagpabaya nanaman to sa sarili niya. Nanginginig na rin siya sa lamig kaya yinakap ko siya para mainitan siya ng onti.
"Hala! Yinayakap mo ko." sabi ni Pia tapos tumawa ng tumawa. Di pwedeng umuwi ng ganto to jusko lagot ako kay tito.
"Pia, nilalagnat ka." sabi ko kaya naman napahawak siya sa leeg niya tapos ngumiti. "Oo nga no, di ko na kasi ramdam yung sakit andami na kasi." sabi niya. tangina namiss ko 'tong bestfriend ko na 'to.
Dumating si Forth na may dalang damit para kay Pia, nagpalit naman siya sa tulong ng yaya nila Forth tapos hiniga muna namin siya sa kwarto ni Forth.
"Luto lang ako 'tol iwan ko muna kayo ha?" sabi ni Forth kaya naman tumango nalang ako.
Mahimbing na agad ang tulog ni Pia, pinagmasdan ko siya. Pagod na pagod na ata siya sa buhay niya. Hinawakan ko ang mga kamay niya at humiga sa tabi niya, pagod na rin ako.
- · - · -
Sofia.
Nagising ako dahil sa sobrang sakit ng ulo at ng buong katawan. Anong nakakagulat e naging pabaya nanaman ako. Minulat ko ang mga mata ko at nagulat sa nakita ko. Si Joaqx, nasa tabi ko at ang himbing ng tulog habang si Forth naman ay nasa couch, naglalaro.
"Hi Pia anong oras na baka pagalitan ka." yan ang bungad sakin ni Forth, tinignan ko agad ang oras at 8:32 PM. gabi na nga. marami na ring text at chat sila kuya sakin pero wala akong lakas para buksan isa isa.
Tinignan ko naman ang katabi ko. Mahimbing ang tulog niya. Normal naman samin ang magkatabi sa higaan pero bakit parang iba ngayon. iba ang nararamdaman ko.
Unti unti naman siyang dumilat at nagulat ata sa nakita niya, titig na titig kasi ako sakanya. Hinawakan niya ang leeg ko para tignan kung may lagnat pa ko, at oo alam kong meron pa dahil masama pa ang pakiramdam ko.
"Forth, iuuwi ko na 'to." sabi niya at naglike sign lang si Forth. Hindi rin ata ako pwedeng abutan ng nanay niya dito dahil ayaw nun na nagdadala ng babae si Forth dito sa bahay nila. Inalalayan ako ni Joaqx sa pagsakay ng kotse niya. Nakahiga ang passenger's seat, Sino kayang huling umupo dito?
"Joaqx thank you." yan lang ang sinabi ko habang pauwi kami ng bahay ko.
"Namiss kita. sobra." sabi sakin ni Joaqx kaya naman napangiti ako. kahit ang sama ng pakiramdam ko, iba pa rin ang kilig.
"Namiss din kita di ko na nga kinaya." sabi ko naman na parang natatawa. "Wag ka nang lalayo ulit sakin." yan naman ang sabi niya pero paano ako hindi lalayo? Ayoko makasira ng relasyon.
"Nauna ka kay Aly, maiintindihan niya yon. Bestfriend kita di pwedeng mawala basta basta, ha?" pano niya nalaman ang iniisip ko pero tangina bestfriend lang pala talaga. Tumango ako kahit ang sakit sakit na bestfriend pa rin talaga.
"Labyu besh pls wag na ulit ganon ha?" sabi niya at nakaramdam ako ng kirot sa puso ko dahil kahit alam kong mahal niya ko, hanggang bestfriend lang naman.
"Labyutoo besh."
YOU ARE READING
Teardrops on My Guitar
FanfictionA Sofia Ildefonso and Joaquin Jaymalin Fan Fiction - #WPTOMG ©️ credits to the owner of all the picture used in the whole story.