III. Kathang Isip by Ben&Ben

249 13 1
                                    

"Pero kahit san man lumingon
Nasusulyapan ang kahapon
At sa aking bawat paghinga
Ikaw ang nasa isip ko sinta"

- · - · -

Sofia.

"Forth, bat ganon. Di ko madeny na cute silang dalawa ni Aly? Lalo na kanina binigyan ni Aly si Joaqx ng favorite niyang drink after training. Dati ako nagbibigay non." sabi ko dito sa kasama kong kumain pero parang hindi ata ako pinapakinggan kasi walang ibang inatupag kundi kumain. Hinampas ko siya kaya naman lumingon siya sakin. "Nakikinig ka ba?" tanong ko.

"Oo. cute naman talaga sila." yan lang ang sinabi niya sakin at nagpatuloy na sa pagkain. "aba! wala ka talagang suporta sakin. ano si Aly rin gusto mo ha? Don na kayo magsama-sama na kayong lahat." sabi ko sakanya.

"Drama mo tol. Kausapin mo na kasi si Joaqx tas sabihin mo na totoong dahilan para okay okay na lahat." payo niya sakin na wala akong balak sundin.

"Ayoko nga. pride ko na nga lang meron ako e." sabi ko lang at nagpatuloy na kumain. masarap naman itong samgyup na kinakainan namin pero bakit parang walang lasa kada subo ko. Parang walang bahid ng saya ang pagkain ko dito ngayong araw. Hindi naman kasi ako kumakain dito dahil gutom, kumakain ako dito dahil sa kasama ko... pero dati yon. kasi yung kasama ko noon, may iba nang kasama ngayon.

"Oh sige lamon pa." sabi niya sa akin habang kinukuhanan ako ng litrato. Agad ko namang tinakpan ang camera ng cellphone niya para tigilan niya. Lagi nalang siyang picture ng picture sa akin, kulang nalang hindi na kumain.

"Para ka kasing baboy na lamon ng lamon pag andito tayo sa samgyup." asar niya sakin at tumawa ng tumawa. sinamaan ko siya ng tingin pero patuloy pa rin sa pagkain dahil masarap naman talaga dito sa samgyup na to.

Ang dami na rin palang ala-ala naming dalawa. Lahat ng table ata sa samgyup na 'to ay naupuan na naming dalawa. Ganon kami kagastos. Dito pa nga sa upuan na to kami nagtalo dahil ililibre niya raw ako, e nahiya naman ako kaya di ako pumayag. ending? talo ako.

"sagot ko na to today." sabi niya at naglagay ng bayad sa bill. dumukot naman ako sa aking wallet ng eksaktong bayad para sakin.

"diba kkb tayo? nakakahiya naman kasi baka masanay akong linilibre mo." sabi ko sabay abot sakanya ng pera. umiling naman siya at tinulak pabalik ang pera sakin.

"minsan na nga lang kita ilibre! isipin mo nalang congrats ko to kasi nagtagal ka sa isang tulad ko hanggang ngayon." sabi niya pabiro pero tatlong araw kong dinala yung hiya ko kasi unang beses akong linibre ng taong to.

Bakit ko ba inaalala yung taong yon? May iba na nga diba. May jowa na. Hayaan nalang siya kung saan siya masaya.

- · - · -

Joaquin.

Pagkatapos ng training ay dumerecho kami sa mall ni Aly. Nagpapasama siyang magshopping at hindi ko naman matanggihan. Andami niyang iniikutan pero ni isa wala namang binibili, ano ba to? Si Pia pag nagshshopping nakapagsearch na ng shop bago puntahan tapos saglit lang talaga kami. Bonus nalang kapag may nadaanang maganda.

"Sorry joaqx ha? Wala akong mapiling damit." sabi niya sakin, halatang-halata naman sakanya na nahihiya na siya sakin kaya nginitian ko lang siya. "Okay lang basta para sayo." sabi ko kahit ang totoo ay pagod na ang aking mga paa kakalakad. Sana naman mapansin niya diba galing pa akong training jusko

Umakyat kami ng isang floor at nalungkot naman ako sa bumungad sa akin. Instruments shop. Nakita ko ang mga gitara na nakasabit doon at mga ala-alang naiwan namin doon.

"Ang mahal naman ng gitarang to ano to ginto?" bulong sakin ni Pia habang namimili pa rin ng bibilhin niya sa pasko.

"Sira na ba gitara mo sa bahay niyo? Bat bibili ka ng bago?" tanong ko naman. Mahilig kasi itong maggitara at gumawa ng cover pero sa akin lang rin issend, baliw diba hahahaha

"Ayoko na non. Simula bata ako ayon na. Gusto ko ng bago pero di ko itatapon yon, memory na yon sakin." sabi lang ng babaeng to tapos derecho na sa pagpili ng gitara.

"Eto." sabi niya at turo sa nakasabit na yun. Isang kulay asul na gitara, paborito kasi nito ang kulay asul. Halos lahat ng gamit niya sa bahay ganon ang kulay. Tinignan namin ang presyo at tamang tama lang.

"Babalikan ko 'to sa pasko." sabi niya at pinicture-an pa 'to.

Oo nga pala, magpapasko na. Napagipunan niya na kaya ang gusto niya? Kasi ako oo, kumpleto na ipon ko don. Gusto ko sanang bilhin yon para sakanya pero baka hindi niya lang tanggapin.

"Joaqxy, titingin ka ba?" sabi ni Aly. Isang minuto na pala kong nakatitig lang sa shop na 'to. Parang kahit saang lupalop ng mall na 'to may ala-ala kaming dalawa ng bestfriend ko. Bakit ba kasi andami na naming nagawa ng magkasama.

"Hindi. Tara na." sabi ko lang at pumunta na sa gustong puntahan ni Aly. At tadhana nga naman bakit dito pa? Paborito ito ni Pia.

"San tayo pupunta?" tanong ko habang hila hila ako ng babaeng to. Nakidnap nanaman kasi ako ang sabi niya kakain lang kami sa samgyup.

"Sa paborito ko." sabi niya lang at ngumiti sakin. doon nanaman? tuwing andito kami sa mall na to doon ang punta namin lagi at hindi pwedeng hindi siya bibili.

"Doon nanaman? Nabili mo na ata lahat ng damit don?" sabi ko para pigilan ang babaeng to. Jusko dagdag tambak nanaman yan sa cabinet niya.

"May mga bago yan syempre. Sige na ang kj naman nito e. Kung ayaw mo iwan mo na ko dito." sabi niya lang at binitawan ako at naglakad mag-isa. Ang arte talaga ng babaeng to!! Hinabol ko siya at inakbayan para tumigil na.

"Di mo talaga ko kayang tiisin no?" asar niya pa sakin at totoo naman, pano ko titiisin tong bestfriend ko.

"Joaqx anong mas maganda, ito o ito?" tanong ni Aly at nagpakita ng dalawang klase ng damit, isang puting dress at isang set ng skirt at top na kulay pula. Meron si Pia ng dalawang to, naalala ko pa nga sinuot niya ang puting dress at gandang-ganda ko sakanya. Maganda rin talaga ang damit na yon.

"Yung skirt at top mas maganda." sabi ko. Ang puting dress ay nakita ko na kay Pia kaya yung set nalang ang pinili ko, hindi pa sinusuot ni Pia ang ganon niya pero alam ko meron din siya.

Sinukat ito ni Aly at bagay naman, maganda din kasi si Aly at ang kutis niya. Kahit anong kulay binabagayan. Binili niya ito at sa wakas, pagkatapos ng dalawang oras ng paglalakad, nakabili na rin siya ng isa.

Bago kami lumabas ng shop ay tumunog ang cellphone ko nagpapahiwatig na may nagtext sakin at agad agad ko namang binuksan ito. Nagulat nalang rin ako sa nabasa ko.

Beshikeyks
Dinala mo pa talaga sa paboritong shop ko.

Teardrops on My GuitarWhere stories live. Discover now