Chapter 4 - Ang Natutulog na Adan

59 2 0
                                    


"Sino ka?" tanong ng taong pinaka mamahal ko mula pa nang masilayan ang bungal n'yang mukha sa karsada.

"Clarrise!" tawag sa 'kin ni Dan na nasa likod ko na pala.

"Hello, Patric, right?" tanong ni mommy.

"Mrs. Chua, kayo po pala..." marahang ibinaba ni Patric ang aking kamay at tumayo. "Eto po ba ang anak ninyong si Clarrise?" ngumiti s'ya. That perfect babyface smile...

"Ah, yes, Patric, this is my daughter Clarrise," pakilala n'ya sa amin. "Clarrise, this is Patric, he's a friend of Rico's, that's the guy who saved your life."

"Nice to met you." inabot n'ya sa akin ang kanyang kamay na parang ayoko nang bitawan.

"N-nice to meet you too..." nakatingala kong sagot sa kaibigan kong 6 feet 11 inches and laki.

"Fredirico Madrigal the Third ang pangalan ng kaibigan ko, we call him Rico..." sabi ni Patric habang hinihila ang kanyang kamay pabalik. "Pwede ko bang malaman kung... paano kayo nagka-kilala?" tanong n'ya.

"... Sa jeep lang..." sagot ko. "Nagkasabay lang kami sa jeep..." hanggang doon nalang sana ang sasabihin ko, nang may mapansin ako sa tingin sa mata ni Patric. "Pero..." patuloy ko, "Mabait s'ya... at... at nagkakilala kami doon..." pagsisinungaling ko."

Pinagmasdan ko ang mukha ni Patric. Guni-guni lang ba? O lalong lumungkot ang mga mata n'ya?

"Ganoon ba?" ngumiti s'ya. Alam ko ang ngiti na 'yun, ang ngiti na ginagamit n'ya sa mga babae. At ngayong ginagamit n'ya ito sa akin, ramdam kong parang babagsak ang panty ko!

"Clarrise, I think maybe we should go back to your room, nakakahiya naman kay Patric, bigla nalang tayong pumasok dito..." singit ni Dan.

"No, it's okay, no problem, really." sagot agad ni Patric, "Besides, if it's true that my friend talked to her during their jeepney ride, then that means that he's really interested in her."

Ha?! gusto kong itanong kay Patric. Kelan pa nangyari yun, eh halos wala nga akong kinakausap na babae, lalo na pag magkasama tayo?!

"Would you like to talk to him?" tanong n'ya sa akin, again with that smile. "They say it helps."

Lumapit ako sa dati kong katawan.

Well, I guess, guwapo naman talaga ako. Kahit ako, ma-i-in love sa akin! Kaya kahit may benda pa ako sa ulo at medyo namamaga pa ang kaliwang mukha, eh, kitang-kita pa rin ang kagandahang lalaki ko. May malaking benda rin ako sa dibdib, at naka-cast ang kaliwa kong braso. Nakaangat naman ang kanang binti ko na naka-cast din.

"Okay... okay lang ba siya?" tanong ko kay Patric.

"Well, sabi ng doctors, ayos naman ang vitals n'ya. Okay din ang brain activity n'ya, at wala na ang internal bleeding sa kanyang abdominal area..." paliwanag ng kaibigan kong kumukuha ng medicine. "Ang left arm n'ya, hinihintay nalang gumaling, pero ang right leg n'ya..." natigilan s'ya ng bahagya. "Medyo masama ang tama sa dislocated knee n'ya, at nabali ang tibia n'ya sa binti... kaya possibleng hindi na s'ya makapag basketball uli..."

"My God... I'm so sorry to hear that..." sabi ni mommy.

Ako, hindi makapagsalita. Nakatitig lang ako sa katawan sa kama. Sa katawan ko. Pero eto ako ngayon, nakatayo. Maayos ang pakiramdam ko, at kahit alam kong buhay ko ang basketball, na pangalawa ito kay Patric... parang ang layo nito... parang wala itong kinalaman sa akin.

"Clarrise?" tawag sa 'kin ni Dan.

"It's okay. It's not your fault." sabi ni Patric sa akin, nakangiti uli. "It was nobody's fault. If anything, ang driver ang dapat sisihin, pero dead on the spot s'ya during the accident. Buti nga at buhay kayo pareho ng kaibigan ko." he said, his voice sad. "Buti nga at gising ka na."

Gay's Anatomy (teaser)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon