Chapter 5 - Ang Palasyo ng Prinsesa

57 2 1
                                    


"Welcome back home, honey." niyakap ako ng mommy ko pagbaba namin ng sasakyan.

Isang napakalaking mansion ang inuwian namin! Nasa loob ito ng White Plains, at ang laki ng inikutan ng sasakyan naming Hummer bago kami binaba ng driver sa tapat ng pintuang may Corinthian pillars! Georgian ang style ng bahay nila, may dalawang palapag, with attic pa!

May tatlong katulong na sumalubong sa 'min, naka uniporme lahat. Kukunin ko na sana ang mga gamit ko sa likod ng sasakayan, ng hawakan ni mommy ang kamay ko. Nagtataka ang tingin n'ya sa 'kin, nakataas ang mga kilay.

"Something wrong?" bago pa ko makasagot, ay naglapitan na ang mga maids at kinuha ang aming mga gamit. "Come, this way, your ate and kuya are waiting for you in the den."

Para akong nasa museum tour! Ang gaganda ng mga gamit at display sa loob ng bahay, at nahiya akong gumalaw dahil baka makabasag ako! Sa bagay, sa luwag ng lugar, mukhang wala akong matatamaan kahit mag basketball ako sa hallway nila!

May pinasok kaming sala, at nagtaka ako kung bakit walang tao doon, pero inakay ako ni mommy lampas dito, at diretso pa sa isang kuwartong may double doors. Binuksan n'ya iyon at nakita ko ang isang kuwartong mas malaki pa sa seminar room namin sa archi! May mahahabang sofa na nasa may gitna ng room, may glass coffee table sa gitna ng mga ito, at may TV na mukhang pang-mini theatre!

Naka upo sa dalawa sa tatlong mahahabnag sofa na nakaikot sa kwarto ay isang maputing babae at isang lalaking mukhang bida sa Chinese telenobela sa ka-gwapuhan! Pati ang perfect, one-sided hair n'ya at clean shaved chiselled jaw, type na type ko!

"Shobe!" sabay na tawag ng babae at lalaking pogi sa kanilang bunsong kapatid. Ah, sa akin pala!

"Ate Consuello... Kuya Carlito..." buti nalang nabanggit ni mommy ang mga pangalan nila sa akin.

"Shobe, buti okay ka na..." sabi ni Kuya na napaka higpit ng yakap sa akin.

Relax, my heart... think of Patric... think of Patric... pilit ko sa sarili, pero napaka hirap pala pag isa-isang yumayakap sa akin ang mga hot hunks!

"Are you okay, Shobe?" tanong ng Ate ko. "Are you sure it's okay for you to come home?"

"Oo naman," sagot ng Kuya ko para sa akin. "My Clarrise have always been a fighter, right Clarrise?" ngumiti s'ya, at naramdaman kong mamula ang mukha ko.

"Guys, give your sister some space," singit ni mommy, "remember, she's suffering from some sort of amnesia, for all she knows, you are both like strangers to her right now."

"How could you possibly forget about us, Shobe?" tanong ng aking Ate, "That would be so sad... being forgotten by my best friend!"

"For me okay lang!" pilyo ang ngiti ng Kuya ko, "I could just tell you we're not related!" he then cupped my face in his big hands and kissed my nose!

Lalo kong naramdaman na nagliliyab ang aking mukha! That was my first kiss! And not just as a girl! Kahit si Patric hindi ko pa nahahalikan!

"Woah!" nanlaki ang mga mata ni Kuya. "I didn't know you could get that red!"

"Hay nako, Carl!" hinatak ako ni Ate Consuello sa kamay at nilayo sa kuya ko. "Are you okay, Clarrise?"

"Um." mahina akong sumagot.

"C'mon, you look tired, let's go to your room."

Inakay ako ni Ate Consuelle pataas sa isang engrandeng staircase na open sa ground floor. Nahahati ito sa west and east wing, at sa east wing kami umakyat. Pag taas dito ay may malawak na landing at maluwag na hallway na puro pinto.

Gay's Anatomy (teaser)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon