"You got your I-phone with you?" paalala sa 'kin ni Kuya. "Remember also your I-pod ha, call us if anything happens, or if you feel anything wrong."
"Okay kuya." masaya kong sabi habang ginagamit ang bagong-bago kong I-phone 7 plus. Nakatabi na rin sa aking purse ang I-pod kong bagong-bago rin!
"And if you feel lost, or you don't know anyone in your class..."
"I know, kuya, I'll call for you so you can sit in on my class!" natawa na ako, napaka maalalahanin talaga ni kuya. Ganon pala ang feeling ng may kapatid na lalaking mas matanda sa 'yo.
"Okay... I'll be going na, ha?" sabi n'ya, pero 'di pa rin s'ya bumabalik sa kanyang kotse. "Take care, ha?"
Sa wakas, napaalis ko rin ang kuya Carl kong napaka sweet.
Huminga akong malalim.
Akalain mo ba naman, iisang campus lang pala kami ng babaeng ito?
Malaki naman kasi ang MaybungaUniversity, isama mo pa ang gradeschool at highschool department nito at parang isang buong baranggay na siya! Kaya siguro hindi ko s'ya nakikita on campus, plus the fact na hatid sundo s'ya lagi, at ibang colleges pa kami. Architecture kasi ang course ko, malayo sa course n'yang accounting. Third year na rin ako, samantalang etong si Clarrise ay first year pa lang.
Inayos ko ang suot kong moss green a-line dress at pumasok na sa loob ng building. Tumingin-tingin ako sa paligid, naghahanap nang makikilala, or rather, nang makakakilala sa akin.
Hmm... mukhang wala... teka, ano nga pala ang room number ko... Tinignan ko ang note sa aking I-phone. Room 305. Umakyat ako sa third floor at pumasok sa kuwarto.
Good, mukhang maaga pa, wala pa ang professor. Umupo ako sa may tabi nang isang grupo ng mga girls na nag chi-chikahan at ngumiti sa kanila.
"Um... hello." bati ko sa mga babaeng biglang natahimik. "Classmates ko kayo, right?"
Nakatitig lang sila sa akin, nang sa wakas, may nagsalita.
"Yup, classmates mo kami, at kung nag effort ka lang na kausapin kami even once, hindi mo kailangan itanong iyon." sabi n'ya.
Napa tingin ako sa nagsalita. Isa s'yang bakla! Napalaki ang ngiti ko, matagal ko na ngang gustong makipag kaibigan sa mga katulad ko.
"Ah, ganon ba, pasensya na ha, actually, galing lang ako sa aksidente kaya..."
"Ay, sobra manhid ba, manhid?" sabi ng babae sa tabi n'ya na mataray ang tingin sa akin.
"Talaga? Naaksidente ka?" eto nanaman yung bakla. "Eh, ba't 'di ka pa natuluyan?!"
Nagtawaan ang apat na mga babaeng kasama n'ya. Nawala ang ngiti ko.
"No joke, naaksidente ka talaga?" sabi ng isa pang babae. "Sobra, walang nakapansin, nawala ka pala?!"
"Bakit kaya?" tanong ng isa pa.
"Well, obviously, because nobody cares!" sabi ng bakla.
Tumayo ako at agad lumayo sa kanila. Napatingin ako sa paligid. May isa-isang mga estudyante na naka-scatter sa lecture room, pero lahat sila naka yuko, or umiiwas ng tingin pag nakikita ako.
"Okay class, take your seats please." nar'yan na ang professor. Napatingin s'ya sa 'kin na nakatayo pa rin sa gitnang aile. "Miss Chua?" he asked.
"Yes, Sir." tumango ako.
"Well? What are you waiting for? The welcoming committee?" sabi ng professor ko.
Agad akong napaupo, ramdam ang nag-iinit kong mukha, lalo na nang magtawanan ang buong klase.
BINABASA MO ANG
Gay's Anatomy (teaser)
RomanceTwenty four times. Iyon ang dami ng beses na na-busted na siya. Kabisado ko iyon, binibilang ko, dahil sa mga pagkakataon lang na ganto ko s'ya kayang yakapin ng mahigpit... Na kahit minsan ay himasin n'ya ang dibdib ko at sabihan ako ng 'I love you...