The next time na mag-PE kami, kumpleto na ang gamit ko! Nagsuot na ko ng sports bra, with matching cycling shorts pa nga, as per Bell instructed.
Natuwa nga ang coach namin dahil ang galing ko raw pala mag basketball, 'di n'ya alam, after my first time, nanakit ang kasu-kasuan ko kinabukasan! Mukhang walang exercise ang katawan na ito. Buti nga ng sumunod na mga practice, ay nasanay din ang katawan ko.
Pero may plano ako ngayon. Gusto kong kamustahin ni Patric, kaya balak kong takasan ang dalawa kong bodyguards.
"Okay, that would be it for today!" pumito ang coach namin. "Magpalit na kayo."
Paalis na sana ako nang tawagin ako ni coach.
"Chua, sandali lang."
Lumapit ako sa kanya. "Sir?"
"Great play for today, as always!" sabi n'ya, sabay tapik sa aking balikat. "Magkakaroon ang varsity team natin ng extra practice bukas, Saturday. Sana makasama ka."
"Sure, sir, I don't have anything scheduled, so I think I can make it."
"Great!" sagot n'ya, nakangiti na labas ang mapuputi at diretso n'yang ipin. "I'll see you then, at 4 pm here in the gymn." tinapik n'ya uli ako sa balikat at pinisil ako ng bahagya.
Tumakbo na ako papuntang locker room kung saan nakatayo si Bell sa may pinto.
"Okay lang sa 'yo 'yun?" tanong n'ya sa 'kin.
"Huh?" nagtaka ako sa tanong n'ya. "Oo naman, wala naman tayo Saturday class bukas from 4 pm 'di ba?"
"No." sabi uli niya, "I meant, yung paghawak-hawak sa 'yo ni sir Malvar."
"Ha?" napatingin ako sa kanya. Nasa loob na kami ng locker room ngayon. "Ano naman masama doon? Tinapik n'ya lang naman ako, eh."
"Harassment ang tawag d'un." sabi ni Bell.
Natawa ako. "Bell naman, para atang lahat ng tao para sa 'yo eh, may sa-demonyo."
"You can laugh all you want right now. Just don't say I didn't warn you." sabi n'ya.
Hindi ko na lang s'ya pinansin. May pinaplano pa kasi ako...
"Hey, by the way, can you do me a favor?"
Binuksan ko ang bintana sa likod ng locker room. Likod ng gymnasium ang labas nito, at dito ako nagdaan.
Balak ko kasing pumunta sa kabilang gym – sa basketball court ng mga lalaki. Balak kong bisitahin ang team namin.
Nagpalit ako ng jogging pants at bagong t-shirt. Nagsuot 'din ako ng basketball jacket at hood para 'di ako makilala ng dalawang bantay ko.
Maraming court sa Marbunga. Ang pupuntahan ko nga, two blocks ang layo mula dito sa court namin e. Tumakbo na ako, nagmamadali. Dala ko ang duffle bag ko, at pinaki-usapan ko si Bell na magpahuli lumabas para 'di agad makahalata ang dalawa kong bantay.
Nag daan ako sa likod ng mga building. Shortcut namin 'to ni Patric. Isang makitid na daan sa gitna ng mga building at ng pader. Sandali lang ang daan na to, kumpara kung iikot pa ako sa mga bulding sa harap, kaya lang, hindi lang kami ang may alam ng lugar na ito.
May nakasalubong na nga ako, tatlong lalaki, nag yoyosi break. Hindi ko na lang sila pinansin. Dire-diretso ko sana sila lalampasan, nang biglang itaas ng isang lalaki ang binti n'ya. Umapak s'ya sa pader at hinarangan ang daan.
"Hi miss!" sabi ng isa.
"Nagmamadali ka ata." sabi ng isa pa, nakangisi.
"Medyo nga, makikiraan po." nakangiti kong sinabi.
![](https://img.wattpad.com/cover/187864842-288-k18933.jpg)
BINABASA MO ANG
Gay's Anatomy (teaser)
RomanceTwenty four times. Iyon ang dami ng beses na na-busted na siya. Kabisado ko iyon, binibilang ko, dahil sa mga pagkakataon lang na ganto ko s'ya kayang yakapin ng mahigpit... Na kahit minsan ay himasin n'ya ang dibdib ko at sabihan ako ng 'I love you...