-----

8 1 0
                                    

February 9, 1893

Nandito ako ngayon sa hukuman kung saan nililitis ang kaso ng isang matanda. Sya si Don Alfred Sereca, mayaman at maimpluwensiya.

Awang-awa na ako rito sapagkat garalgal na ang boses nito at masyadong pinahirapan ng husto ng ito ay nakakkulong pa sa Fort Santiago.

Napatingin ako sa taksil na abogado na maybhawak sakanya at ang hukom na syang pinakamataas rito.

Sila ang totoong may gawa nito ngunit napagbintangan lang talaga ang matandang iyon.

Halos hindi narin maipinta ang mukha ko ng ma-sentensyahan ng garote ang matanda.

Umalis ako roon ngunit bago sko umalis, pumatak ang luha ko sa sahig at sumulyap muli sa matanda, hindi parin ako naniniwala na sumpa ng bangko ang nangyaring ito. Ang matandang iyon ay napagbintangan na nagnakaw ng bangko habang bumili naman sya ng isa pang bangko rito sa aming bayan.
------

February 9, 1903

Nandito ako ngayon kung saan nililitis ang aking kaso, napagbintangan ako na nagnakaw sa isang bangko ng binili ko ang bangko rito sa aming bayan.

Hindi ako naniniwalang ang bangko ang may problema, kundi ang mismong nagbebenta nito.

Ang abogado at hukom na nasa aking harapan ngayon.

Mga alagad ng batas, ngunit sila, sila ang dapat na mabigyan ng garote.

At tulad ng inaasahan ko, nasentensyahan din ako ng kamatayan sa pamamagitan ng garote.

Natulad ako sa matanda, natulad ako kay Don Alfred Sereca na may pamilya at alam kong kahit nagtapos na ang buhay ko, ang pamilya ko ang maghihirap at mawawalan ng karapatan sa bayan na itinaguyod ng lolo ko, si Don Alfred Sereca.

Whiteroseofhelena's ONE SHOT storiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon