start

15.8K 347 109
                                    

s h e 's    i n t o
g a y s

▬▬▬▬▬▬





“Pero hahabulin ka,
kahit kulang ng isang hakbang,
at nangangako,
na hindi ka sasaktan.”




"Gabriel!"

Napabangon ako sa kama nang may kumatok katok sa pintuan ko. Kinusot ko muna mata ko bago napagdesisyonang bumangon. Tinatamad pa naman ako. Tsaka, sabado ngayon ba't andito siya? Binuksan ko ang pintuan at bumungad ang nakangiting batang babae.

"Ang aga Gabriela." reklamo ko pa. Lumungkot ang muka nito sabay ayos ng headband niyang pink na may malaking ribbon. Napansin ko ding naka-pink na bestida ito at pink na doll shoes. Nakaayos din ang suklay niya at may dalang gumamela.

"Nakalimutan mo na ba?" Nakangiti nitong sabi kaya lumabas ang maliit na dimple sa gilid ng labi niya.

"Nakalimutan ang alin?" Tanong ko pa sabay kusot ng mata. Inirapan niya ako bago sinipa sa tuhod. Napa-aray ako sa sakit na kailangan ko pang yakapin ang kaliwang tuhod ko habang binabalanse ang katawan ko.

"Aray ba't ba."

"Ngayon ang kasal natin! hmmp." Tsaka siya nagdadabog na umalis. Nanlaki ang mata ko at patakbo siyang hinabol. Ngayon ba kasal namin?

"Oy asawa ko." Sigaw ko habang hinahabol siya. Tumigil na man siya saka ako hinarap. Nakita ko kung pano naningkit ang malaki niyang mata at kung pano humaba ang nguso nito habang nakacross arms.

"Hmmp, ano?" napabuntong hininga ako bago napakamot sa batok.

"Sorry na." Suyo ko dito. Nakita kong ngumiti siya konti pero nawala din dahil pinandigan niya ang pagtatampo.

"Eto na nga oh, maliligo na yung asawa mo." Pagsusuyo ko pa. Ngumiti siya bago tumawa. Napairap naman ako bago siya sinamaan ng tingin.

"Ang cute mo asawa ko. Sige na maligo kana hihintayin nalang kita sa tagpuan." At patalon talon pa siyang bumaba. Napangiti nalang ako at patalon talon ding pumunta sa banyo.

+


"I, Gabriela Bonifacio take Gabriel Ferrer to be my lopoli wedded husband hihi." Humahagikhik na sabi ni Gabriela habang nakahawak sa dalawa kong kamay. Si Kean naman ay tumatawa habang nasa gitna at kunwari siya ang pari. May hawak pang story book ni peter pan kunwari bibliya.

"Would you, Gabriel, take Gabriela to be your lopoli wedded wife?" I smiled bago nag-iwas tingin.

"I, Gabriel Ferrer take Gabriela Bonifacio to be my lopoli wedded wife kasi wala akong choice." nagpipigil kong tawa na sabi. Sinuntok ako ni Gabriela kaya natawa nalang ako at si Kean.

"Well then, you may now kiss the bride." Tapos nagtakip ng libro si Kean kahit na sumisilip padin mata niya. Lumapit ako kay Gabriela at hinalikan siya sa pisnge. Tumawa kami ni Kean pero gulat lang si Gabriela.

"Oy asawa ko, ayos ka lang?" Natatawa kong tanong. Tumigil siya bago kumunot ang noo.

"Mali yung kiss mo eh, dapat ganito." Then she kissed me. On my lips. Nabitawan ni Kean ang libro at napatakbo habang sumisigaw ng 'mama'

lumayo na siya sakin habang nakangiti. Nakatulala naman ako habang nakahawak sa bibig.

M-MAMA!

walang lumabas sa bibig ko kundi hangin. Nakangiti siyang umalis habang naiwan akong nakatulala sa ilalim ng mango tree, habang humahangin ng napakalakas kahit na ang lakas ng sinag ng araw.

Nawala ang first kiss ko sa isang babae.

Nakakadiring pangyayari eww




+

note :

This book is a work of fiction. Names,
characters, places, and incidents are the
product of the author’s imagination or are
used fictitiously. Any resemblance to
actual events, locales, or persons, living
or dead, is coincidental.


🌈#1

may include expletives and cussing

votes and comments are SUPER appreciated
hehehehe wuv u

© ohraenges

She's into GaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon