5: Start of something right

5K 228 64
                                    

09 : 54 am

Unknown:
u free this afternoon?

Automatikong napakunot ang noo ko nang may makita akong text. At sino naman ang magtitext sa akin sa gitna ng klase? Niyaya niya ba ako sa date?

Unknown:
Si briel to, save my #

That explains who. Napailing nalang ako bago nagtype ng irereply sa kanya.

Gabi:
Last klase ko 1-2:30 hbu?

Briel:
wala na akong klase 12, hintayin kita sa mall
sa entrance ha

Gabi:
K

Briel:
wag mo akong nirereplyan ng "k"!

Gabi:
👍

Briel:
ampupu

Hindi ko na siya nireplyan at nakinig nalang sa prof namin. I have no time for her plus I'm still scolding myself for giving in so easily. I still can't believe na binigyan ko siya ng second chance. I'm so kind talaga. A minute hasn't pass when my phone notified me for another message from that girl. Seriously?

Briel:
need to be honest, i'm excited for our mini date
hohoho (´⊙ω⊙')

My face grimaced after reading her reply. But come to think of it, it does look like a date. Shit ba't hindi ko yun naisip? Ugh malisyosa pa naman ang babaeng 'to!

Gabi:
date my ass
t(^_^t)

Briel:
cute mo talaga hihi

Napabuntong hininga nalang ako bago pinatay ang phone ko. Now I'm totally regretting my decision. Dapat pala hinayaan ko nalang siya gosh. Ang sakit sakit niya sa ulo legit.



+




“Asan kana?”

Nailayo ko ng wala sa oras ang cellphone ko nang bumungad sa akin ang malakas na boses ni Briel. Hindi yata uso sa kanya ang salitang hinhin eh. Laki talaga ng pinagbago niya.

“Entrance na ng mall, ikaw?” Tumigil ako sa entrance ng mall, hindi na masyadong mainit dahil lampas alas tres na pero ang dami paring tao papasok sa mall kaya medyo nahihirapan akong hanapin ang babaeng yun.

“Nasa entrance din. Saang entrance ba? Back or front?”

“Aba malay ko!” Inis kong sabi sabay irap. Sino bang nagdecide na magkita kami sa harap ng shopping center kung saan ang dami daming tao? Diba siya? Duh.

“Gosh you're unbelievable, Gabi. Sa Maria's Kitchenette nalang tayo magkita. I'm hungry. See ya hubby!”

And just like that, she ended the call. My mouth gaped open sa sobrang inis. My gosh sapak baka gusto niya? Siya itong nagsabing magmeet kami sa harap ng shopping center and now she's asking me to meet her at MK? Okay whatever.

Naiinis man ay nagtungo parin ako sa restaurant na sinasabi niya. Kahit na naiinis ako sa kanya ay may part padin sa akin na gustong samahan at puntahan siya. A part of me wants to give her the chance she deserve but there's something inside na parang ayaw na siyang bumalik sa buhay ko. Weird as hell.

She's into GaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon