20: Warm fuzzies

4.3K 198 91
                                    


“Nakita mo?”

I can't look at his eyes. Nanatili lang akong nakayuko habang nakasandal sa sink, siya naman ay nakasandal sa pintuan ng cubicle sa harap ko at nakatingin lang ng diretso sa salamin ng boy's cr.

“Do you like her?” Kalmado niyang tanong.

Actually, ba't ngaba ako nagi-explain.

“Gusto mo ba?” Wala sa sarili kong tanong sabay tingin sa kanya. I saw his jaw clenched habang nakatingin parin sa repleksyon niya sa salamin.

“What do you mean?” He asked, confused.

“D-Do you want me to like her?” I asked. There's this part in my heart where it wants Kean to say no and tell me na gusto niya ako but that would be straight up impossible. He's straight.

There's something in his eyes na hindi ko alam kung ano. He's showing me no emotions at all kaya hindi ko alam kung anong nararamdaman niya. One thing's for sure though, I look so delusional and assuming right now.

“Do you like her?”

As much as I want to shake my head, there's a part of me who's feeling guilty for some reason. Siguro dahil yung part na yun din ang nagsasabing may gusto ako kay Briel and if I deny her just now, it would surely hurt her.

“Kean, I like you.” Yun nalang nasabi ko.

He sighed painstakingly bago ako malungkot na tiningnan. “That's not my question, Gabi.” Dumiretso siya sa sink at naghugas ng kamay.

“Ano bang gusto mong marinig?” Naiinis kong tanong. Tumigil siya sa paghugas ng kamay niya at nilapitan ako. Dahil sa gulat ay napaatras ako kaagad.

“The truth, Gabi.” Mariin niyang sabi. Ang lapit ng muka niya, I can feel his breath on my nose. Unlike Briel's strawberry mint flavor, ang panlalaki ng amoy niya. Amoy axe na mabango.

“I'm telling the truth.” Well, sort of right?

Nakita kong namula ang pisnge niya bago lumayo sa akin at dumiretso palabas. Iniwan pa ako sa loob. Sinubukan ko siyang habulin pero paglabas ko, hindi ko na siya makita. Saan naman kaya siya pumunta?

Naguguluhan na din ako dahil kay Kean. Ang paasa niya bwisit. Ba't ba ako umaasa sa kanya?

Nagpatuloy nalang ako sa paglalakad, pabalik sa room namin. My mind is torn between Kean's reaction and my feelings for Briel. Sumasakit tuloy ulo ko.

Napatigil lang ako sa paglalakad nang makita ko si Briel na nasa gitna padin ng field. I narrowed my eyes to see her clearly and I was right. Siya nga yung babaeng tumatalon talon sa field sabay ikot at sway pa ng hips.

“What the heck?” Bulong ko sa sarili ko saka mahinang napatawa. Sumandal nalang ako sa poste malapit sa akin at pinagmasdan siyang sumayaw sayaw sa field na para bang nanalo siya ng lotto.

“KINISS AKO NG CRUSH KO MAINGGIT KAYO!”

Rinig kong sigaw niya pa. May iilang estudyante tuloy na iniirapan siya at ang iba naman natatawa nalang sa kanya, gaya ko. Natatawa nalang ako sa ginagawa niya. Wala ba talaga siyang hiya?

Nang natapos na siya kakawala ay kumalma na siya. Inayos niya ang nagusot niyang damit saka malawak na ngumiti sa sarili. Lapitan ko kaya?

I crossed my arms saka lumapit sa kanya. I'm trying so hard to supress my laugh and smile pero habang papalapit ako ng papalapit, 'di ko mapigilang ngumiti. I always get warm fuzzies everytime I see her and it's unavoidable.

“Kakainggit naman.” Pang-aasar ko. Gulat siyang napalingon sa akin na para bang nakakita ng multo na cute.

“G-Gabi...” Namumula niyang sabi, nanlalaki padin ang mga mata.

She's into GaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon