26: Sober truth

4.6K 203 97
                                    



“Shit ang sakit ng ulo ko!”

Reklamo ni Briel habang nag-uunat. Tinaasan ko lang siya ng kilay kahit di niya naman nakikita. Kailan niya ba marerealize na naka-unan siya sa lap ko? Nag-unat unat pa siya bago niyakap ang bewang ko. I was stunned pero tumikhim lang aKo.

“Briel, gising na.” Sabay tapik ko sa pisnge niya. Mas humigpit lang ang yakap niya sa akin at mas siniksik pa ang ulo sa tiyan ko. Naka-horizontal na ito sa kama sa sobrang likot matulog buti nalang kanina pa nakauwi si Rini.

“Walang pasok, ma.” Rinig kong bulong niya. Tingnan mo napagkamalan pa akong nanay niya.

“May klase ngayong araw kaya gumising kana.” Bulong ko sa kanya. Paea naman siyang natauhan dahil napahiwalay siya sa tiyan ko at tiningnan ako.

“May klase?” Inaantok paring tanong niya. I can't helpt but laugh dahil namamaga pa ang mata niya dahil galing siya sa tulog. Pati pisnge niya lumobo pero ang cute niya padin.

“Oo kaya bumangon kana diyan.” Tumatawa kong sabi. She complained for a while pero kalaunan ay nanlaki ang mga mata niya. Ano nanaman kayang naisip ng bruha.

“Holy shit.” Para siyang napaso at tumayo agad mula sa pagkakahiga sa lap ko. Ngayon niya lang talaga na-realize? “Sorry, Gabi. Hindy ko alam as in. Sorry gagi.” Namumula niyang sabi ngunit agad din siyang napahawak sa ulo niya. Hangover.

“Masakit ulo mo?” Tumayo na ako at dumiretso sa mesa. Bumili na ako ng gamot kanina pagkatapos kong dumaan sa bahay para maligo at magbihis. Alam kong tatanghaliin ng gising ang mga 'to eh.

“Medyo lang, hangover yata.”

“Oh.” I gave her a glass of water pati gamot. Ngumiti lang siya ng malawak saka ininom ito.

“Asan sina Rini? Tim? Si Trevor tsaka yung kaibigan niya?” Nilibot niya ang tingin niya sa paligid at si Maxy nalang ang nakahandusay parin sa sahig at pilit binabalit ang sarili sa towel na nilagay ni Rini pagkagising niya.

Nakasalubong ko si Rini at Tim na inaalalayan sina Trevor at Rems pauwi. Hindi na daw nila ginising si Maxy dahil mukang ang sarap ng tulog.

“Umuwi na.” Naupo ulit ako sa kama at tiningnan siya.

“Ang sama naman nila para iwan si Maxy.” Sinilip niya ulit yung baklang nakahilata at nakabalot sa towel ang upper body. Ginalaw ko naman ang ulo ni Maxy gamit ang paa ko pero di parin nag-react ang bruha.

“Heavy sleeper yan. Di basta bastang nagigising.” Paliwanag ko pa. She just nodded. Patuloy lang ako sa pagtitig sa kanya at muka namang napansin niya dahil tinaasan niya ako ng kilay. Hindi niya ba maalala?

“Oh? Andiyan ka nanaman sa mga titig mong 'yan. Baka mainlab kana sa akin.” Pang-aasar niya na ikinataas ng kilay ko. So di niya ng maalala? Bwisit.

“Wala kang maalala?” I ask in disbelief. She shrugged innocently saka ako tiningnan.

“Bakit ano bang nangyari kagabi?”

I cross my arms. “Alalahanin mo.” Pagtataray ko. Hindi pa man lumilipas ang minuto ay biglang nawala ang emosyon niya. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig.

“Oh, okay.” Napayuko siya saka bumaba sa kama. Naalala niya pero ganun ang reaksyon niya? She should be glad right?

“Saan ka pupunta?” Tanong ko nang makitang nililigpit na niya ang mga gamit niya.

“Uwi na, may klase pa kami.” She smiled, pero di parin siya makatingin sa akin. Pagkatapos nun ay dali dali siyang lumabas, naiwan tuloy akong naguguluhan.

She's into GaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon