33: Bliss

4.2K 245 109
                                    


I opened my eyes only to be greeted by the rising sun.

Kanina pa ako hindi makatulog. Kanina pa ako nakapikit pero hindi parin ako makatulog. Maxy is sleeping peacefully beside me while Tim is snoring loudly katabi yung Connor.

Hindi rin nakatulong na katabi ko ang glass wall na may overview ng pool sa baba at beach naman mula sa kalayuan dahil sa akin talaga tumatama ang sinag ng araw. Sinubukan kong igalaw ang kamay ko pero sumakit lang ito.

Punching a wall is not a good idea.

Tumayo na ako nang makarinig na ako ng huni ng ibon. It's currently four thirty in the morning pero yung araw parang alas sais na.

Dahil bored ako ay napag-desisyonan ko nalang na mag-explore. Nagbihis muna ako ng simpleng shirt at shorts bago naghilamos. There's a bruise on ny cheeks pero tolerable pa naman ang sakit. My lips are also puffed. Bwisit.

Pagkalabas ko ay tahimik na hallway ang sumalubong sa akin. Ako palang talaga ang gising.

Sumakay na ako sa elevator. Nasa ikatlong palapag kami kaya medyo matatagalan pa ako. The elevator stopped on the second floor at nang bumukas yun ay isang pamilyar na muka ang sumalubong sa akin holding a kit that looks like a first aid kit.

“Gabi...” Briel started. Pipindutin ko na sana ang close button sa elevator pero mabilis siyang nakapasok kaya wala akong nagawa kundi ang hayaan nalang siya.

“Gabi...”

Nilingon ko siya. Trying so hard to keep a straight face. Mukang hindi rin siya nakatulog dahil magulo pa ang buhok niya, she's still on her pajamas at halata ang eyebags niya.

Hinintay ko siyang magsalita pero hindi na siya nagsalita pa so I ignored her. Sinubukan king ilibang ang sarili ko sa pagbibilang ng palapag sa button ng elevator. Kulang na ngalang i-add at subtract ko ang mga numero sa sobrang awkward ng atmosphere pero dahil ayaw ko sa math ay hinayaan ko nalang.

The door opened. Akala ko makakaligtas na ako sa kanya pero agad niyang hinawakan ang kamay ko at hinila sa kung saan.

“Gabriela...” Reklamo ko but she was too determined to drag me somewhere kaya wala akong nagawa kundi hayaan nalang siya.

Patuloy parin siya sa paghila sa akin hanggang sa makalabas kami ng hotel at makalabas kami ng resort. Kikidnapin niya ba ako? Hindi na ako bata. Except nalang kung baby niya ako.

Tumigil lang kami sa tapat ng isang cute café. Pagkapasok namin ay sumalubong agad ang napakabangong amoy ng kape at baked pastries. Ang tahimik ng loob dahil madaling araw palang but based on my observation, 24 hours yata yung café. Sa taas kasi parang lodging house.

Pinaupo niya ako sa isang mesa saka nilapag ang first aid kit niya. Wala paring umiimik sa amin. The only sound can be heard is the sound from the radio and some chatters from the staffs.

“You don't need to do that.” Pagtatampo ko kunwari nang kumuha siya ng cotton saka nilagyan ng alcohol. Briel gave me a glare before patting the cotton on my bruises.

“I won't be doing this kung walang baklang nakipagsuntukan sa lalaki.” She muttered making me roll my eyes. Yun lang talaga ang naalala niya kagabi? I wonder, nakainom pala siya kagabi. May naalala naman kaya siya?

“Buti may naalala ka, lasing ka diba?” I teased. Natahimik lang siya saka kumuha ulit ng panibagong cotton at nilagyan ng betadine. After that ay may kinuha siyang cotton buds at nilinisan yung putok sa may labi ko.

She's into GaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon