Chapter 3

25 1 0
                                        

Bumalik na si Jon sa Pilipinas kasama ang kanyang napaka Maaalalahaning kapatid na si Luke. Aba kung hindi ko lang mahal si Jon dati, baka si Luke na ang pinatos ko. Parehong pareho kasi sila ng ugali.

Sinundo ko si Jon sa Airport, Siyempre sabik na sabik ako sa kanyang pagbabalik.

" Hi babe! I really miss you " Priscilla Sabay hug

" Hello Priscilla " Jon

Nakapagtataka, bakit pangalan ko lang ang binanggit niya, parang nanlalamig ulit, hindi naman siya ganyan noon. Inihatid ko muna sila ni Luke sa bahay nila, dahil gusto ko makapag pahinga muna siya.

Priscilla

Bakit ganun? Parang may mali. Nanlalamig na si Jon sakin. Di naman siguro siya nagka amnesia, kasi kilala niya naman ako. Siguro pagod lang siya.

* Nag ring ang phone

" Goodnight ms. Beautiful. <3 "

From: Ivan

Agad agad naman akong nagreply, ewan ba parang may magnet tong si Bes.

" Goodnight din <3 "

Di ko alam bakit kakaiba yung nararamdaman ko, pero haler. Bestfriend ko kaya siya, Erase erase! Mali to.

Ivan

Bumalik na si Jon. Babalik narin kaya ang lahat? Babalik na rin kaya ang lahat sa dati? Wag naman sana.

Naisipan kong textsan si Priscilla. Sana di pa siya tulog.

*Nag ring ang phone

" Goodnight din <3 "

Aba himala ang bilis niyang mag reply. Makakatulog narin ako ng mahimbing.

Flashback

 

Ivan

Nabalitaan ko yung nangyari kay Jon. Pagkatapos din ng nangyari na yun, di ko na nakita si Princess. Talagang kailangan niya ng time. Di ako nakatanggap ni isang PM, Dm, Text, call galing sakanyan. Pinuntahan ko siya sa bahay nila pero sabi nila wala siya. Ni status update niya sa Fb wala rin. Grabe naman siya makipag cool off sakin.

Madalas kami nalang ni Bes Priscilla ang magkasama. Lagi ko siyang sinusundo at hinahatid, simula nung nalaman ko ang nangyari kay Jon. Every weekends din, kahit saan kami napapadpad. Madalas kaming mag out of the town, mag explore at mag enjoy. Marami kasi kaming problema and we need a break too.

Napahilig din ako sa Bar dahil kay Cilla, Yun ang time na hindi ko makakalimutam, Pareho kaming nalasing. Kaya di ko na siya naihatid sa bahay nila, Natulog nalang kami sa malapit na hotel sa may bar. Nagulat ako ng masabihan ko si Cilla ng I love you, at mas lalo kong kinagulat ng nag i love you too siya. Sobrang lasing namin, pero yun ang hindi ko makakalimutang sinabi niya.

Kinaumagahan, medyo naiilang ako sakanya dahil sa nasabi ko pero bakit siya parang wala lang. Nang tinanong ko siya kung may naalala siya kagabi, wala naman daw siyang naalala, hindi ko rin alam bakit ko nasabi yun, siguro dahil namimiss ko lang din si Princess.

Kada Gala namin, di mawawalan ng Selfie. Ewan nahawa narin ako sa pagiging Selfie Queen niya. Sabagay, magamda kasi talaga yung bes ko. Kaya maraming nagkakagusto sakanya. At ang pinaka favorite kong pinuntahan namin ay sa Palawan, sobrang nakakatanggal stress doon. Ilang days din kaming nag stay doon, ang akward lang, kasi napagkakamalan kaming mag jowa ng Bestfriend ko.

Ilang araw lang din ay bumalik na kami agad sa Manila. Nalaman ko rin na babalik na si Jon. Teka bakit parang di ako masaya? Bakit parang ayoko pa na bumalik siya?!

End of flashback

Monday morning

" Umaga na, Kailangan ko pang sunduin ang Mahal na Prinsesa " Ivan

Pagkatapos kumain ni Ivan at magbihis dumeretso na siya sa bahay nila Priscilla. Tinext niya naman si Priscilla na nasa labas na siya.

***************************

Bitin sweeties hehe. Abangan nalang natin sa Next Chapter, Kumusta na kaya ang magbestfriend? Babalik na kaya sila sa dati?

Votes and Comments sweeties :)

-Nik

Predict & BalanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon