Chapter 5

26 0 0
                                    

Priscilla

Madalas na kaming mag Photoshoot ni Ivan, Sabi kasi ng Manager namim, Mabenta raw kumbaga sa Twitter trending daw yung Love team namin lalong lalo na sa mga Teenager.

Ewan ba, pati sila kinikilig samin, alam naman nilang may kanya kanya kaming Boyfriend at Girlfriend.

Oo nga pala, dalawin ko nga si Jon ngayon sakanila.

" Goodmorning po Ma'am " Guard

" Goodmorning, andyan ba si Jon? " Priscilla

" Opo, andito po siya. Ano niyo po siya? "

" Girlfriend niya ako, baguhan ka siguro dito no? "

" A, kayo po pala ma'am nakarating na pala kayo ng Pinas. Opo mga 4 months palang po ako dito, tuloy ho kayo " Guard

Nagulat ako sa sinabi niya, di naman ako nangibambansa. Aaah, kasi nga baguhan palang siya. Dumeretso ako sa kwarto ni Jon nakasalubong ko naman si Luke.

" Ha-hi ate! " Luke

" O luke, bakit parang gulat na gulat ka? " Priscilla

" Oo nga ate e, nagulat ako, ang ganda kasi ng sumalubong saakin " Luke

" Ikaw talaga, kuya mo asan? " Priscilla

" Nasa Kwarto niya ate " Luke

" Osige, puntahan ko muna siya huh? " Priscilla

" Hi Babe, Kumusta na ang napaka gwapong babe ko? Nga pala, nagluto ako ng paborito mong pagkain. Lika kain tayo " Priscilla

" Osige, tamang tama di pa ako kumakain " Jon

" Hindi ka ba nabobored dito? Baka gusto mo minsan lumabas labas tayo " Priscilla, tanongniya habang sila'y kumakain.

" Oo nga e, medyo matagal na akong di pa lumalabas, balita ko Partner mo raw si Ivan sa Magazine " Jon

" Ay, O-oo babe. Di ko na masabi sayo, sa sobrang daming ginagawa at sobrang busy " Priscilla

" Madalas na pala kayong magkasama " Jon

" Naku si babe, nagtatampo ata. Kaya bilis bilisan mo na magpagaling para mamasyal na ulit tayo tulad ng dati " Priscilla

Kumain, nagkwentuhan at nag movie marathon, yan ang ginawa namin buong magdamag.

" Osiya babe, Kailangan ko ng umuwi. Maaga pa ako bukas, Pagaling ka huh? I love you! " Priscilla

" Osige, ingat. *Kiss sa pisngi" Jon

-----------------------------------------------------

" *Knock knock! Gising na Ms Beautiful! " Ivan

" Aaaah, huh? Ivan? " Priscilla. Sabay bukas sa pintuan.

" Puyat ata tayo a? Kain na kahanda na ang breakfast mo i mean natin " Ivan

" Oo dinalaw ko kasi si Jon kahapon, At abaaa, dito ka pa kakain. Loko loko ka talaga, halika na sabayan mo na akong kumain " Priscilla

Sa School

" Teka bes, naligo ka ba talaga? Tignan mo nga yang mukha mo. " Ivan, sabay pinunasan.

" Omay Gee, bagay talaga silang dalawa. Sayang mag bestfriend kasi sila " Student 1

" Oo nga e, nakita ko yung picture nila sa Maybe Magazine, ang Hot ni Ivan. Ganda naman ni Priscilla " Student 1

" Kung ano-ano pinagsasabi nila bes, lika na nga baka malate tayo " Priscilla

Pagkatapos ng klase ay dumeretso naman sila pauwi para makapagpahinga. Habang pauwi sila sa bahay nila.

Biglang bumuhos ang malakas na ulan, sabay tirik ng sasakyan. Sobrang sama ng lagay ng panahon. Lakas ng kulog at kidlat.

" Bes, dito ka lang. Aayusin ko muna to " Ivan

" Pero bes, I can call my driver para sunduin tayo dito. Sabay tingin ng phone *No signal " Priscilla

" Kaya ko to, saglit lang " Ivan

" Pero bes, baka magkasakit ka pa niyan. Sobrang lakas ng ulan. " Priscilla

Inayos na ni Ivan ang sasakyan halos umabot ito ng kalahating oras.

" Bes, tama na. Basang basa kana sa ulan " Priscilla. Agad agad niya naman itong pinayuangan ng karton

" Pumasok kana sa loob, diba takot ka sa Kidlat at kulog? Malapit na to matapos " Ivan

" Pero hindi kita pwedeng pabayaan dito " Priscilla

Agad agad namang nagbihis ng damit si Ivan. At pinasuot niya kay Priscilla ang extra niyang damit sapagkat basang basa na sila baka magkasakit pa silang dalawa.

" Bes, dito kana muna matulog saamin, masiadong delekado ang daan " Priscilla

" Oo nga Pogi, inihanda ko na ang kwarto mo " Yaya

Kaya naman doon nalang nagpalipas ng gabi si Ivan.

*******************

Masama kasi ang panahon saamin guys hehe.

Votes & Comments po Sweeties!

-Nik

Predict & BalanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon