Valerie's POV
"Kelly, saan na yung sinasabi mong ghost town? Kanina pa tayo palakad lakad pero hanggang ngayon hindi parin tayo nakakarating dun"
Panay reklamo lang ang inabot ni Kelly kay Aira. Si Kelly naman kasi ang may pakana ng bakasyon na 'to eh. Para naman daw maiba at gusto niya raw mag ghost hunting dahil marami daw ang gumagalang multo dun pag gabi.
"Aira sandali nalang ok. Ayon dito sa mapa kailangan daw nating dumaan sa gubat para marating ang Ghost Town. Kaya please, konting hintay pa ok."
Ayon daw sa mapa papasok daw kami sa gubat kaya heto kami ngayon tinatahak ang masukal na gubat na ito. Alas kwatro na ngayon dahil mga alas tres ng makarating kami rito. Hindi pa naman madilim kaya ok lang na pumasok sa gubat at sabi rin naman ni Kelly malapit kaya ayun.
"Guys wait. Tingnan niyo to oh." sabi ni Aira sabay pakita ng isang knapsack na bag.
"It seems na may nakapunta na dito na ibang tao maliban satin. Pero kapag titignan mo ang bag na ito mukhang matagal na itong narito sa gubat."
Posible bang marami nang nakapunta rito? Pero ang sabi ni Kelly ay liblib daw na lugar ito at sa isang friend niya daw nakuha ang source dahil konti lang daw ang nasa internet.
"Wag niyo nalang pansinin yan. Halina kayo at baka gabihin tayo sa daan. Nakakatakot pa naman dito sa gubat pag gabi."sabi ni Veronica habang niyayakap ang sarili.
Nagpatuloy kami sa paglalakad habang si Denz ay hindi parin gumagalaw sa kinatatayuan niya.
"Denz!! Halika na!"sigaw ni Aira.
"May nagmamasid sa atin." mahinang sambit nito."May mga taong nandito maliban sa'tin" dagdag pa nito.
"Wag mo nang pansinin yun Denz. Baka naman guni guni mo lang yun. Pinapakaba mo kaming lahat eh" sabi ni Leny habang hinahatak si Denz at nagsimula na silang maglakad.
Tumingin muna ako sa paligid at naramdaman ko ang pagtayo ng mga balahibo ko.
"Val, ayos ka lang?"tanong sa'kin ni Kelly.
"Ha? Oo naman. Ok lang ako." sagot ko sa kanya.
"Tara na?"
Tinanguan ko lang siya at nagsimula na kaming maglakad.
Denz's POV
Hanggang ngayon hindi parin mawaglit sa isip ko ang naramdaman ko kanina. May matang nagmamasid sa amin kanina habang naglalakad kami. Hindi lang isang pares kundi marami.
"Wag mo nang isipin yun, Denz. Malay mo mga bakasyunista rin yun"
"Oo nga Leny. Bakasyon ngayon kaya dapat yun muna ang iniisip ko"
Si Leny talaga ang pinaka close ko sa aming anim at pangalawa dun si Veronica.
"Matagal pa ba tayo Kelly?"
"Alam mo Aira, imbes na magtatatalak ka dyan eh kumain ka nalang muna nang tumahimik naman yang bunganga mo kahit konti"
"Ang harsh mo naman Nikz (Veronica)."
"Tumahimik na nga kayong dalawa" suway ni Kelly sa kanila.
"Ba't ang tagal?" reklamo naman ni Val.
"Yun nga rin ang pinagtataka ko eh. Kanina pa tayo nandito pero wala parin"sabi sa amin ni Kelly.
"Magpahinga nalang muna tayo guys. Pagod na ako eh" sabi ko sa kanila at naghanap na ako nang mauupuan.
BINABASA MO ANG
Ghost Town
RandomQuiet, creepy, and a place full of mystery and unanswered question... What is hidden beneath this place? Truth and lies ... What would you do if you happen to live in this... Ghost Town.