First Kill.

64 10 0
                                    

Kelly's POV

"Let's pick kung sino ang magsasama sama sa iisang tent" sabi ko sa kanila. Ako ang nagyaya na dito kami magbabakasyon kaya ako ang may responsibilidad sa kanila.

"I'll be with Aira"-Nikz

"Ok,so Aira and Nikz sa iisa kayong tent."

"I'll go with Leny" sabi naman ni Denz.

"Ok. Then Valerie. You'll be with me."

Tatlong tent lang ang dinala namin dahil alam kong magiging hassle kung tag iisa kaming mag dadala.

Nandito kami ngayon sa tapat ng isang Gusali. Yes, gusali. Nagtaka nga kami kung bakit may gusali sa loob ng kweba na 'to. Pagpasok mo palang sa gate ay mamamangha ka sa laki ng lugar na ito. Paano kaya nila ito nagawa.

"Guys gawa muna tayo ng bonfire." suggest ni Aira.

"May torch naman eh. Yun nalang ang gamitin natin. Let's save the flashlight for emergency use"- Leny.

Tumango naman kami at nagtayo na nang sarili naming tent. Grabe ang dilim dito. Mabuti nalang may mga torch. Eventhough hindi parin namin alam kung paano yun umilaw, still, we are thankful na kahit yun ay nakatulong sa amin.

"May kuryente kaya sila dito noon? Parang impossible naman yata diba?" komento ni Nikz.

"Well, malay mo mas modern pa ang technology nila kesa satin"

No one knows naman diba? Baka nga.

"So let's talk about this town. Ano ang alam mo tungkol dito, Kels?"

"Ok Denz. Guys listen up. This town has been abandoned for over ten years. Noon daw marami ang nakatira dito but wala silang alam kagaya nang anong klaseng pamumuhay ang meron. Hindi nga nila matukoy kung saan talaga ito but thanks to Nikz nakita niya ang lagusan. Tinawag nila itong Ghost Town dahil wala na raw nakatira dito."

"Saan sila nagpunta?" takang tanong ni Aira.

"Aira, patapusin mo muna ako ok?" tumango naman siya sakin."Walang nakaka alam kung bakit nawala ang mga taong nakatira dito pero marami ang nagsasabi na mga kulto raw ang mga nakatira dito kaya naman pinatay raw sila ng mga tao. Hindi ko alam kung totoo yun. Marami na rin daw ang naghanap at nabigo. So it means we are lucky."

"Nakatingin siya sa atin ngayon."

Kinabahan naman kami sa sinabi ni Denz. Kanina pa siya hindi nakikinig at nakatingin lang sa paligid.

"Denz, ok ka lang o gutom ka? Gusto mong kumain?"

Umiling naman siya at tinanggihan ang alok ni Leny.

"Kinakabahan na ako dito Kels. Gusto ko nang matulog."

"Tama si Valerie guys, matulog na tayo. Bukas na lang tayo ulit maglibot dito sa Town."

Sumang ayon naman sila sa sinabi ko at kanya kanya na kami sa pagpasok sa loob ng tent.

Well ang tent namin ay medyo malayo sa isat isa pero hindi naman sobra. Try lang daw if baka may mafeel kaming mga multo ng mga nakatira dito.

Nakakatakot man pero ika nga nila, majority wins.

Wala na akong nagawa.

Leny's POV

Nagising ako nang maramdaman kong wala si Denz sa higaan. Lumabas naman ako at nakita kong wala na ang iba pang tent. Mahilig talaga silang maglaro.

Ghost TownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon