Kelly's POV
"Kelly! Gising dali. Wala na ang ibang tent sa labas. Wala na rin sina Leny at Nikz."
"Hayaan mo na Val baka nag laro lang ang mga yun ng taguan"sabi ko habang nakapikit.
"Nag iisip ka ba ng mabuti Kel? Kung maglalaro sila maririnig natin yun. Boses palang ni Aira alam mo na eh. Pero tingnan mo. Tahimik oh"
Oo nga noh? Bakit ko ba nalilimutan ang lakas ng bunganga ni Aira?
"Oo na hintayin mo nalang ako sa labas Val."
Lumabas na si Val ng tent at naiwan ako sa loob. Shh...matutulog muna ako ha? Sandali lang naman eh.
Muli akong humiga at pumikit. Ilang sandali pa ay nakatulog ulit ako.
Valerie's POV
Naglalakad ako ngayon dito sa labas. Kanina ko pa hinihintay si Kelly pero hindi parin lumalabas eh. Kaya naman iniwan ko nalang at nauna na akong maghanap.
Kahit na umaga na dito wala paring pinagkaiba sa gabi. Inopen ko ang dala kong cellphone. 6:56 A.M. Cellphone kasi ang ginamit ko na ilaw. May flashlight naman to kaya maliwanag ang dinadanan ko.
Habang patuloy ako sa paglalakad ay may napansin ako sa medyo madilim na bahagi. Hindi na kasi abot ng flashlight ko sa phone. Pero sigurado ako sa nakita ko.
Isang paa ng tao at parang babae ang may ari nito. Napatigil ako at tumitig sa parteng iyon ngunit nang kumisap ang mata ko ay wala na ito.
Kung sino man yun alam kong masama ang balak niya hindi lang sa akin kundi sa amin.
Naramdaman kong may biglang dumaan sa likuran ko. Mas mabilis na ang tibok ng puso ko kesa sa normal na tibok nito.
Papalapit siya ng papalapit ngunit hindi parin ako gumagalaw sa sobrang kaba. Haharapin ko sana siya ngunit huli na ang lahat. Nakatakip ang isa nitong kamay sa bibig ko upang hindi ako makasigaw.
Dun ko rin nalaman na mali ang akala ko. Hindi siya babae kundi isang lalaki.
Gustong kong mapasigaw ng dahan dahan niyang hiniwa ang pisngi ko.
"Mmmmmmmmmm"
Unti unti nang tumutulo ang luha ko sa sakit na nararamdaman ko.
Naramdaman ko rin na dahan dahan niya akong sasaksakin ay inipon ko lahat ng aking lakas. At sa wakas ay nakawala na rin ako sa kanya at tumilapon ang hawak niyang kutsilyo. Hindi ko maaninag ang mukha niya dahil sa madilim na ang bahaging iyon at wala na rin ang cellphone ko.
Agad akong tumakbo at kinuha ang kutsilyo ngunit di ko napansing nakalapit na rin pala siya. Mas nauna kong nakuha ang kutsilyo at sinugatan siya braso. Naka suot ito ng jacket pero napunit iyon dahil sa talim ng kutsilyo.
Habang hindi nakayanan ng lalaki ang sakit ay kinuha ko na ang oportunidad upang tumakbo. Hindi ko na inisip kung saan ako pupunta ang tanging nasa isip ko lang ay ang makalayo.
Kelly's POV
"Ano ba Val! Tumigil ka nga!"
Walangya naman tong si Valerie oh! Gusto ko pang matulog pero hinihila niya ang paa ko.
"Val! Sabi nang tumigil ka eh!"
Sinisigawan ko siya habang nakapikit parin at nasa ilalim ako ng kumot.
Napakunot ang noo ko ng may maramdaman akong parang basa tapos malagkit siya. Napa balikwas naman ako ng bangon ng at kinuha agad ang kumot na nakabalot sa katawan ko.
Bakit may dugo sa paa ko?
Tapos mas lalo pa akong nagtaka ng makita kong bukas ang zipper ng tent. Hindi ba sinarhan to ni Val?
"Val?"
Nararamdaman kong may hindi magandang nangyari dito kaya lumabas na ako kaagad ng tent.
Kinuha ko ang cellphone sa bag at ginamit ang flashlight nito bilang ilaw sa paligid.
Walang tao. Totoo nga ang sinabi ni Val na wala na ang iba pang tent. Pero kung wala ang iba pang tent nasaan naman si Val?
At sino ang humihila ng paa ko?
"Psssst"
Sino yun??
"Nandito ako"
Lumapit naman ako kung saan nanggagaling ang boses at nang malapit na nga ako ay napansin ko ang pigura ng isang tao. Dahan dahan itong lumabas galing sa dilim
"Ahhhhhhhhhhhh!!!!"
*******
Very short UD. Pasensya na kung lame...
Please vote po or comment.
Follow:
@InfinityGirls_06
@gangstergirl_12

BINABASA MO ANG
Ghost Town
RandomQuiet, creepy, and a place full of mystery and unanswered question... What is hidden beneath this place? Truth and lies ... What would you do if you happen to live in this... Ghost Town.