Friend or Foe?

98 10 3
                                    

Kelly's POV

Hindi ko alam kung tatakbo ba ba ako o kung ano man pero parang buong daigdig na ang nakadagan sa akin dahil hindi na ako makagalaw sa kinatatayuan ko habang papalapit ang taong yun sa akin.

Masyadong malayo pa siya kaya hindi ko makita ang pisikal na anyo niya ngunit alam kong isa siyang tao.

Mas lalong lumakas ang sigaw ko nang makita ko na mismo ang mukha niya.

"Wag mo akong sasaktan." pagmamaka awa ko sa kanya. "Please...." sabi ko na halos mangiyak na sa kinatatayuan ko.

Mas natatakot ako sa pwede niyang gawin kesa sa itsura niya. Halos nakakahilakbot ang mukha niya. You can see its flesh with blood which his face was literally not covered with skin. Nakasuot siya ng loong sleeve shirt at pants kaya di ko alam kung ganun din ang iba pang parte ng katawan niya.

"Wag kang matakot. Hindi kita sasaktan."

Would that be suppose to lessen the fear that I am feeling? How come masisigurado kong di niya ako sasaktan. I even wary by his looks.

Isang karumal dumal na pangyayari ang dahilan kung bakit nabitawan ko ang hawak kong cellphone at nagpatindig balahibo sa akin.

"L-le-leny?" nanginginig kong sambit habang titig na titig sa isang bagay na itinaas ng lalaki.

Isa yung pugot na ulo. Pugot na ulo ni Leny. At may itinaas pa ito sa isa pa niyang kamay. Isang sako at may bakas ng mga dugo rito.

Binitawan niya ang sako at gumulong palabas ang iba pang parte ng katawan ni Leny at ang iba rito ay tumigil pa mismo sa paanan ko.

"Pinatay.....mo...si.....Leny...."

Valerie's POV

Patuloy parin ako sa pagtakbo at hindi ko na pinili pang lumingon. Hindi ko na ininda ang pagod na nararamdaman ko.

Kailangan kong maka alis dito pero paano ang iba ko pang kasama?

Napatigil ako sa pagtakbo ng mapadpad ako sa isang lugar na mas marami ang nakasinding torch. Hindi na ako nag atubili pa at pumasok sa isang bahay.

Napasandal ako sa pintuan at nanginginig kong kinapa ko kung pwede pang ma lock ang doorknob. Luckily, it can be.

Kinapa ko lahat ng bulsa sa suot kong jeans. Nawawalan na rin ako ng pag asa dahil alam kong hindi rin magtatagal ay mamamatay rin ako.

Nakuha ko ang isang pinlight na nasa isang bulsa. Nadala ko pala ito in case of emergency. Pero 'di ko inaasahan na ganito kalala ang emergency na paggagamitan ko.

Nanindig ang balahibo ko nang marinig ko ang nakakangilong tunog na nang gagaling sa pag sayad ng isang matulis na bagay sa sementadong daan. Hindi ko sigura kung anong klaseng patalim iyon pero alam ko na yun ang kikitil sa buhay ko.

Dahan dahan akong lumayo sa pinto nang masiguro ko nang naka lock ito ay lumapit ako sa isang cabinet. Malaki rin naman ito kaya alam kong kasya ako. Pinatay ko muna ang pinlight bago pumasok sa cabinet.

Papalapit ng papalapit ang nakakangilong tunog kasabay ng panginginig at patuloy na pagtulo ng mga luha ko sa aking pisngi.Alam kong once na makapasok ang taong yan ay ito na ang huling oras ko sa mundo pero nakahinga ako ng maluwag ng pahina ng pahina ng tunog at alam kong papalayo na ito sa kung saan man ang kinalalagyan ko ngayon.

Umalis na siya. Halos magbunyi ako na sa wakas ay mabubuhay pa ako.

Pinailaw ko ang hawak kong pinlight at napatakip ako sa bibig ko nang naka face to face ko mismo ang isang bangkay. Nanginginig na naman ako at mahinang napahagulgol. Hindi dahil sa nakita ko kundi sa iniisip ko na mangyari rin sa akin ang sinapit ng bangkay na ito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 27, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ghost TownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon