Great Love. Ang tagal din nating hindi nag kita, since elementary until 2nd yr college mag kasama tayo, you're my bestfriend, brother and all of me.
Naalala mo ba nung una tayong nag kakilala? May tumulak nun sayo sa swing, iyak ka ng iyak kaya nilapitan kita ang kaso akala mo ako yung tumulak sayo kaya sinapak mo ako.
Kahit ang liit liit mo nun ang solid ng sapak mo kaya umiyak ako tapos nilapitan mo ako.
"shino kaba kashi bakit mo ako nilalapitan? " tanong mo sakin. " Si Soonyoungie ako niaawa lang naman ako shayo kasi muiiyak ka " sagot ko at inirapan kita promise ang sakit nung pagkasapak mo sakin nun. "Bakit kashi mulalapit ka di naman kita bati? " sabi mo at nakacross arms kapa. " keya nga nikikipag kilala ako, Kwon Soonyoungie palalan ko ikaw? " sabi ko at lumapit sayo " ayaw kita kakilala" sabi mo at nag walkout ka kaya umiyak ako ng malakas tapos bumalik ka " Lee Jihoonie palalan ko batang pangit " sabi mo at tumakbo kana ulit. Kung hindi ako nag kakamali 5yrs old palang tayo nun. Tapos tinanong ko kala eomma kung may kilala silang Lee Jihoonie pero Wala kaya nalungkot ulit ako.
"Grade1 unang pasukan palang nakilala agad kita nilapitan kita pero di mo ako pinansin. Nalungkot ulit ako Pero di kita tinigilan diba? Gustong gusto kasi talaga kita maging kaibigan. Simula nun hindi mo na ako inaaway pag lumalapit ako sayo.
"grade6 graduation, tinanong kita Kung saan ka mag high school para dun narin ako "Ayokong kasama ka hanggang highschool Soonyoung patahimikin mo ako kahit apat na taon lang ' Sabi mo pero di kita sinunod. Tinanong ko parin sa parents mo kung saan ka mag eenroll.
"1st yr highschool may naging gf ako nun si Areum ang ganda ganda nya kasi talaga, diba kinukwento ko pa sayo kung gaano ko sya kagusto ang kaso ayaw mo ng ganung topic gusto mo lang kasi mag aral.
"habang tumatagal yung relasyon namin ni areum randam ko din yun pag iwas mo sakin, sabi nga nila wonu baka may gusto ka sakin ahaha diba #notoeggs at #yestoflower ka? Bakit naman mag kakagusto ka sakin?
"3rdyr nag break kame ni Areum kasi nahuli ko syang nakikipag halikan sa iba sa cr pa ng boys mismo binugbog ko yung lalaki pero ang masakit talaga dun pinag tanggol pa ni areum yung lalaki na yun. Galit na galit ka nun, nagulat ako nung sinampal mo si areum sa harap ng madaming studyante at kinaladkad ako paalis dun.
"Sabi ko naman kasi sayo di matino yung babae na yun" sabi mo habang ginagamot mga sugat ko "jihoonie mahal ko syaaaa" sagot ko kayo binato mo sa mukha ko yun icepack "alam mo ang panget mo na nga ang tanga tanga mo pa" sabi mo nag make face Lang ako " Pero kahit ganyan ka kinginaka mahal kita " nagulat ako nun akala ko misheard ko lang. "Kelan mo ba mapapansin na gusto kita kingina ka? " sabi mo ulit loading pa talaga sakin ang lahat kaso lumapit ka at hinakan ako agad. Nagulat ako oo pero hindi ako pumalag. "Soons ako nalang kasi" sabi mo. May nangyari nun satin. Grabe lang dahil hindi ako makapaniwala na yung first ko sa kapwa ko lalaki ibibigay ang bata pa rin natin nun haha pero yun yung isa sa mga masasayang bagay na nangyari sa buhay ko.
"4rthyr lalo tayong naging close, hindi lang best friend ang turingan natin daig pa natin friends with benefits pero wala tayong label basta palagi mo lang sinasabi sakin na mahal mo ako. Mahal din naman kita pero bilang kapatid. Siguro nasanay ako masyado sa affections mo kaya may nangyayari satin pero kaibigan lang talaga kita.
"2nd grading nun may babae ulit na nag papansin sakin si Yeosin, ang ganda din nun ey ang sexy pa kaya jinowa ko sya , nagalit ka iniwasan mo ako, kaya kinausap kita. Iyak ka ng iyak nun " tangina mo soonyoung ano lang ba ako sayo? Bakit mo ako ginaganito? Akala ko ba akin ka? Bakit may yeosin pa? " sinasapak sapak mo pa ako habang sinasabi mo yan pero niyakap lang kita "Sorry na promise hihiwalayan ko sya " Sinabi ko sayo at bumalik ulit tayo sa kung anong meron tayo. Kaso nga dahil masyado akong naoverwhelmed sa pag mamahal na binigay mo niloko kita ulit Hindi lang dalawang babae kundi tatlo, alam ko kasi nung mga panahon na yun pag sinabi ko sayong wala lang yun maniniwala ka. At naniwala ka nga palagi mong sinasabi sakin "Hanggat sinasabi mong mahal mo ako at ako lang ang mamahalin mo maniniwala ako " ewan ko pero hindi ako nakukunsensya sa ginagawa ko sayo. Hanggang sa bumalik ulit sakin si Areum tinanggap ko sya kasi gusto ko syang gantihan gusto kong maramdaman yung sakit na pinadama nya sakin dati kaya lang iba ang kinalabasan. Hindi ko alam na pupuntahan mo ako nung araw na yun sa condo ko. anniversary pala ng friendship natin yun at uninvite mo lahat ng close friends natin. " Surprise Happ-" hindi nyo naituloy ang sasabihin nyo dahil pag bukas nyo nung ilaw sa kwarto ko kaming dalawa ni Areum ang Nikita nyo. Tumakbo ka palabas. Hinabol kita kaso pinigilan ako nila Cheol hyung "Tangina ka! You fucked up Bigtime! " puros masasakit na salita pa ang sinabi nila sakin nun at alam kong deserve ko yun. Kinabukasan pinuntahan kita sainyo pero sabi ng eomma mo wala ka dun nasa busan ka daw kasama ng appa mo, alam ko naman na hindi totoo yun kaso anong karapatan kong mag matapang sa harap ng eomma mo. Hanggang mag graduation na hindi mo parin ako kinakausap. Kada lalapit ako naka abang si Cheol hyung. "Graduation day, Valedictorian ka. Yung speech mo talaga yung nagpa sapak sakin ng katotohang wala na talaga "Hindi ko ito makakamit kundi dahil sa tulong ng bestfriend ko, sya ang nag sisilbing inspirasyon ko bukod sa family ko, gusto Kong maging matagumpay para sa sarili ko at para sayo. Ang kaso tinanggal na kita sa listahan ng priority ko. Salamat sa 10yrs na pag kakaibigan. Masaya akong nakilala kita, pero makakabuti sakin kung kakalimutan na kita, salamat dahil ikaw ang dahilan kung bakit ako maligaya pero ikaw din ang dahilan kung bakit ito nawawala. Mahal kita pero Ayoko na sana maging masaya ka sa piling nya" habang sinasabi mo yun naiiyak ka kaya hindi ko na rin napigilan mapa iyak. Pag tapos nung ceremony Hindi na ulit kita Nikita, sa ibang bansa ka daw nag patuloy ng College sabi ng parent mo pero ayaw nila sabihin kung saan. Nababaliw na ako nung mga panahong yun. Gustong gusto kitang puntahan. Kaso sabi nila eomma tska na raw ako makipag kita sayo kapag may maipag mamalaki na ako. Kaya pinag buti ko ang sarili ko at sinikap kong maabot yung pangarap nating dalawa. Diba gusto mo maging Engineer ako at ikaw ang architect ko? Kaya ayun ang ginawa ko.
4 years past nag kita ulit tayo, sobrang saya ko kasi akala ko ito na ang comeback natin.
"Hi Soonyoung long time no see, " sabi mo " Ji, namis kita " sagot ko at niyakap kita, yumakap ka naman pabalik " the feeling is mutual " sabi mo, mag sasalita pa sana ako kaso may tumawag sayo "Jagi~" sabi nung babaeng dumating napatingin ka sakanya at ngumiti ka, yung ngiting sakin mo lang pinapakita. Tumayo ka at hinalikan mo sya "Jagi this is Soonyoung My friend, and Soons this is Regh My fiance " sabi mo na nag pasira sa mundo ko. "Jagi sya yung sinasabi mong magiging best man mo?" tanong nung babae. Napaluha nalang ako sobrang late ko na pala may nakaagaw na sa posisyon ko sa puso nya.
