Makena POV
"HAYOP KA TALAGANG BATA KA!!! NAPAKA INUTIL!!! WALA KANG SILBI!!!"sambit ng aking ina
"KALA KO PA NAMAN KAPAG KINUPKOP KITA MAY SILBI KA PERO WALA!!! PALAMUNIN KA LANG DITO BAT PA BA KITA KINUPKOP HAYOP!!!?"hayst lagi na lang kami ganto di ba sya nagsasawa
"Hayy nako Ma kung ako sayo dapat palayasin mo na yan wala naman dulot yan dito"sabi ng aking ate isa pa to kasalanan naman niya ang lahat e -_-
"Di ko yan pwedeng palayasin walang maglilinis dito sa bahay. Okay sana kung ikaw gagawa diba? Kaya di siya pwedeng umalis dito kailangan nya pagbayaran lahat, ako ang nagpalamon sakanya at nagbigay buhay sakanya??? Ikaw naiintindhan mo di ka pwedeng umalis?"giit ng aking ina
"Opo."mahinahon kong sabi at dumeretso na ako sa kwarto at nilock ito.
Nagsasawa na ako sa bahay na ito gusto ko na umalis sa totoo lang, pagod na ako kakaintindi sakanila oo, nagpapasalamat akong inampon nila ako 17yrs nila ako inalagaan pero never namn nila ako binigyan ng importansya.
Ohh by the way I'm Makena Villafuerte, 17 yrs old nagaaral sa San Jose Academy, gr.12 senior high school student sorry pala sa nangyare kanina sa totoo lang kasi kaya sobrang galit si mama, well always naman yun galit sakin wala naman nagbago pero alam ko nagtataka kayo kung bat di ako nagdadrama sawa na ako umiyak, magdrama ganun, kasi wala naman mangyayare kahit anong gawin ko nakakasawa lang.
Ang totoo kasing nangyare pinatawag si mama sa school well parehas kami ng school na pinapasukan ni Ate at magkaedad lang kami ni ate pero hindi kami magkaklase, buti nga eh hindi kami magkaklase kundi wala na sira na talaga buhay ko
Ewan ko ba bat ko natitiis ang pamilyang ito siguro dahil sa wala din ako magagawa wala akong matutuluyan ni wala nga akong kaibigan eh, lagi kasi akong sinisiraan ni ate mukha ngang sa buong school sirang sira na ako -_-
By the way si Mama kasi sobrang bait nya talaga sa mga anak nya syempre totoong anak nya yun, ako lang naman ang hindi, si Papa naman walang paki un kahit nga binubogbog na ako ni mama wala lang sakanya si Ate di mo masabi kung anong problema nya sakin lagi nya akong sinasabihan na malandi maharot -_- di ko alam kung anong dahilan para sabihin nya yan, si Kuya naman napakamanyak nya talaga biruin niyo balak pa naman akong rapin buti na lang hindi natuloy.
Nakapagisip isip na ako aalis na ako sa bahay na ito ayaw ko na, siguro aalis ako ng umaga tulog naman sila mga ganung oras, para di nila ako mapansin para makaalis na ako.
Natigil ang pamumuni ko ng biglang may kumatok.
"Sino yan"sabi ko
"Kuya mo to? Baka kailangan mo ng kausap andto lang ako"shet si kuya ano gagawin ko
"Ahhhhh....kuya pasensya na antok na ako tutulog na ako maaga pa ako bukas"mabilis na sabi ko sabay patay ng ilaw nakarinig naman ako ng yapak ng paa parang umalis na sya dapat na ata ako matulog at aalis na ako sa bahay na ito....
~~~~~~~~~~~~
A/N: Thanks for reading I hope na nagustuhan nyo ang unang chapter iloveyou all
DON'T FORGET TO VOTE
BINABASA MO ANG
I'm The Lost Princess #1 [COMPLETED]
FantasyNormal na buhay. 'Yan ang akala ni Makena na magiging buhay niya; buhay na mayroon ang mga tao katulad niya. Na nagagawa at nasasabi ang gusto nila, lahat ng maaari mo pang maisip. Pero 'yun ang akala niya. Dahil ang totoo, simula palang nung una, h...