00

1K 39 7
                                    

Heto ako ngayon nagninilay-nilay habang palakad-lakad sa kahabaan ng siyudad. Hindi ko alam kung saang parte na ako ng Maynila napadpad.

Hindi alam kung saan ako patungo. Walang direksiyon. Parang buhay ko. Kumbaga, hinahayaan ko lang ang sarili kong tangayin ng hangin kung saan man ako nito dalhin.

Pero kahit na ganoon, kahit na ang buhay ko'y walang katiyakan. Umaasa pa rin akong sa dulo ng mahabang daan ay may naghihintay sa aking malaking opurtunidad. Mahal ko ang buhay ko kahit minsa'y nakakapagod na.

Tuloy-tuloy lang ako sa aking paglalakad ng may sumitsit sa akin. Hinayaan ko nalang dahil baka tambay lang 'yon na walang ibang mapagtripan. Letsugas din 'tong mga taong mahilig magcatcall, e. Akala nila nakakatuwa? Nakakakaba kaya. Sarap tuloy nilang ilibing ng buhay.

Nagulat ako ng may malalaking kamay na pumulupot sa leeg ko.

“Holdap 'to, Miss. Akin na 'yang bag mo!” giit nito.

“Hindi mo na ako kailangang pwersahin. Ibibigay ko naman talaga,” asik ko sa kaniya.

Ilang minuto rin siyang natahimik na parang tinitimbang kung nagsasabi ba ako ng totoo. Maya-maya pa ay naramdaman ko na ang pagluwag ng kaniyang nakapulupot na kamay sa leeg ko pero hindi pa rin ako nito binibitawan.

“Akin na!” madiin niyang utos. Ang taray naman ng holdaper na 'to kung makapag-utos, nagmamadali? Ibinigay ko sa kaniya ang aking sling bag na nabili lamang sa ukay sa halagang sampung peso pero bago ko pa man ibigay ay nag-iwan muna ako ng request sa kaniya.

“Kuya, pwede bang pati problema ko nakawin mo na rin?” pagtatanong ko sa kaniya. Nagbabaka-sakali lang naman ako. Malay natin, 'di ba?

“Nagrereklamo ka ba?” may galit na sa kaniyang pananalita.

“Hindi, a. Nagsusuggest lang.” kuntodo kung iling. Baka ma-jombag ako nito ng wala sa oras.

“Mabuti dahil wala kang karapatan. Noong ninakaw niya nga ang puso ko, nagreklamo ba ako?” pagtatanong niya sa akin. Iba rin ang holdaper na ‘to. Kapos sa pera pero hindi sa lovelife.

“Malay ko. Lovelife mo iyan kaya ikaw iyong mas higit na nakakaalam. Bye, Kuya! Ingatan mo iyang bag ko!” paalam ko sa kaniya bago tumakbo. Tanga rin ‘tong si Kuyang holdaper, e. Mabuti nalang at may bente pesos pa ako rito sa bulsa ko, nandito pa rin ang telepono ko.

“Hoy, bakit walang laman ito?” sigaw niya. Sumulyap ako sa aking likuran at nakita kong hinahabol na ako nito. Nah, patay na jud ko ani!

Ginamit ko ang aking angking kakayahan sa pagtakbo. Mabuti nalang at mabilis ako sa larangang ito. Salamat naman at napraktis ko rin ito noong bata pa ako—tinatakbuhan ko kasi si itay pag nakikita kong may dala na itong sinturon, tsinelas, o kung anong pamalo ang unang makuha ng kaniyang kamay sa tuwing nalalaman niyang tumakas na naman ako. Pero ang totoo, ‘di niya naman talaga ako sinasaktan, panakot niya lang ‘yon. Pati rin si inay na sa tuwing may inuutos ay mabilis pa sa kabayo ang aking pagtakbo.

Huminto ako ng makita ang layo ng agwat namin ng holdaper. Bakit pa nga ba ako hinahabol nito? Nakuha niya naman ang gusto niya. In the first place, bag lang naman ang kaniyang hiningi so that's what I gave him tapos nung nalamang wala itong laman uungot-ungot? Aba, matuto kasing i-specify.

Hawak-hawak ko ang aking malusog na pakwan-dibdib habang nakabuka ang aking bigbig para gumagap ng hangin. Kung may makakakita sa akin dito baka pagkamalan pa akong hinihingal na aso.

Tumingin muli ako sa aking likuran at nakita na malayo pa rin si kuya. Bakit ang bagal niya naman ata? May checkpoint, may traffic, o may diabetes?

The Broken Hearts ClubTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon