Idol 3

774 14 10
                                    

CHAPTER 3: CONCERT

Ella's POV

"HAPPY BIRTHDAY BES!!" Sabay naming bati ni Hyejin sa isa't isa at sabay ring tumawa. Oo, Magka birthday kami

"Thank you bes!" Sagot ko at niyakap si Hyejin. Ganun din naman ang ginawa niya sakin

"Pasok na tayo?" Tanong ni Hyejin. Tumango naman ako at pumasok na kami sa classroom

Nang matapos ang klase ay nagstay kami sa isang ice cream parlor para i treat and isa't isa

"Ang galing talaga bes noh? Magbesty na tayo tapos sabay pa birthday natin tapos pareho pa tayong ARMY....Our compatibility is no joke" Sabi ni Hyejin at ngumiti at sumubo ng ice cream niya

"Oo nga e. Regalo ko pala?" Natatawang tanong ko sakanya

"Regalo ko muna?" Sagot niyang tanong saakin

Tumawa nalang naman ako....syempre surprise yung regalo ko

"Tara na? Naghihintay na kasi yung parents mo saka yung parents ko sa bahay niyo. Pinag sabay na nila yung birthday natin" Sabi ni Hyejin at tumawa ng bahagya

"Tara" Sagot ko at tumayo

Sinundo naman kami ng driver nila at nag drive na diretso sa bahay namin. Pag pasok namin doon ay nandoon silang lahat

"HAPPY BIRTHDAY!!!" Sabay sabay nilang sigaw kasabay rin ng pag sabog ng confetti

"Thank you!" Sabay naming sabi at niyakap silang lahat

"Tara na kain na tayo! Alam naming gutom na kayo! Halika na!" Sabi ni mama at binigyan kaming dalawa ng plato. Binaba muna namin ang bag namin sa sofa at kumuha na ng pagkain....Ang daming cookies huhuhu....Hindi niyo naitatanong, Mahal na mahal ko yung cookies. Bawat okasyon yan lang yung madalas kong lantakan

Pagkatapos namin kumain ay naupo kaming dalawa sa stairs sa harapan ng pinto namin habang kumakain pa yung iba sa loob

"Happy Birthday bes!" Sabi ni Hyejin at niyakap ako "Basta bes! Kahit anong mangyari, nandito lang ako palagi! At gusto ko sabay nating aabutin lahat ng mga pangarap natin, bes!" Sabi niya at mas niyakap ako

"Hmm...Regalo ko. Sana magustuhan mo" Sabi ko sakanya at niyakap din siya pabalik at iniabot ang isang maliit na box

"Happy Birthday" Sabi ko pa at ngumiti. Ngumiti rin naman siya at binuksan iyon. Alam kong sobrang dami niya ng necklace na alam kong totoong gold at silver....Pero pinag ipunan ko kasi yung necklace na nakita namin nung nag window shopping kami sa isang mall....Isa iyong totoong white gold na may pendant na maple leaf. She loves Canada.....swear

"Waahhh!!!" She said and hugged me again and in verge of crying "I love you talaga!! I love you so much!!" Sabi niya at oo....tumulo na yung luha niya

"Ano ka ba! Bakit ka umiiyak?! Nababaliw ka na ba?!" Sabi ko at pinunasan ang mga luha niya

"Thank you bes!! Thank you so much!!" Sabi niya pa

"Uyy" Sabi ko at tumawa "Huwag ka ngang ano" Sabi ko pa at niyakap siya

"By the way bes....Ito yung regalo ko" Sabi niya at hinawi ang mga luha niya at may inabot saakin na pahaba na card at may nakasulat na note

'Happy Birthday Bes!! I Love You So So So Much!!'

Napangiti naman ako sakanya at binuksan ang card

Pagbukas ko ay tumambad saakin ang isang papel na hindi ko inaasahang makikita ko

Concert Ticket.....ng BTS

Hindi ako makagalaw sa nakita ko at nakatitig lang sa ticket na iyon.....Is this....serious?

"Uy bes!" Napatingin naman ako sakanya at niyakap siya...."Sa Sabado na yan. Be ready ha? Makikita mo na si Kookie" Sabi niya at tumawa "Tara kain tayong cookies! Favorite mo yon diba?" Sabi niya pa. Sabi ko at tumango sabay tawa...parang baliw lang

Habang naglalakad kami ay naiiyak parin ako....Anong ginawa ko sa past life ko at nangyayari ito sakin? Bakit ang swerte ko?

'Hindi ka swerte, Ella! Mabait ka kaya yan nangyayari sayo! Ang galing ko talagang guardian angel!' Bulong ng guardian angel ko sakin na nagpangiti saakin 'Thank you!'

"Oh cookie" Abot niya ng cookie sakin at sinubo saakin iyon. Natawa naman ako at sinubuan rin siya na ikinatawa niya rin

I'm really lucky to have this girl.....She's really....a keeper

*DAY OF THE CONCERT*

"Please Fall In Line" Sabi ng staff saamin kaya pumila kami ng maayos. Sa harapan kami....Oo, VIP Standing

"Excited na ako bes!" Sabi ni Hyejin at ngumiti "Ako din naman e" Sagot ko sakanya

Nang makapasok na kami at nasettle na sa pwesto namin ay bigla siyang nagcling sa braso ko. Tapos na silang mag ayos. Ilang minuto nalang actually start na

"Bes...Kinakabahan ako" Sabi niya "Oh? Akala ko ba excited ka?" Tanong ko sakanya at inayos ang mga ARMY BOMB namin. Niregaluhan ako nila mama kahit alam kong mahal and I thanked them a lot for that. Si Hyejin naman matagal ng meron

"Get ready. We are going to start in 10 Minutes" Anunsyo sa loob ng stadium na mas ikinahype ng ilan

Nagsimula namang tumutog ang Boy In Luv na nagpakanta sa maraming ARMYs. Sumabay na rin kami sa pagkanta

"ggwak jaba nal deopchigi jeone....nae mami neol nohchigi jeone...Say what you want....Say what you want" Sabay naming kanta habang tinataas ang ARMY BOMB namin

Ilang sandali pa ay huminto ang kanta na nagpasigaw ng sobrang lakas sa ARMYs

Magsisimula na........

Biglang nagdilim ang paligid at tumugtog ang background music ng N.O

Ito na.....ito na.....Hindi ko alam pero hindi ako nakapaniwala sa mga nangyayari.....Hindi ako makapaniwala na nakikita ko sila

"Bess!!! Ang gwapo talaga nung asawa ko!! GO ASAWA KO!! I LOVE YOU!!" Sigaw ni Hyejin sa tabi ko habang ako....ganon parin.....nakanganga na nagspa-sparkle yung mata habang nakatingin sakanila

I can't just believe......

It's a dream come true......

------------------------------

Idol|JJK|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon