CHAPTER 8: CELLPHONE
Third Person's POV
Nagising si Jungkook nang tumama ang maliwanag na sikat ng araw sa mukha niya. Napadilat naman siya at inalala ang nangyari kagabi
"Shet" Tangi niyang nasabi at tumingin sa gilid niya at nakita ang isang babae na nakatalikod habang nakabalot silang dalawa ng makapal na kumot. Dahan dahan niya namang hinarap sakanya ang babae at hinawi ang buhok niyang nakapanpan sa mukha niya
"Shet ulit" Wika ni Jungkook nang makita ang pamilyar na mukha ng babae
"Ella?" Tanong niya sa sarili "Bakit siya? Teka....Ibig sabihin...Oh man holy sh*t!" Wika ni Jungkook nang marealized niya ang mga nangyari....Kasabay ng pag iisip niya ay ang pag sakit ng ulo niya
"Ganun na ba ako kalasing para hindi ko mamukhaan si Ella? Tsaka....Bakit ba nandito siya sa bar?" Tanong pa ni Jungkook sa sarili niya habang hawak hawak ang ulo niya dulot ng hangover
Naisip niyang mag shower muna at mag paliwanag kay Ella pag nagising na ito. Tumayo na siya at pasimpleng pumasok sa banyo
Pag pasok naman niya sa banyo ay ang saktong pag mulat ng mga mata ni Ella
Nagulat naman si Ella sa nakita niya.....Mga damit na nagkalat sa sahig, gulo gulong kama, magulong buhok, hangover, naked body.....
'Ginawa ko ba talaga yun?' Tanong ni Ella sa sarili nang marealized niya ang ginawa niya....Nakipag one night stand lang naman siya sa lalaking hindi niya kilala....Or worse baka babae pa 'to o tomboy.....Pero pang lalaki naman ang damit at ang amoy kaya malamang lalaki nga iyon
Hinanap ng mga mata niya ang lalaki ngunit narinig niya lamang ang tunog ng pagbagsak ng tubig mula sa banyo at alam niya ng nandoon iyon
Ginamit niya ang tsansang iyon para mag bihis at lumabas ng kwarto kahit na masakit ang katawan niya....Halos ika ika siya kung maglakad hanggang sa makita niya ang bisikleta niya sa labas ng bar
Pinilit niyang padyakin ang bisikleta at nagtungo sa bahay nila Hyejin na alam niyang malapit lang doon
"Dapat pala kila Hyejin nalang ako dumiretso kagabi...Hindi ko naman alam na ganun pala ang mangyayari" Sabi ni Ella sa sarili habang pinipigilan ang pag iyak niya
Bakit ang sakit para sakanya ng nangyari? Malamang! Nawala ang pag kabirhen niya na ipinangako niyang sa magiging asawa niya lamang iyon ibibigay.....Nawala ang dangal niya bilang babae dahil sa isang bar iyon nawala.....Hindi niya pa kilala ang lalaking nakagalaw sakanya.....And worse...Baka magbunga iyon at hindi siya handa
She's devastated....Really devastated...She's thinking what will be her life and her child's life if she's alone....
"Ella bakit kasi hindi ka muna nag isip bago ka pumunta don?! Nagpadala ka kaagad sa emosyon mo!!" Sumbat niya sa sarili na ikinatulo ng mga luha niya
"Wala na.....wala na" Sabi niya pa at mas lalong tumulo ang mga luha niya na ikinahinto niya sa pagpepedal
"Ang tanga tanga mo kasi Ella e! Paano ka na niyan? Naisip mo ba yan bago mo gawin yun?!" Tanong pa ni Ella sa sarili at naupo sa gilid ng daan habang umiiyak at nakayuko
Lumabas naman si Hyejin ng bahay nila at saktong nakita si Ella mula sa malayo
"Si Ella ba yun?" Napag alaman ni Hyejin na si Ella iyon mula sa bisikleta niyang white na may basket na may pink na malaking ribbon. Agad niya itong nilapitan at nakumpirma niya ngang si Ella iyon
BINABASA MO ANG
Idol|JJK|
FanfictionWhat will you do if you found out that the father of your son is your ultimate idol....hmm? "I promise to love you every each day of my life....Not as my fangirl or your idol...But as my wife and your husband" -Jeon Jungkook COMPLETED❤️ written by:...