EPILOGUE
Third Person's POV
"Ang typical ng story bes. Ibahin ko kaya bago ko ipublish?" Sabi ni Ella sa kaibigang si Chloe "Nababaliw ka na ba? Ang ganda ganda nung story mo! IDOL, Jeon Jungkook FF. Cinareer mo talaga noh? Parang lahat ng pinangarap mong mangyari sa totoong buhay sinulat mo dun!" Sabi naman ni Chloe
Kakatapos lang basahin ni Chloe ang sinulat na istorya ng kaibigang si Ella tungkol sakanila ng idol niyang si Jungkook. Matagal na talaga silang fan ng BTS o Bangtan Sonyeondan na sikat na boygroup mula sa South Korea. Pero ni isang beses ay hindi pa nila ito nakita sa kadahilanang wala silang pera at taga Pilipinas sila
"Alam mo bes? Minsan nakakawala na rin ng pag asa na makikita natin sila. Unang una, dalawa tayo sa mga sandamakmak na senior highschool na broke. Mga walang pera. Nakakatawa nga bes, ginawa mo akong mayaman dun sa story mo? Tapos ikaw ginawa mong panadero yung nanay at tatay mo? E pareho namang panadero yung nanay at tatay natin" Sabi ni Chloe at nahiga sa damuhan sa tabi soccer field ng school nila
"Eh ganun talaga. Atleast nafeel mo yung feeling na yumaman diba? Atsaka yumaman din naman ako ah? Nung nakilala ko yung tunay kong nanay dun sa story" Sabi naman ni Ella at nakihiga na rin
"Bes....." Simula ni Chloe "Kailan kaya natin sila makikita?Lalo na sobrang hirap na nilang abutin ngayon. Sikat na sikat na sila" Tanong niya at natingin sa gilid niya kung nasaan si Ella. Naging fan kasi sila nung bago bago pa ang BTS
"Wag kang mawalan ng pag asa bes. Darating din yung panahon na yun. Makikita natin sila. Isa nga yun sa dahilan kung bakit tayo nagaaral ng mabuti diba? Para maachieve natin yung mga pangarap natin tapos makikita natin sila" Sabi ni Ella "Wag kang mag aalala bes, Makikita din natin sila. In God's perfect time" Sabi pa ni Ella at tumingala
"Sana nga. Oo nga pala bes? Anong plano mo sa debut natin? Sa bahay niyo o sa bahay namin?" Tanong ni Chloe sa kaibigan. Sabay sila ng birthday kaya ang nilagay din ni Ella sa storya niya ay sabay sila ng birthday. Marami pang bagay ang totoo sa storya na iyon, si Chloe o pinangalanan niyang 'Hyejin' sa storya niya talaga ang nagpakilala sakanya sa BTS noong highschool sila. Anak rin siya ng mag asawang panadero at may apat rin siyang kapatid pero kabaligtaran naman nun ang ugali ng ate niya. Close na close sila ng ate niya, infact ARMY rin siya. Totoo ring si Namjoon ang bias ni Chloe at may notebook siya na BTS na ipinahiram niya kay Ella na nagbigay tulay para mapasama si Ella sa ARMY. Ang mga sinulat niya sa storya na laman ng notebook ay totoo, ganun talaga ang laman ng notebook na ipinahiram sakanya ni Chloe. 'Lee' talaga ang tunay niyang apilido. Carmella Angeline Lee. Hindi niya alam kung bakit Lee pero ang kwento sakanya ang parents daw ng lolo nila sa father side ay Korean kaya nakarating sakanila ang apilidong Lee. Ang hindi totoo sa istorya niya ay nung nakita niya ang BTS sa concert at fanmeeting at hanggang sa matapos na iyon.....Na hinihiling niyang sana ay totoo. Ginawa niya ang storyang iyon para mailabas niya lahat....lahat ng feelings at thoughts niya, Kung ano ang mga gusto niyang mangyari. She is a fangirl afterall, You can't blame her
"Ikaw ba? Saan mo ba gusto? Hindi naman ganun kalaki ang handaan. Magluluto lang si mama ng mga ulam tapos isasayaw lang ako nila lolo, tito, papa at ni kuya. Ganun ka rin naman" Sabi ni Ella sakanya "Sabagay....Pero dapat paghandaan parin natin! Aba? Isang beses lang 'to sa buong buhay nating nga babae" Sabi ni Chloe
"Ewan ko" Sabi ni Ella at bumangon "Bes uwi na tayo! Gabi na oh! Alas sinco na pala" Sabi ni Ella at tumayo na at tinulungan si Chloe na makatayo
Pagdating nila sa bahay nila Ella ay nakita nila ang hindi pamilyar na kotse na nakaparada sa harapan ng bahay nila. Pagpasok nila ng bahay ay nakita nila ang isang payat at maputing babae at isang matipunong pangangatawan na lalaki. Maputi rin ito at nakasalamin. Tumayo sila nang makita nila ako
BINABASA MO ANG
Idol|JJK|
FanfictionWhat will you do if you found out that the father of your son is your ultimate idol....hmm? "I promise to love you every each day of my life....Not as my fangirl or your idol...But as my wife and your husband" -Jeon Jungkook COMPLETED❤️ written by:...