CHAPTER 4: FRIEND
Ella's POV
"Thank you po tita! Babalik po kami before 6:00pm! I love you talaga Tita Haewi! Tara na tara na bes!" Sabi ni Hyejin at hinihila ako
"Babye ma! I love you!" Sabi ko at niyakap siya at hinalikan ang pisngi niya at nagpadala na kay Hyejin
Mas naging active kami lately ni Hyejin sa mga fan gatherings ng BTS lalo na't school vacation ngayon. Pinapayagan naman kami ng parents namin dahil kasama namin ang driver at minsan ang mommy ni Hyejin. Minsan kasama ko rin si kuya....Oo, may kuya ako
"Anniversary Fan Gathering yun bes diba?" Tanong ni Hyejin habang nagtitipa sa cellphone niya
"Oo" Maikli kong sagot "Bakit?" Tanong ko "Wala naman" Sabi niya at kinuha ang neck pillow niya
Tahimik kami sa buong biyahe. Natutulog siya habang ako naman ay nakikinig sa ilang kanta ng BTS. Their songs are really mesmerizing....their voices to be exact. Their vocals are no joke even their raps are nice
"Butterfly~ Butterfly~" Pag sabay ko sa kanta nilang "Butterfly" na favorite ko talaga. Gusto ko kasi yung message nung kanta at syempre yung mga boses nilang mala anghel
Di ko namalayan ay nakatulog na ako sa biyahe
"Bes! Bes! Kanina pa kita ginigising! Gusto mo ba si Jungkook pa manggising sayo?!" Sabi ni Hyejin na kanina pa ako inaalog "Nandito na tayo bes" Sabi niya pa habang inaayos ang ponytail niya
"Ay sorry" Sabi ko at bumangon na. Tinanggal ko ang earphones ko at inayos ang sarili ko. Paglabas namin sa sasakyan nila ay naabutan namin ang haba ng pila ng mga fans. Ang iba ay may dalang Army Bomb at ilang merch. Mga headband na may personalized picture ng BTS. Mga banners at posters at kung ano ano pa
Ganito palagi yung scene ng buhay ko simula nang maging ARMY ako
"Oh ticket mo bes. Pumapasok na sila" Sabi ni Hyejin at inabot saakin ang ticket ko. Nag sa-summer job kami ni Hyejin bilang waitress sa isang cafe. Pinayagan naman siya ng parents niya. Yun din yung ginagamit ko pambili ng merchs ko at tulong na rin sa parents ko. Scholar din naman ako kaya ako na rin yung nagbabayad sa school expenses ko. Alam ko kasing di dapat parents ko yung nagbabayad sa mga wants ko kaya nagtatrabaho ako para sa wants at sabi naman nila sila sa needs but I insists. Minsan ako rin yung nagbabayad sa needs ko lalo na pag school needs.....Knowing na 5 kaming magkakapatid
Napagsasabay ko rin ng maayos yung studies ko at pagiging ARMY ko. Actually they gave me inspiration. Sa lahat ng pinagdadaanan ko, may saktong kanta para doon. Yun actually yung nagustuhan ko sa BTS. They focused more on Youth Problems and other stuffs. They aren't just singers and rappers, They are role models
"Ticket?" Tanong ng isang babae na mukhang staff sakin. Inabot ko naman iyon at may pinunit siyang part at inabot ang tira sakin "May purpose po yan ha? Wag niyo pong itatapon" Sabi niya at ngumiti sakin at sumigaw ng "Next!"
Tinignan ko naman ang ticket
BTS Anniversary Fan Gathering
Win a FREE ticket to the upcoming SPECIAL BTS FANMEETING in ***** this coming June 13, 20**!
Participate to our project 'Free BTS FANMEETING ticket' available for all ARMYs nationwide
Your ticket number is 141
Your seat number is 378
Name: Lee Ella
Address: Seoul, South Korea
Phone Number: +63978546221545 (A/N Fake lang 'to ha? Baka tawagan niyo OMG)Oh? Free fanmeeting ticket?
"Maam ano pong number ng seat niyo?" Tanong ng isang staff saakin
"378 and 379 kami" Sagot ko
"This way po maam" Sabi niya at sinamahan kami sa seat namin. Pag dating namin don ay naupo na kami "Maya maya lang po maam, magsta start na tayo" Sabi niya na ikinangiti namin
Tinapos lang ang pila sa labas at nagstart na rin kaagad
"Good Evening ARMYs! We are the BTS ARMY SEOUL CHAPTER and we are hosting this fan gathering to celebrate the upcoming BTS ANNIVERSARY. Thank you for coming and we planned everything. Hope you all enjoy" Sabi ng isang host. Pumalakpak naman kami at sumigaw "As a part of our project we will be giving a free fanmeeting ticket before ending the program. So Let's Start?" Sabi pa ng isang host....Ang swerte naman nung makakakuha nayun....Alam ko namang hindi ako yun kasi sumpa ng ang malas ko sa raffles
Nagstart na yung program. May mga palaro, mga nag spi speech, merchs giving, raffles at ilang video na ginawa nila bilang tribute sa darating na anniversary ng BTS. Syempre sila din yung nagpakain. Pinamimigay na nila ang mga pagkain ng may marinig kami
"Mae? Kulang yung pagkain!" Sabi ng isang namimigay ng pagkain at may nakita kaming dalawang babae na nakatayo sa harapan niya
"Wala na tayong stock. Yan na yung huli" Sabi naman ng kausap niya. Tinignan ko naman ang pagkain kong nakasara pa rin. Hindi ko kasi kinakain dahil kakakain ko lang ng tinapay na dala namin "Ibibigay mo?" Tanong ni Hyejin sakin "Sana" Sabi ko. Inabot niya rin saakin ang sakanya "Ito rin oh. May pagkain naman tayo dito" Sabi niya. Lumapit ako sa nagbibigay at inabot ang pagkain namin na di pa nagalaw
"Eto nalang oh. May pagkain naman kami. Hindi pa naman nagalaw yan" Sabi ko at ngumiti. Ngumiti naman sila "Thank you Co-Army!" Sabi niya at inabot iyon sa dalawang babae
"Thank you. I'm Han Jia by the way. Can we have a picture?" Tanong niya. Tumango naman ako at nagpakilala at nagpicture na kami "Thank you so much" Sabi niya pa at bumalik sa upuan nila at ako rin saamin
"For the last part of the program, The Fanmeeting Ticket Giving. In this, We are going to pick three random person here through raffle" Sabi ng isang host at pinasok ang isang lalagyan na may mga pangalan ng lahat, yung mga pinunit sa entrance kanina "The three lucky fans are going to join us in the upcoming BTS Fanmeeting this coming June 13, Their anniversary! Let's start the raffle" Sabi pa ng isang host at hinalo halo ang mga papel. Taimtim akong nagdadasal na sana ako ang makuha
Tumawag na sila ng dalawang winner at obviously.....Hindi ako kasama don. Di naman na magwoworry si Hyejin kasi may ticket na siya don
"For the last winner......Ms. Han Jia! Congratulations!" Sabi ng host. Siya yung pinagbigyan namin ng pagkain. Umakyat siya sa stage at may binulong sa host "Oh? Okay. Fortunately, Ms. Han already had a ticket to the fanmeeting. So we will raffle again--" Jia cut her off "No, I want to give this ticket to someone. She's Lee Ella...She's over there. I know you deserved this ticket. You are so kind hearted. Because of someone like you, I'm proud of being part of this fandom" Sabi niya at tumingin saakin at pinuntahan ako para iabot ang ticket
"You deserved this" Sabi niya at niyakap ako
"I'm proud to say that I'm an ARMY because of someone like you....You're so kind"
-----------------------
BINABASA MO ANG
Idol|JJK|
FanfictionWhat will you do if you found out that the father of your son is your ultimate idol....hmm? "I promise to love you every each day of my life....Not as my fangirl or your idol...But as my wife and your husband" -Jeon Jungkook COMPLETED❤️ written by:...