❤️Sitting on a tree

1 0 0
                                    

Camille POV

Masaya akong naglalakad papuntang room. Sa sobrang saya ko, pinagtitinginan na ako ng ibang studyante, dahil sino ba ang masaya sa araw ng pasukan? Kaya pinagtataka nila kung bakit ako masaya ngayon, sa sibrang saya ko halos abot tenga ang ngiti ko.

"Okay ka lang Camille?" Tanong ni Desiree "Medyo nakakatakot na nga yung mga ngiti mo"

Sumang-ayon naman si Angelique sa kanya "Oo nga, medyo nakakapanibago. Hindi ko pa ikaw nakikita na ngumiti ng ganyang katagal. Ano ba ang mayroon ngayon at bakit ka masaya?"

Napakamot ako sa pisngi ko "Kasi, umm... ngayon kasi yung birthday ni Scott " paliwanag ko, nagulat naman sila sa sinabi ko

"Birthday nya ngayon!?" Sigaw ni Christlyn.

"Walang nagsabi sa amin" sigaw ni Desiree. Patuloy na nagsigawan ang tatlo kong best friend, ako naman napatawa ng kaunti sa kanila.

"Wait! Sasabihin mo na ba sa kanya na mahal mo sya? Bulong sa akin ni Angelique.

Nakisali na rin sa amin si Desiree "at magpapakasal ka sa kanya?"

"At magkakaroon kayo ng mga anak at alagang aso at pusa-" pagpapatuloy ni Angelique.

"Manahimik nga kayo!" Pagpuputol ko sa sasabihin ni Angelique. "Hindi ko sasabihin yan!"

Nagtinginan nama silang tatlo sa isa't isa at bigla napangiti.

'May pina-plano na naman itong tatlo'

[SKIP]

lunch time na, ngayon ko ibibigay kay Scott yung regalo ko sa kanya. Kailangan ko na lang sya hanapin.

'Nasaan na sya?'

Nalibot ko na yung loob ng school pero wala sya. Kaya pinuntahan ko na lang ang mga taong may nakakaalam kung nasaan sya.




"Nasa labas sya, may hinahanap" sagot ni Erwin

"Sa tingin ko kinukuha nya ang I.D ni Christlyn?" Sagot ni Derf

"Napatingin ako sa kaibigan ko "Tinapon nina Chavez ang I.D ko sa puno" kwento nya

"Sige, Salamat" at umalis na ako ng room at lumabas.

Paglabas ko ng building, agad kong hinanap si Scott, pero nalibot ko na yung buong school ground pero hindi ko pa rin sya nakikita. Nagpahinga muna ako, nang may maramdamam ako nalaglag sa ulo ko. Kinuha ko ito... Ballpen? Nalaglag sa puno na pinagpapahingahan ko.

Napatingala ako at nanlaki ang mata ko sa nakita ko.

"Anong ginagawa mo dya?" Tanong ko sa matalino kong ka klase, na nagpupumilit na abutin ang I.D ni Christlyn na nasa pinakamataas na sanga ng puno.

Napatawa din ako at sinimulan ko na rin na umakyat na rin ng puno "Tulungan na kita" sabi ko at umupo sa sanga kung nasaan si Scott "Try mo kaya na doon pumunta sa malaking sanga na yun, madali mo iting makukuha"

Napangiti naman si Scott sa akin "Salamat, magaling ka talaga pagdating sa mga strategy"

Napangiti ako at umakyan pataas "medyo lang" sagot ko at tinulungan syang kunin ang I.D.

Nakuha na rin namin ang I.D ni Christlyn at mabuti na lang at matibay ang sanga na inuupuan namin.

"Happy birthday Scott" bati ko

"Camille I-"

"SCOTT AND CAMILLE SITTING ON A TREE" rinig kong sigaw ni Desiree sa ilalim ng namin, kasama sina Christlyn, Angelique, Derf at Erwin at nagsimula na rin silang kumanta.

"K-I-S-S-I-N-G"

Namula naman agad ako manahimik nga kayo dyan!" Sigaw ko

"Pabayaan na natin sila"napatingin naman ako kay Scott "Salamat sa pag-alala ng birthday ko, palagi ko itong maaalala" Kumanta na rin si Scott "First comes loves, then comes marriage-"

Nagulat naman ako sa kinanta nya at nawalan ako ng balanse at nalaglag ako sa damuhan. Napasigaw naman ang mga kaibigan ko at agad na lumapit sa akin.

Napaupo agad ako, habang hinihimas ang noo ko, napatingala ako. Tumalin si Scott sa puno, mabuti na lang at maganda ang landing nya.

"Okay ka lang?" Tanong nya at lumuhod sa harap ko.

"Okay lang, medyo nagulat lang ako kanina" bulong ko "Happy birthday!"

Narinig ko naman na nagsalita si Erwin "Di ba ang kasunod na linya ng kanta ay 'Then comes a baby in a baby carriage' diba?"

++++++++++++++++++++++++++
5/15/19

658-words

Has llegado al final de las partes publicadas.

⏰ Última actualización: May 29, 2019 ⏰

¡Añade esta historia a tu biblioteca para recibir notificaciones sobre nuevas partes!

Various Story (One Shot)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora