Rinig na rinig ng binatang nakabusal ang bibig at napipiringan ng panyong kulay itim ang boses ng mga tumangay sa kanila ng kaniyang nobya.
Narinig pa niya ang mga ito na nagtawanan. Walang siyang magawa dahil sa nakatali ang kaniyang mga kamay patalikod.
Hanggang sa maramdaman niya ang kamay na pilit humiklas sa telang nakatakip sa mga mata niya.
Kitang-kita niya ang babaeng hinahanap niya habang hubo't-hubad na nakahiga sa kama na tila walang malay.
Halos hindi na niya maimulat ang namamagang mga mata mula sa mga sipa at suntok na tinanggap niya mula sa mga kumuha sa kanila.
Pinipilit ng binata na sumigaw habang pinapanood ang lalaking nakahubad sa nobya niyang nasa kama pa rin.
"RUTH!" malakas ang pagkakasigaw ng boses mula sa second floor ng bahay na iyon, dahilan upang tumakbo paakyat ang isang magandang ginang patungo sa pinanggalingan ng boses.
"Oh! My God Evo," natatarantang wika ng ginang habang binubuksan ang pinto ng isa sa mga silid na nandoon.
Agad nitong niyakap ang lalake na nasa kama, halata na nabigla ito ng gising, namumula ang mapusyaw na mukha nito, basing basa rin ng pawis kahit pa malamig ang silid.
Niyakap ng ginang ang lalake, ramdam ng matanda ang panginginig ng katawan nito.
"I'm here Evo... shhhh," sabi ng ginang habang yakap-yakap nito ang lalake.
"M-Mom, where is Ruth?" pautal na tanong ng lalake sa matanda
"She's not here, anak," naluluha naman na sagot ng ginang, awang-awa sa anak.
"I-I want t-to see her," pagpipilit ng lalake sa matanda, habang tiningtingnan ito. Tuloy-tuloy pa rin ang pagtulo ng luha sa mga mata ng guapong binata.
"T-Tomorrow, anak," pagsisinungaling na sagot ng matanda sa anak. Awang-awa ito sa anak pero wala siyang magawa.
Kinaumagahan
Napatigil ang lahat ng mga tao na nasa harapan ng Police Station sa pagtigil ng isang motor.
Lahat sila ay nakatingin sa pag-ibis ng may-ari sa kaniyang big bike.
"Good morning, Ma'am," sabay-sabay na wika ng mga naka unipormeng pulis sa labas ng istasyon.
"Good Morning!" wika ng babaeng nagtatanggal ng helmet, sinuklay pa nito ang diretsong buhok na hanggang baywang.
Naka suot ito ng itim na damit pang taas hanggang sa boots. Typical rider's clothes. Ang pagkakaiba nga lang, aakalain mong modelo ng isang clothing brand ang bumaba mula rito.
"Romero!" tawag nito sa isang pulis na nakatayo sa pintuan.
Lumapit naman ito kaagad at sinalo ang susi na itinapon ng dalaga.
"Ma'am, pinag re-report ka sa opisina ni Col. Laranang," seryosong wika ng pulis sa kanya.
"Bakit daw?" nagtatakang tanong niya rito.
"Wala akong idea, Ma'am," sabi nito na pinaandar na ang motor na nakaharang sa daanan upang iparada sa parking lot.
"Okay, thanks!" wika ng dalagang nagtataka.
"Ma'am, nandiyan nga rin pala si Gen. Yoon!" pahabol na sigaw ng pulis na si Romero habang tumatawa.
"Loko," pabulong na wika ng dalaga habang tinitignan ang papalayong motor sakay ng pulis.
Napaisip tuloy siya kung bakit nandito ang General.
"Ano na naman ang ginawa mo, Yena?" tanong nito sa sarili habang umiiling.
BINABASA MO ANG
Y2 (Unedited) PUBLISHED
Ação"Dad, I point guns and not needles!" Iritableng wika ng dalaga sa kanyang ama na natatawa sa reaksiyon ng anak. LT YANELLA YOON, the spoiled brat daughter of GENERAL YOON of the Philippine National Police went undercover for a mission to the son of...