iii

26 1 0
                                    

Maeve's POV

Katatapos lang ng klase namin at pauwi ako ngayon para makapag bihis, 4:45 palang naman, Tuesday kasi ngayon kaya hanggang 4:30 lang ang pasok namin. Papunta ako ngayon sa parking area.

Ang ganda ng tanawin ngayon, most probably the sunset. But again, I'm not a fan of it.

Funny? Nope nagpapakatotoo lang ako, im not like those people na bigla bigla nalang nagiging gusto ang isang bagay dahil yun ang uso, inshort?  Bandwagon.

Well, di ko naman nilalahat eh, pero nakakalungkot lang na dahil dito nagiging iba kang tao para lang makasabay sa uso. 

Nagsimula na akong pumedal--
Yep! Tama ang nababasa nyo, pedal dahil naka bike ako, ewan ko ba pero i really like the ambiance when im riding a bike. Mas na eenjoy mo kasi ang mga bagay bagay sa paligid, tapos makakalanghap ka pa ng Fresh Air...

Natuto akong mag bisekleta nung nasa junior highschool ako, sobrang bata ko no'n *sarcasm* kasama ko noon sila AC tsaka si Theo. Well ang nakakamangha, di ako nagkasugat gaya ng sinasabi nila bago ako natuto, siguro fast learner lang ako?? O magaling lang talaga magturo si Theo?? Ewan, nalaman ko nalang bigla, marunong nako..

Nakarating na ako sa tapat ng bahay namin.
Walang kahirap hirap akong nakapasok sa gate, di nako nagabala pang bumaba para lang buksan ito.

Unbelievable?? Not really, why?? Blame the technology. May sensor ang gate namin which recognize this such thing on my bike. High-tech?? Well, definitely.

Pumasok na ako sa bahay,

   "Magandang gabi po ma'am Mae--,"

Tinitigan ko siya na parang may mali sa sasabihin niya.

  "A-ah magandang gabi Maeve," pagtatama niya naman kaya nginitian ko siya.

  "Magandang gabi din po ate Helen," nakangiti kong bati pabalik.

  "Akin na ang mga gamit mo at ako na ang mag-aakyat," sabi niya, kaya ibinigay ko naman ang mga ito.

  "Salamat po," sabi ko at pumunta sa kusina.

  "Nayyy!!!," sabi ko at lumapit sakanya para yakapin siya.

  "O, Maeve anak," sabi niya naman at yumakap din sa kin.

  "Ano po yan??," tanong ko sakanya ng makita ko syang may ginagawa.

Ang bango?? Amoy butter... Hmmm?

  "Edi yung paborito mo," sabi niya  sabay ngiti.

Sinilip ko ito at kuminang ang mata ko, wahhh!!! tagal ko nang di nakaka kain nito.

  "Sisig!!!," sabi ko at kumuha ng kutsara para tumikim.

Kukuha na sana ako ng tinapik ni Inay ang kamay ko.

  "Aww," daing ko

  "To talagang batang to, huwag na muna, mamaya niyan di kana maka alis dyan sa mesa dahil yang sinasabi mong tikim-tikim nauuwi sa lamon," pabiro naman niyang sabi.

  "Sige na nga po, siya nga pala nay, aalis po ako, si Abel po kasi nag-aya," paalam ko.

  "Sige anak, basta wag papagabi ah," sabi niya at tumango naman ako tapos umakyat na sa taas.

Pagkapasok ko sa kwarto ko, pumasok agad ako sa closet at hinanap ang tee, maong shorts at flip flop na gagamitin ko, nilagay ko yung sa kama at pumasok na sa banyo.

Mga 30 mins. din ako sa banyo at nagbihis na. Wala akong balak na mag dala ng bag, tanging wallet at cellphone lang at dala ko. Humarap ako sa salamin at sinuklay ang abot balikat kong buhok, i've decided to turn it into bun and put some perfume and whala! im done.

Hermosa MentiraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon