Nakaupo ako ngayon dito sa balkonahe ng apartment namin, tulog na si Ria, at katatapos ko lang na mag ayos ng mga gamit ko.
andaming bumabagabag sa isip ko ngayon.
hayy, siguro kung di nga nawala si papa di magkakaganito ang buhay namin. Di kami gigising sa umaga na pinoproblema kung pano namin iraraos ang isang araw. oo di kami ganon kahirap, para mag isang kahig, isang tuka, pero iba kasi kapag may mga magulang na gumagabay sayo. at sa lagay namin ngayon ni Ria, yun ang kailangan namin.
ako ang inaasahan niya kaya di ako pwedeng maging mahina, hindi pwedeng wala akong gawin. kailangan kong magpakatatag hanggat kaya ko. dahil sa akin siya kumukuha ng lakas.
pumasok ako sa kwarto at kinuha ang envelope na binigay sa akin ni Mr. Villaluz.
"Tsk, babasahin ko na nga 'to ayoko ko nang mapahiya ulit."
pagbukas ko ng envelope ang daming kung ano anong papel.
yung iba mga guidelines sa competitions, saka ko na to babasahin matagal tagal pa naman eh.
sumunod kong nakita ay ang lahat ng mga infos na sinabi sa amin kanina ni Ma'am,
tsk, dapat pala talaga binasa ko to eh.
simula sa agreements, rules at schedule namin.
sunod na papel na nakita ko ay ang mga bagay na kailangan naming i-review.
Jusko naman, all around?!! Parang mas gugustuhin ko pa ata na mag finals, at least dun ako lang ang maapektuhan kung sakali man na bumagsak ako, eh dito? Buong eskwelahn ang dala ko.
Iginala ko ang mata ko sa mga nakasulat...
Human science
Ancient Lit.
Law
Computer Science
At iba pa but what really caught my attention is the thing at the end."For the last stage of the competition there will a debate for the given topic that exact date, the winner in this debate will be declared as the winner.."
Thck??!!!!
What a life?!!
Ang alam ko lang ay magrereview ako at sasagot ng mga tanong, pero di ata ako inform na may debate na magaganap.
Im not that good reasoning and defending, mas confident ako when it comes to logical and critical thinking. Kaya ngayon dadagdag na naman to sa poproblemahin ko.
Binulatlat ko ulit ang laman ng envelope at may nakita akong nakakuha ng aking atensyon.
Isang calling card.
At ang nakaka tuwa, ang calling card na ito ay pagmamay ari ng taong talaga nga namang sumira ng araw ko.
Zamia Maeve Royal
BSA STUDENT09*********
Block 13 San Pablo st.
*********
city of TarlacBigla kong naalala ang ID nya na napulot ko kanina.
Di marunong mag ingat ng gamit tsk.
Di ko muna siya tatawagan, ill let her think like crazy kahahanap ng ID niya, well just a lesson to teach.
Nilagay ko na lahat ng gamit ko sa bag kasama na ng ID ng Maeve na yun.
Gagawin ko na muna yung reviewer na ibibigay ko kila Titus at Ajay bukas.
BINABASA MO ANG
Hermosa Mentira
Teen Fiction"Love is indeed wonderful, but can a beautiful lie make it more precious? Or make it the worst thing ever happen to one's life?"