iv

15 2 0
                                    

Pina pasok ko muna si Ryder sa loob ng bahay, at tinawag ko naman si Ria.

"Ria!, halika muna dito sa baba,"pagtawag ko sakanya.

Bumaba naman siya.

"Bakit po kuya? Ano pong meron? at tsaka sino po siya?," sunod sunod na tanong niya.

"Wag na muna masyadong maraming tanong Ria, kunin mo na muna yung first aid kit," sabi ko at sinunod niya naman ako.

Pinuntahan ko muna si Ryder sa sala.

"Pagpsensyahan mo na ang bahay namin, teka lang at ikukuha kita ng tubig," alok ko.

Pagbalik ko ay ginamot ko na siya. Habang si Ria naman ay pina akyat ko sa kwarto niya.

"kamusta na ang pakiramdam mo?," tanong ko.

"ayus naman ako, konting galos lang naman to eh," sagot niya.

"salamat nga pala ulit sa pag tulong mo, pasensya na at wala akong maibibigay sa yo ngayon, kapos pa kasi ako sa budget eh, mag isa kong tinataguyod yung kapatid ko," sabi ko naman sa kanya.

"ayus lang yun, i actually saw how you defend yourself awhile ago and i was amazed by it, ang galing mong makiramdam sa paligid mo," manghang sabi niya.

Natutunan ko yun kay papa lahat, nakaka lungkot lang na hindi pa namin siya mahanap hanggang ngayon, at di namin alam kung mahahanap pa ba namin siya.

"Salamat, matagal tagal na nung huli kong magamit yun, pero im glad that it's still fresh on my mind, " sabi ko naman.

"di ko talaga alam kung pano kita pasasalamatan,"dugtong ko.

"di nga ako humihingi ng kapalit, pero kung mapilit ka ganito nalang, i will give you my number and you'll give me yours. Tawagan nalng kita
If ever, ayus na ba yun?," sabi niya naman.

Well its better, ayaw kong magkakautang na loob kanino man, i better do something para masuklian yon, rather having depth to someone.

"okay, mas ayus na yan," sabi ko at nagpalitan na kami ng numero.

Hindi na rin siya nagtagal at umalis na din, may importanteng lugar pa daw siyang pupuntahan.

Napagdesisyunan ko nang maghanda ng hapunan para sa amin ni Ria.

Ang pinoproblema ko ngayon ay kung paano ba makakahanap ng pera sa mas lalong madaling panahon, at kung paano ko din masusuklian ang tulong ni Ryder sakin.

Hayy Vance Walrence, i need your practical side now.

Kinabukasan....

Day xxiii, October 20**

"Bruh! Hintay!, tawag ni Titus.

Huminto nman ako sa paglalakad.

"oh? Bakit?,"tanong ko sa kanya.

"Kailan tayo magsisimula mag review?," tanong nya sakin pabalik at sumabay na sa paglakad ko.

Bigla kong naalala na sa biyernes na pala ang finals ng 1st semester namin, jusko.

"Bakit di na natin simulan ngayon??," tanong ko.

"Tutal vacant naman tayo sa mga sunod nating subjects," dugtong ko.

Ngumiti naman siya..

"O sige bruh, tawagin ko lang si
Ajay, san ba tayo?," sabi nya bago siya umalis.

"Sa lib. nalang tayo," sabi ko at inunahan ko na siyang umalis upang pumunta sa Library.

Sabay-sabay naman ang mga pangyayari ngayon.

Hermosa MentiraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon