Alyssa's Point of view
Another hectic schedule para sa team. After ko magprepare ng breakfast mag che-check pa ako ng schedule nila for the day. Ang buhay professional gamer kasi ay parang buhay professional athlete na rin. Hindi lang ito puro paglalaro ng mobile legends for 8-12 hours a day. Kailangan rin nila ng proper diet,exercise at spiritual guidance. Pati na rin yung personality development nila as a person. Kaya nga may times na pinag a-attend namin sila ng seminars ng motivational speakers.
"Good morning team! Breakfast na guys!" Nagsibabaan na galing sa mga kwarto nila yung ML players namin. Hindi lang naman Mobile Legends ang game na sinasalihan ng Vorpal Swords. Meron ding Counter Strike, Dota 2 at Call of Duty. Pero mas malakas ang income namin sa Dota 2 dahil powerhouse ang roster namin sa game na iyon.
"Wow sarap naman niyan Alyssa! " Tuwang-tuwa si Renato nang makita niya yung bagong lutong bacon,eggs at sinangag.
"Sarap! Iba talaga itong assistant manager natin! Iba magalaga ng players." Dag-dag ni Jonathan.
"Teka saan na si Yusaku?" Hindi ko kasi nakita si Yusaku na bumaba para kumain.
"Ay baka umalis ng maaga. Ayun pinuntahan yung girlfriend niyang isang araw na siyang hindi pinapansin." Sagot ni Renato.
"Wala ba sa practice area? Or baka na sa gym?" Tanong ko sa kanila.
"Yun? Mag p-practice agad nang ganito kaaga? Malabong gawin niya yun!" Sagot ni Jonathan.
"Eh nagmamagaling pa nga minsan yun diba? Tingnan mo nangyare last game." Sagot ni Renato.
Baka naman pinuntahan si Aina. Ever since naging sila ni Aina yun na lang ang naging mundo niya. Paano ngayon lang ulit nagkaroon ng diyosang girlfriend. Yung tipong pang FHM cover yung datingan at matalino pa. Si Aina kasi business minded at nag grow sa multilevel marketing companies. Hindi lang siya puro good looks may utak din. Hindi ko alam kung paano napasagot ni Yusaku si Aina. Hopefully wag lang lokohin ni Yusaku si Aina. Ewan ko pero sikat kasi si Yusaku sa gaming world hindi malabo magkaroon ng madaming female fans iyan.
"Tagal naman umuwi ng kumag na iyon. Baka nagaway sila ni Aina." Nagtataka na si Renato kasi mag 9 am na wala pa rin si Yusaku.
"Alam mo naman na patay na patay yun doon kay Aina. Diba Alyssa? Pero yung totoo tayo-tayo lang. Friends kayo ni Yusaku since high school tapos ikaw pa lagi niyang kalaro sa ML. Maganda ka naman at agaw pansin. Bakit hindi naging kayo?" Tanong ni Renato. Basta pag wala si Yusaku kung ano-ano na lang pinagtatanong nila sa akin.
"Oo nga naman Alyssa. Ikaw lagi niya kausap dito sa HQ natin eh. At sabay rin kayo pumasok dito sa company. Atsaka gwapo naman si Yusaku. Wala bang time na nagkagusto ka sa kanya?" Ang showbiz naman ng tanong ni Jonathan.
Paano ko nga ba e-explain ito? Matagal na talaga kami magkasama ni Yusaku. High school pa lang classmates kami. Tapos dati lagi pa siya binubully nun pag natatalo sa Dota. Kaya nag quit siya magdota at Call of Duty na lang nilaro niya. Ayun doon siya nag excel as a gamer and then nung sumikat ang Mobile Legends nag try siya. After that umaabot ng 5-8 hours a day yung laro niya. Dati lagi niya ako nililigtas sa kalaban pag nag r-rank game kami. Kahit ngayon minsan maglalaro kami classic ganon pa rin galawan niya.
"Ah kami ni Yusaku? Wala ah! Friends lang kami!"
"Pero dati naalala ko na kwento sa akin ni Yusaku. Naginom kayong dalawa one on one tapos ano daw...." Hala? Pati pa naman yung embarrassing awkward moment namin na kwento niya kay Renato.
"Ano yun Renato?!"
"Yung nag Padi's kayo tapos na lasing kayo sa Red Horse then hinalikan ka daw niya. Nako! Tsk tsk! May tinatago kayong dalawa ah." Pangaasar sa akin ni Renato.
"Talag Renato?! Nako sana mag break na sila ni Aina!" Reaction ni Jonathan.
Paano ko di malilimutan iyon? December yun last year umattend kami ng year end party ni Yusaku. After ng party naisipan namin uminom sa Padi's kasi nakuha na namin yung Christmas bonus namin sa company. Kaso ayaw nilang sumama kaya kaming dalawa na lang. Naalala ko nagkantahan pa kami nung na lasing kami. Tapos nag duet pa kami sa stage ng Padi's. Magbalik pa yung kanta. And then nung pauwi na kami hindi ko inaasahan na hahalikan niya ako sa lips. Gosh! Nakakahiya talaga!
Sinimulan na ng team yung daily routine. Wala pa rin si Yusaku at malapit na mag 11am. Gaano ba ka bigat problema nila ni Aina? Tinanghale na at hindi pa tapos ang problema. Kailan ba nila ma re-resolve iyan?
Nag libot-libot muna ako sa HQ namin. Ang HQ namin ay located sa Forbe's Park sa Makati papasok ng BGC. Malaking bahay siya na binili ng company para sa accommodation at training grounds ng mga gamers.
Pumunta ako sa gym at nakita ko na nag mo-morning workout yung players namin for Dota 2 and Counter Strike. Pumunta ako sa pool area at nakita ko doon yung ML team captain namin na si Reginald. May mga kanya-kanyang playing area rin naman ang mga players namin. Pero yung Mobile Legends players namin sa dining area lang nag p-practice. Wala eh doon sila comfortable wala naman magagawa ang upper management.
"Hayst ang daming gagawin. Manonood pa ng in game film tapos magpapa try outs pa ako ng new players for Dota2. Yusaku?! Ano nangyare sayo? Bakit tanghaleng tapat umiinom ka?" Nakita ko si Yusaku bumaba ng Grab service lasing na lasing at may dala pa siyang bote ng Red Horse.
"Pota! Lecheng Aina yun! Kaya pala hindi sumasagot! K*ngina! Pumatol doon sa mentor niya sa networking. Mayaman lang yun! Eh ako? STAR PLAYER AKO NG VORPAL SWORDS!!" Lasing na lasing na siya. Amoy na amoy ko yung scent ng Red Horse sa bibig niya.
"Ano? Yusaku magpahinga ka na. Babae lang yan!" Tinulungan ko siya makapunta sa kwarto para makapag pahinga.
"Ayoko na.. Ayoko na mag ML. T*ng inang Aina yun! Tingin niya sa akin basura. Kahit sikat ako sa gaming world basura pa rin tingin niya sa akin. Uuwi na lang ako sa amin. Ayoko na maglaro."
"Ano? Titigil ka na? Sayang ang nasimulan mo." Pilit ko siyang pinipigilan. Baka mamaya kasi biglang maglayas ng HQ ito.
"Alyssa si Aina kasi eh! Hindi naman ako nagkulang sa kanya ah." Umiiyak na nagra-rant si Yusaku.
"Sinabi ko naman sayo. Wag mo masyado nilalagay sa pedestal yung babaeng iyon." Nilapitan ni Reginald is Yusaku at sinabihan.
"Ayoko na! Wala naman silbi ang tingin niya sa akin dahil Mobile Legends player lang ako!" Iyak nang iyak si Yusaku tapos medyo namumula na mukha niya dahil sa kalasingan.
"Bro, hindi mo dapat kasi nilalagay sa pedestal yung babae. Minsan maging unavailable ka para ma miss ka naman niya. Atsaka ang napapansin ko sayo minsan parang sunod-sunuran ka kay Aina. Magpahinga ka muna. Tapos mag p-pratice pa tayo. May exhibition game tayo next week. Australians kalaban natin." Inakbayan ni Reginald si Yusaku at pinagsabihan. Ganyan yung team captain namin, hands on sa mga members ng team.
"OK lang yan brad! Nandiyan naman si Alyssa!" Dagdag ni Renato.
"Renato! Ano ba?!"
"Sus! Alyssa! Hindi mo nga makalimutan na kiniss ka niya eh.!" Pang aasar sa akin ni Renato.
"Oh Alyssa, ikaw muna mag alaga diyan. Total kayo ang close ni Yusaku. Renato tara! Practice!" Inutusan ako ni Reginald at bumalik sila sa pag p-practice.
BINABASA MO ANG
Pasan: A mobile legends player story (3 Part Short Story)
Short StoryAno ang value ng isang hamak na mobile legends player? May silbi pa sa society ang pagiging isang professional mobile legends player? Naniniwala ka ba na pwedeng yumaman ang isang professional mobile legends player? Naniniwala ka ba sa kasabihan na...