Yusaku's Point of View
Ilang araw na lang pala yung exhibition game namin. Two days na ako hindi nakakapag laro ng ML. Paano ba naman ako makakapag laro eh basura kaming mga ML players diba? Nakakawalang gana nga naman oh. Matagal na investment ko itong si Aina tapos mawawala na lang basta-basta.
"Uy Yusaku labas-labas ka naman diyan." Nakahilata ako sa kama ko habang kinukulit ako ni Renato.
"Bro! Maglaro naman tayo! Ilang araw ka na hindi nag p-practice!" Pangungulit ni Renato.
"Paano pa ba ako mag p-practice? Eh hinid naman ma appreciate ni AIna yung effort ko na umasenso. Porket hindi ako kasali sa multilevel marketing business niya wala na agad ako kwenta?" Naalala ko nanaman yung sinabi sa akin ni Aina. Yung sentence na napaka sakit pakinggan bilang isang ML player.
Yusaku tama na! At ayoko na sayo! Sa totoo lang makikipag hiwalay na ako sayo kaso humahanap lang ako ng timing! Ibahin mo sayo si Hector. Si Hector may financial IQ at magaling sa business. Eh ikaw? Isang hamak na Mobile Legends player na walang contribution sa society.
Arrgh! T*ng ina! Napaka init sa tenga at napaka sakit sa puso pakinggan. Malaking kahihiyan pala pagiging Professional Mobile Legends player ko. Kahit na sabihin ko sa kanya na katas ng ML tuition ko next semester.
"Ayoko na maglaro Renato.... Wala naman ako kwenta eh." Mahinang sagot ko sa kanya.
"Bro! Yung nasimulan natin! Paano yun? Australian itong next opponent natin. Baka after nito makapaglaro tayo overseas." Pamimilit ni Renato. Oo pangarap ko rin makapaglaro sa ibang bansa. Kaso ngayon ewan ko na lang.
"T*ng ina naman Yusaku eh! Wala ka na dapat patunayan kay Aina! Successful ka as a gamer. Madaming babae diyan!"
"Bro huy! Ano na?!"
Hindi na lang ako sumagot sa mga pinagsasabi sa akin ni Renato. Bahala sila, basta ako titigil na ako sa paglalaro ng Mobile Legends. Wala rin naman ako patutunguhan bilang gamer eh. Naalala ko yung mga times na pinagalitan ako ng mommy ko nung bata ako. Wala ako mararating sa buhay pag na adik ako sa video games. Tama nga naman! Kasi nawalan ako ng girlfriend na malaking investment dahil sa video games.
"Nako Renato maginom na lang tayo! "
"Inom? Busy ang schedule natin iinom? Bahala ka na nga diyan!"
Umalis rin ng kwarto si Renato. Ayun rinig na rinig ko yung ingay nila habang naglalaro sila sa practice area. Nag e-enjoy ata sila habang naglalaro. Rinig ko rin yung mga pangaral na tips ni Reginald pati yung mga trash talk sa laro ni Jonathan. Kailangan makapag isip ako ng paraan kung paano ako gaganti kay Aina. Hindi man ako makapaglaro ng Mobile Legends hahanap ako ng paraan para magsisi si Aina sa pakikipag break sa akin.
Dami lumabas sa Google search ko. Kung ano-anong articles na rin ang binasa ko. Yun iba halos paulit-ulit lang na tips.
"Ano? Be more productive and hon on your skills and craft?" May binabasa akong article. Ano naman ang skills ko? Eh magaling lang ako sa paglalaro ng Mobile Legends.
Basta Yusaku! Mas pipillin ko pa rin si Hector. May partnership kami at mas malaki goals namin kaysa diyan sa Mobile Legends mo!
Naalala ko nanaman yun line na yun! Ayoko na!
"Ano to? Get better in school." May pang tuition naman ako at pa graduate na. Pero wala eh, katas pa rin ng Mobile Legends yun eh.
Basta Yusaku! Mas pipillin ko pa rin si Hector. May partnership kami at mas malaki goals namin kaysa diyan sa Mobile Legends mo!
BINABASA MO ANG
Pasan: A mobile legends player story (3 Part Short Story)
Short StoryAno ang value ng isang hamak na mobile legends player? May silbi pa sa society ang pagiging isang professional mobile legends player? Naniniwala ka ba na pwedeng yumaman ang isang professional mobile legends player? Naniniwala ka ba sa kasabihan na...