Caleb
Dahil Sabado ngayon at walang pasok, nagyaya sina mom at dad na sa labas na lang daw kami kumain. Kitang kita ko sa mga mata ni ate kung gaano siya kasaya ngayon na nandito na ulit sina mom. Dapat kasi sa Lunes pa ang uwi nila, pero dahil nga birthday ni ate last week, ginawan nila ng paraan na makauwi nang mas maaga. Pero pagkatapos ng aming family lunch, mas pinili ko na lang 'di na sumama sa pagsa-shopping nila. Mapapagod lang akong maglakad at humabol sa kanila. Buti nga si dad, natitiis samahan ang dalawa. Mas masarap pang humiga at magpahinga na lang sa kama ko.
Kaya naman pag-uwi ko sa bahay ay dumiretso na agad ako sa kuwarto. Parang gusto ko na lang matulog. Para 'di ko na maisip pa si Sasha. Hihiga na sana ako sa kama nang maramdaman ko ang laptop ko na nauna na pala sa aking mahiga rito. Buti napansin ko agad.
Hindi ko alam pero bigla na lang pumasok sa isip ko ang soft copy ng manuscript ni Sash na palihim kong kinopya galing sa naiwan niya noong flashdrive sa kuwarto ni ate. Nawala bigla ang antok ko. At ngayon, handa na akong basahin ito—ang manuscript ni Sasha. Handa na akong mas makilala pa siya.
Bryan
Hindi nasabi ni mama na maaga siyang uuwi ngayon. Kaya naman pareho kaming nasorpresa ni Sasha sa pagdating niya.
"Oh, may kasama ka pala anak," gulat na bati sa akin ni mama.
"Yes ma, she's Sasha—my girlfriend," sagot ko kay mama.
"Girlfriend?" naguguluhang tanong ni mama.
"Hello po," bati naman ni Sasha. Para bang may kasamang kaba ang mga ngiti niya.
"Yes ma. She's my girlfriend," ulit ko.
"What about Jayne?" usisa niya. Napalingon ako kay Sasha. She looked nervous.
"Ma, Jayne and I are just friends," paliwanag ko.
"Okay, I just thought na... wala ka pang girlfriend. Anyway, akyat muna ako sa taas, iwan ko muna kayo rito. Nice to meet you, hija. Feel at home."
Nakangiti kaming iniwan ni mama sa dining room. Oo, mukhang mataray si mama pero sa totoo napakalambing at sweet niyang mom. Siyempre, istrikto siya lalo na pagdating sa amin ni ate.
After naming kumain ay inihatid ko na si Sash sa bahay nila.
Sasha
Kinikilig akong pumasok ng bahay namin. Sandali akong napasandal sa pintuang kasasara ko lang. Hindi ko mapigilang mapangiti habang iniisip ko ang lunch namin kanina sa bahay nina Bry. Yes, I'm J.B. Tomlinson's girlfriend now. Paano 'to nangyari? Nagulat na lang ako nang mapansin kong nakatitig na pala sa akin sina mama at Shiver.
"Ma, alam ko kung bakit masaya si ate?" banat ni Shiver.
"Naku Shiver, mukhang in love nga ang ate mo," dagdag ni mama.
"Ma, ano ba?" Natawa na lang ako sa reaksyon ng dalawa.
"Inihatid ka niya, 'di ba? Bakit 'di mo siya pinadaan dito?"
"May gagawin pa raw kasi siya. Hay ma, kung alam n'yo lang kung anong nangyari ngayong araw. Sobrang dami at h'wag sana kayong magagalit na...."
"Na may boyfriend ka na? Jusko anak matagal ko nang hinihintay na magka-boyfriend ka. Alam mo namang malaki ang tiwala ko sa'yo. You know all your limitations well. At saka kilala na namin si Bryan at gusto ko siya for you."
"Talaga ate? So boyfriend mo na nga si kuya Bryan?" paglilinaw ni Shiver.
Kinuwento ko kina mama ang mga pinaggagawa namin ni Bryan buong araw. Umabot ang kuwentuhan namin hanggang dinner. Naisip ko tuloy na mas masaya sana kung kasabay ulit namin ngayong kumain si Bry. And so my phone beeped and it's Bry who's calling. Iniwan ko muna sina mama sa dining table kasi ang ingay nila, todo asar sila sa akin. "Uy, tumatawag ang boyfriend niya."
BINABASA MO ANG
One Day He Wrote My Story (Completed)
Teen FictionNang lumabas sa bookstore ang bagong libro ni JB Tomlinson, Sasha, as an aspiring writer, was pretty much devastated upon realizing that the famous writer's book has the same story she just finished writing. How could it be? "I love your metaphors a...