17. A Surprise (Part 2)

861 67 31
                                    

Sasha

Malakas pa rin ang buhos ng ulan. Pero mas malakas ang kaba sa dibdib ko. Mas malakas 'yung mga bulong sa utak ko habang tahimik kaming nakakulong sa loob ng sasakyan ni Caleb. 'Sing tahimik ng phone ko na drained na ang battery. Seryoso ang mukha ni Caleb na halata mong nakatuon lang ang pansin sa pagmamaneho. Katabi niya sa unahan si Lucy na halata rin ang pag-aalala sa mukha. At nandito kami ni Tara sa backseat. Yakap niya ako. Nakasubsob ako sa balikat niya.

Malapit na kami sa bahay namin nang matanaw ko ang isang sasakyang nakatigil sa tapat nito. At nang mailawan ito ng kotse ni Caleb ay sigurado na akong si Carlos nga ito. Unti-unting nawala ang kaba sa dibdib ko. Isang maayos at walang sirang SUV ang naka-park sa tapat ng bahay namin. Itinigil ni Caleb ang sasakyan niya sa likod nito.

"He's here," dismayadong sambit ni Lucy. Napahinga ako nang malalim. Alam ko ang iniisip nilang lahat—na OA ang mga reaksyon ko kanina.

"Okay. False alarm," dismayado ring dugtong ni Tara.

"We should be thankful, nothing happens wrong, okay? Come on, girls. Check him out. At alamin ninyo kung anong pakulo niya noong 'di siya sumasagot sa phone ni Sash. I'll stay here," ani Caleb. He gave me that mysterious gaze.

Bumaba na kami ng kotse niya. Patay ang ilaw sa deck namin. Binuksan ni Caleb ang stereo niya. At sa pagtungtong ko sa makipot naming yard ay bigla na lang akong nagulat sa sabayang pagbukas ng mga ilaw rito. Mom opened the front door.

"Sash, you're not answering your phone. Someone's waiting for you here. Halina kayo. Tara, Lucy!" anyaya ni mama.

"Ma, nand'yan ba si Bry-y?" tanong ko agad dito. Gusto kong matapos na talaga ang pag-aalala ko sa kanya.

Noong una, parang anino lang siyang lumabas galing sa may likuran ni mama. Pero nang tumagal pa at naging mas maliwanag na ang lahat, sigurado na ako sa nararamdaman ko. Masaya akong nagkita ulit kami. Na walang nangyaring masama sa kanya. Akala ko ay hindi ko na makikita pa ang kislap na iyon sa mga mata niya na parang kumokoryente sa puso ko.

"Hi, babe," bungad niya sa akin. 'Di ko napigilang mapayakap sa kanya. Akala ko talaga kung ano nang nangyari sa kanya. Naramdaman ko ang mga luhang gumagapang sa pisngi ko na mabilis tinuyo ng malamig na hangin. Hanggang sa mapagtanto ko na lang na lahat pala sila ay nakatitig na sa amin. Dahilan para bumitaw ako sa pagkakayakap ko rito.

"Ahm, tita. Mauna na po kami ni Lucy. Hinatid lang po talaga namin si Sash," ani Tara na halata kong 'di gusto ang mga kinilos ko.

"Pasok muna kayo. May mga dala si Bryan na...," alok pa ni mama.

"No tita, next time na lang po. Maghahanda pa po kasi kami para sa party namin e," dagdag naman ni Lucy.

"Ah. Oo nga pa la 'no? Siya, mag-iingat kayo. Enjoy the party at salamat sa paghahatid niyo kay Sash."

Ngumiti sa akin ang dalawa kong kaibigan at saka nagpaalam. 'Di ko napansin kong nginitian din ba nila si Bry. Pinagmasdan kong umalis ang kotse ni Caleb. Naalala ko na lang na 'di na pala ako nakapagpaalam at nakapagpasalamat sa kanya.

"Hey! Sobrang nagulat ako na nandito ka. I told you, I can't..." sabi ko kay Bry.

"And that's when I realized I should bring the party here. You can't come kasi masama ang panahon, 'di ba?" he explained. Bigla namang dumating si ate Bree at ang tatlo pa niyang kaibigang lalaki at isang babae na sakay ng isang puting SUV.

Napatingin ako kay mama. Ngumiti siya sa akin. So alam niya na papunta talaga ang mga ito sa bahay namin. Madaming pagkain at inumin sa loob ng bahay na alam kong si Bry lahat ang may dala. Lumapit sa akin si ate Bree at kinumusta ako. Isa-isang ipinakilala sa akin ni Bry ang mga kaibigan niya na sobrang cool ng personalities. Isa sa kanila si Kaye Lao. Gustong-gusto ko ang mga tula niya at minsan ko na rin siyang napanuod sa ilang poetry events na napuntahan ko. Now, she's even talking to me. At nasa loob lang naman siya ng bahay namin. How cool is that?

Tumahimik muna ang lahat nang biglang magsalita si Bry.

"Salamat sa lahat ng sumama sa akin tonight. Alam ko, ang iba sa inyo ay alam na kung bakit tayo nandito ngayon," sabi niya. "Tita." Tumingin siya kay mama. "Salamat po at pinayagan niyo kaming tumuloy ngayon rito sa bahay ninyo. Napakabuti n'yo po."

"For Sasha!" tinaas ni mama ang hawak niyang goblet.

"Gusto kong itama ang lahat. Gusto kong tama ang simula ng kung ano mang mayro'n kami ni Sash. Tita, gusto ko lang pong malaman n'yo rin na... , " saad nito na nakatingin kay mama. Nagsigawan ang mga kaibigan ni Bry. Pati si ate Bree.

"Go ahead, hijo," sabi ni mama.

"B-Bryan," pigil ko rito. Nahihiya ako. Nakatingin silang lahat sa akin.

"Sash, gusto kong maging boyfriend mo ako... sa harap ng mama mo, sa harap nilang lahat, sa harap ng buong mundo. And I promise, sabay nating haharapin ang buhay. Sabay natin 'tong pupunan ng kulay. Walang iwanan, " saad nito.

Oh God. Did he just say that in front of his friends? In front of my mom? Hinawakan ko ang mukha niya. Pinisil ang pisngi niya. Gusto ko lang talagang makasigurado kung totoong tao ba siya? Kung totoong kasama ko siya ngayon. Akala ko kasi talaga mawawala na siya sa akin.

Tumingin ako kay mama. She smiled at me. "Tinatanong pa ba 'yan? S'yempre, yes. I want to be your girlfriend," tugon ko rito. "Ma?" Hinawakan ko ang kamay ni mama.

"Just don't hurt my princess!" banta naman ni mama kay Bry.

"Cheers!" sigaw ng mga kaibigan niya.

Mahaba ang gabi at tila ba'y ayaw nitong matapos. Lumabas muna ako sandali sa wooden deck namin para mapag-isa. Iniisip ko ngayon ang mga kaibigan kong nasa kabilang party. Sinundan pala ako ni Bry.

"Babe, bakit lumabas ka?"

"May iniisip lang ako."

"Is there something bothering you?"

"Noong kausap kita kanina sa phone, bigla ka na lang nawala. 'Di ka na nag-reply. What happened?" mabilis kong tanong.

"Ah 'di ko pa pala nasabi sa'yo. Mabilis ang mga pangyayari..."

"Ate!" nagulat na lang ako sa biglang paglabas ni Shiver sa deck namin. Akala ko natutulog na ito sa kuwarto niya. Pero mas nagulat ako sa hawak niyang... pusa? A black cat?

"Shiver! Saan galing 'yang hawak mong pusa?" tanong ko rito. Mahilig ako sa pusa pero never kaming pinayagan ni mama na mag-alaga nito sa bahay.

Tumingin ito kay Bryan. Napabungisngis naman ito at sabay silang napatawa nang malakas.

"God, anong mayro'n? Kayong dalawa ha!" sambit ko.

"Ang kawawang pusa na ito, muntik ko na siyang mabundol kanina while I was talking to you over the phone. Siya ang reason kung bakit 'di agad ako nakasagot sa'yo. Sorry, babe. Bumaba ako para tingnan kung nasagasaan ko nga ito. Basta na lang kasi sumusulpot. At salamat naman sa diyos at safe siya. Pero ayaw niyang umalis sa daan. Tinitigan ba naman ako nito na parang nagmamakaawa. Hindi ko siya matiis. Basang basa pa ito ng ulan. Siguro nga, once a cat person always a cat person."

"Haha. Really? Hindi ko alam na cat person ka rin. So when you called me back battery empty na naman ako. I see. Nag-worry lang talaga ako sa'yo babe ko," sabi ko rito.

"Aw. So what's his name, Shiver?"

"Snow. Simula ngayon, tatawagin ko na siyang Snow!" nakangiting sabi ng kapatid ko.

"Nice name, Shiver." Bigla uling nagbukas ang front door namin.

"Hey, guys! Oh, what an adorable kitty? Super cute," bati ni ate Bree sa amin sabay haplos kay Snow. "Bakit nandito kayo sa labas? Magsisimula na ang party sa loob?"

"Magsisimula pa lang?" paglilinaw ko. 

◦One Day He Wrote My Story◦
Thanks for reading! See you sa next chapter. You may vote this chapter or comment below.

One Day He Wrote My Story (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon