Reunion

95 0 0
                                    

"Sofia saan kana ba?? Alam mo naman na ngayon yung reunion diba?" nagpapanic na ko habang kausap ang bff ko.

"Hahaha grabe ka naman Lie excited na excited ka na bang makita si Lance at masyado kang natetense.??" saad ni Sofia sakin.

"Oo sobrang excited na kong tirisin ang isang yun. Gusto kong makita ang magiging reaksyon nya pagnakita na nya ko. Simula na ng mga plano ko, makikita nya kung pano maghigante si Lierence Montemayor." Masyado talagang malaking sugat sa puso ko ang naiwan ni Lance noong kabataan namin at hindi ako makakapayag na hindi makagante sa kanya.

"In 20 minutes anjan na ko. Itetext ko nalang si yaya na jan na dalin ung damit na susuotin ko. Lie! Relax ka lang ok? Para magawa natin ng ayos ang plano natin." pagpapaalala ni Sofia sakin.

"Thankee bff dahil lagi kang nasatabi ko at sinosoportahan ako. I love you! Sabi ko, diba ang sweet ko?" Ganyan talaga kami sa isa't isa. We're like sisters.

" I love you too Lie.! Ikaw pa lakas mo sakin mwuah sige na bye." Sabay baba ni Sofia ng phone.

Dahil sa tapos na naman ako mag-ayos ay nakatunganga nalang akong nag-aantay kay Sofia at biglang bumalik na naman sakin ang isang ala-ala na ayaw kong maalala.

----Flashback----

Dahil nga sa lagi akong binubully ni Lance at hindi ako lumalaban ay ngkaroon na rin ng lakas ng loob ang ibang bata na awayin ako.

"Lierence hinahanap ka ng bestfriend mong Sofia dun sa likod ng stage dalhin mo daw lahat ng pagkain mo at dun kayo mag-recess." sabi sakin ng isang batang hindi ko naman kilala.

Hindi ko alam kung pupunta ba ako o hindi dahil sa hindi ko naman kilala ang nag-utos sakin. Baka pakana lang ito ni Lance para awayin ako. Pero naisip ko din na baka nga naisipan ni Sofia na dun kame kumain dahil maganda sa lugar na un dahil maraming puno at bulaklak. Kaya naman nag-mamadali akong pumunta sa likod ng stage. At sa biglang may tumulak sakin dahilan ng pagbagsak ko sa damuhan at kinuha nya bigla ang baon ko.

"Hahahaha tabachoy na lampa at uto uto ka pa." sabi ng batang hindi ko kilala at tawa ng tawa.

"Nasaan si Sofia? Anong ginawa nyo sa kanya?" tanong ko habang maluha luha na ko. Hindi dahil sa ginawa nila sakin kundi sa kung anong ginawa nila sa bestfriend ko.

" Ang tanga mo talagang tabachoy ka. Wala dito ang kaibigan mo sinabi lang namin un para pumunta ka dito. At makuha namin yang pagkain mo kasi hindi mo naman yan kailangan eh. Ang taba taba mo na kaya kahit hindi ka kumain ng isang taon hindi ka mamamatay. Hahahaa baboy ka kasi." Sabi ng batang lalaking siguro ay leader nila.

"Ang sama nyo. Not because I'm fat doesn't mean I don't need to eat. I hate people like you. I pity people like you because your not strong enough. Kaya ang mga tulad kong hindi lumalaban ang ginaganto nyo." sabi kong umiiyak

Hindi ko sila masumbong sa parents ko kasi alam ko kung anong mangyayari sa kanila once nagsumbong ako. Ayokong malaman nila kung sino talaga ako dahil alam ko na kapag nalaman nila kung sino ba talaga ako ay baka maging mabait sila sakin at hindi ko na malalaman king sino ba ang dapat kong kaibiganin sa kanila. Kung sino ang totoo at kung sino ang nagpapanggap lang.

"Ang dame mo pang sinasabi taba.." At natigil bigla ang lalaki sa pagsasalita kaya naman kinusot ko ang mata kong puno ng luha para malaman ko kung bakit sya napatigil sa sinasabi nya.

Si Lance nandito at papalapit sa lalaking nagsasalita na leader yata nila. Kinuha nya nung lunchbox ko na puno ng laman at lumakad palayo samin at hinayaan lang akong awayin ng batang lalaki na to. Akala ko pa naman ay tutulungan nya ko pero hindi pala ang sama talaga ng Lance na un. Bakit ba nila ako ginaganto samantalang wala naman akong ginagawa sa kanilang lahat. Kasalanan ko bang mataba ako at mahal ako ng parents ko kaya naman lahat ng gusto ko ay binibigay nila sakin.?

------END------

Naikuyom ko ang mga palad ko dahil sa mga naalala ko at malapit na naman akong maiyak dahil dito, buti nalang at dumating na ang bff ko at bigla nalang akong niyakap at hinalikan sa pisngi at sinabing, " naalala mo na naman sila? Hayaan mo na sila at mag-ayos na tayo para mapamuka mo na sa kanila kung ano ka na ngayon dahil sa mga panlalait nila." tumango nalang ako.

Dahil sa nakabihis na naman ako inantay ko nalang si Sofia matapos magbihis at make-up nalang naman ang kulang sakin.

-----------------------------

At Elem. School....

(Dito ang venue dahil malaki naman ang school at para masariwa na din daw ang mga masasayang alaala kaso sila lang ang meron nun kasi ako puro lungkot.)

"OMGosh!! its that Lierence And Sofia?? Grabe I'm a fan of them from tabachoy ni Lierence ngayon super sikat ng model. At alam nyo ba ang nalaman ko recently lang? Granny pala nia Lierence ang may-ari ng school na to." Sabi ni Shane hindi ko masyadong kilala kasi naman halos si Sofia lang talaga ang kaibigan ko.

"Really? Tapos knowing na lagi sya binubully buti hindi sya nagsusumbong kung hindi siguradong napatalsik na silang lahat sa school." sabi ni erika.

"Hi guys. kamusta na kayo?" Plastik kong sabi dahil hindi ko naman talaga sila halos kilala. I just want you to know readers na bratenella ako. Hahaha ang sabi lang naman sa cast section is I'm maganda and I'm sexy walang nakasulat na mabait ako. Way back in highschool kasi accidentally na ang mga naging friend namin ni Sofia ay mga bratenella at spoiledbrat talaga. Well lets not talk about it.

"Grabe lierence hindi kame makapaniwala sa transformation mo. Sobrang fan mo na nga kameng lahat kaya nga kahit medyo busy pinilit talaga naming makapunta." Sabi nung girl na si Monica ata un I really don't know her.

Napapagod na ang leeg ko kakahanap sa taong pinakagusto kong makita. Bakit kaya hanggang ngayon wala pa yun. Nang biglang nagtilian ang mga babaeng classmate ko at alam ko na kung sino dumating. Bigla akong napangiti 'let the battle begin!!' <evil smile>

Tabachoy RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon